Kabanata 19

2.2K 81 10
                                    

⚠Warning⚠ Expect wrong typos and grammatical error ahead.
              **************

    "MY VIEN we're here," nakahinto na ang kanyang sasakyan sa harapan ng gate ng bahay ng dalaga. Bumaling siya ng lingon dito. "Give me your key my Vien para mabuksan ko na ang gate."
    "Stop calling me like that. Tapos na tayo kaya huwag kang umakto na parang wala lang,"  walang lakas na sagot niya dito. "Now unlock this door," dahil hindi niya iyon mabuksan. Hindi na maganda ang pakiramdam niya nahihilo na siya at sobrang sakit na ng ulo niya.
    Walang nagawa si Dylan kaya sinunod na lang niya ang gusto nito ipinagbukas niya ito ng pinto. Agad naman umibis ang dalaga, buti na lang at humina na ang ulan hindi gaya kanina. Sinundan na lang niya ito ng tingin habang binubuksan ang gate gamit ang susi nito. Napakaripas siya ng takbo palapit dito ng makita niyang natumba ito bigla.
    "Fuck!" He cursed, "what happening to you?" Mabilis  niyang binuhat ang katawan nito at muling ipinasok sa sasakyan. Bumalik sa gate para  buksan naman ang  malaking bahagi ng gate para maipasok niya ng tuluyan ang kanyang sasakyan. "Shit talaga, Bakit ba kasi wala man lang kahit isang katulong ito?"
    Nang maipasok ng tuluyan ang sasakyan sa loob at maisara ulit ang gatei ay ang main door naman nito ang binuksan niya buti na lang at magkasama ang susi sa gate at sa pinto nito kaya hindi siya nahirapan sa pagbukas. Binalikan niya si Rhaime, tinapik-tapik niya ang pisngi nito dahil sa nakapikit ito, nakahinga siya ng maluwag nang mapag alaman na may malay pa naman ito pero agad din iyon napalitan ng  pag aalala ng masalat ang mainit na leeg at noo nito.
    Tinabig ng dalaga ang kanyang kamay. "Don't touch me." mahina nitong wika na nakapikit pa rin.
    "Bubuhatin kita kaya huwag ka magulo." Mabilis niya itong binuhat na at diretsong ipinasok sa silid nito na salamat naman at hindi na niya kailangan gamitan pa ulit ng Susi para mabuksan, dahil hindi iyon nakalock. Minsan na rin siya nakapunta dito kaya tanda niya ang silid nito.
    "Put me down so I can be myself, you can leave now Dylan." At pinilit niyang gumalaw para mapilitan siya ilapag nito. Pagkalapag sa kanya ni Dylan ay basta siya naghubad ng mga kasuotan wala siyang itinira ni isang saplot sa katawan.
    Napalunok naman si Dylan sa ginagawa ni Rhaime habang isa-isa nito hinuhubad ang mga saplot sa katawan nito, tila nakalimutan na siya nito na nasa loob pa siya ng silid nito. It did not know how eager he was to see that body kaya grabeng torture ito sa kanya at ang nagbabadyang pagkabuhay ng kanyang alagang tulog sa pagitan ng kanyang mga hita.
    Humiga si Rhaime sa kama at ibinalot lang ang buong katawan sa comforter na ulo lang ang nakalitaw. Napakunot siya ng noo at napa tanong sa sarili na aware ba ito na nilalagnat ito para magtangal ng buong saplot sa katawan at balutin  ang sarili gamit ang comforter.
    Nilapitan niya ito at nakitang nakapikit na. "Rhaime." tawag niya sa pangalan nito, ng hindi ito kumibo ay umupo na siya sa gilid ng kama. Sinalat niya ang noo maging ang leeg nito at mas uminit pa iyon kaysa kanina.
    Bumahid ang pag-aalala ng labis sa kanyang pagkatao para sa kalagayan nito. Mabilis siyang nagtungo sa kusina para kumuha ng palanganita at naglagay ng tubig kumuha na rin siya ng malinis na binpo sa drawer nito.
    Pinunasan niya ang buong mukha, leeg at maging ang buong katawan ng dalaga. "Oh, I really miss you Rhaime, god knows how much i miss you." usal niya sa natutulog na dalaga.
    Nabihisan na rin niya ito ng pantulog na  kinuha niya sa  closet nito. Sa sobra sigurong sama ng pakiramdam nito ay hindi na nakuhang magising habang pinupunasan at binibihisan niya.
    Nang matapos asikasuhin ito ay napag pasyahan niya ipagluto ito kaya tinungo niya ang kusina nito ng makita niyang may mga stock naman ito sa ref at halos kumpleto naman iyon kaya hindi siya nahirapan sa pagkilos. 
    Tumawag siya sa kaibigan si Mond habang hinihintay maluto ang niluto niya. "Where are you now?"
    "Oh Dylan napatawag ka, i'm with Sansky why? "
    "I need help, nandito ako sa bahay ni Rhaime and she's sick now. I need medicine wala siyang gamot for fever na naka stock sa medicine kit niya. Hindi ko naman siya maiwan para bumili ng gamot kasi wala siyang kasama."
    "Okay buds pupunta kami diyan ni Sansky para makapag dala ng gamot." Biglang inagaw ni Sansky ang cellphone kay Mond.
    "Hey Dylan, how's my best friend now, is she's okay?"
    "Yah, natutulog siya pero mainit pa rin eh hindi pa kasi siya nakakainom ng gamot."
    "Okay pupunta na kami diyan mabilis lang kami promise bye."
    Hindi rin nagtagal at may narinig siyang pagbusina ng sasakyan kaya dali-dali siyang lumabas para alamin kung si Mond at Sansky na ang dumating at tama nga siya. Sa labas na lang ng gate ipinarada ng mga ito ang sasakyan dala. Binuksan niya ang maliit na gate para makapasok ang mga ito.
    "Where is she?" Tanong nito kay Dylan sabay abot ng isang plastic na may lamang gamot.
    "She is in his room now."
    Dumiretso silang lahat sa kwarto ng dalaga at nadatnan nga nila itong natutulog.
    Umupu sa gilid ng kama si Sansky at sinalat ang noo ng kaibigan.
    "Kukuha lang ako ng pagkain niya para makakain na muna siya bago siya uminum ng gamot maiwan ko muna kayo." Paalam ni Dylan sa mga ito.
    Nagising si Rhaime dahil sa paggalaw ng kama ng umupo si Sansky doon.
    "Best, are you okay?" Tanong ni Sansky
    "Best anong ginagawa ninyo dito?" napatingin din siya sa kasama nito na nakatayo naman sa tabi ng Kaibigan.
    "Dylan called Mond and said that you were sick. Eh nagkataon naman nasa bahay pa si Mond kaya na papunta kami dito bigla ng sabihin ni Dylan na wala ka daw gamot hindi ka naman niya maiwan aya kami na bumili.
    "By the way bestie he's Mond do you remember him?"
    "Ahm yeah," bumangon siya para maka upo ng maayos. Siya iyong kasama mo ng nagpunta ka dito  noon wasak na wasak ang puso ko"
    Oo siya nga, at siya din yun isa sa kliyente natin na nadeal mo sa qatar.
"Oh really, I can't remember him, if i'm not mistaken his name is Eduardo Clemente and not Mond."
    "That's my Uncle," sansala ni Mond kay Rhaime. "I'm one of the owner too. Masyadong abala si Tito Eduard ngayon kaya ako muna. By the way I'm Ritchmond Candellaria call me Mond in short." Sabay lahad ng palad dito.
    "And by the way I'm Dylan's friend too, nagka kilala na tayo before, dont you remember? sa mall iyon."
    "Oh, kaya pala you look familiar na noong nakita kitang kasama ni Sansky nagpunta dito hindi ko lang masyadong pinag tuunan ng pansin. Doon nga yon sa mall tama." Napangiti ito." Naalala ko may hinahanap ka diba. Did you find what you were looking for?"
"Yah, I find her." sabay tingin nito kay Sansky ng malagkit.
    Pinanglakihan naman ng mata ni Sansky si Mond na hindi nakaligtas sa paningin ni Rhaime.
    Natuon ang pansin nila sa pagpasok ni Dylan na may dalang pagkain na nakalagay sa  isang stainless tray. Maingat nito iyon inilapag sa mesang nasa gilid din ng kama nito na nakapwesto.
    "Nagluto ako ng macaroni soup kainin mo muna ito para makainom ka ng gamot." Akmang susubuan niya ito pero hindi iyon pinansin ni Rhaime.
    "Kailangan mo kumain muna bago ka uminun ng gamot para bumaba ang lagnat mo."
    "I'm okay na, mawawala din ito." Walang kagana-gana niyang sagot kay Dylan.
    Sinalat naman ng binata ang noo niya  pero tinabig ni Rhaime ang  kamay nito.
    "Don't touch me!"
    Nabigla man sa naging akto nito sa kanya ay hindi na nga niya ito hinawakan pa.
    Tumayo siya sa pagkakaupo sa gilid din ng kama nito.

Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon