Kabanata 5

3.2K 140 94
                                    

    NGAYON  niya tsaka lang nya naramdaman ang sakit ng likod at sakit ng mga braso dahil sa pagtulak ng mga push cart na iyon. Ngayon na lang din niya napansin na may bukol siya sa noo hindi na lamang niya iyon pinansin at dahil sa pagod na rin kaya madali siyang nakatulog.
    May malamig na kung anong bagay ang  nararamdaman niyang lumalapat sa kanyang noo, gusto sana niyang imulat ang mata upang sinuhin pero mas nanaig sa kanya ang antok at baka  nananaginip lang siya.
    Napatigil si Dylan sa ginagawang paglalapat ng ice bag sa noo ni Rhaime ng bahagya itong gumalaw upang bumago ng posisyon sa pagkakahiga. Nag-alala siyang tuluyan ito magising at makita siya, kahit naman kasi madalas niya itong asarin at pahirapan ng kaunti lang naman ay nag-alala siya ng makita niyang nagka bukol ito ng dahil sa kalokohan niya minsan kapag pinagtritripan niya ito.
    Pinagmasdan nito ang natutulog na  dalaga at matiim na pinakatitigan ang bawat angulo ng maganda nitong mukha. Kanina ipinagpilitan ng dalaga na hindi siya nito niloko ng mga panahon na iyon at may dahilan daw kung bakit siya nito iniwan. Hinangad ni Rhaime na magpaliwanag sa kanya pero hindi niya  ito binigyan ng pagkakakataon kahit anong pakiusap nito sa kanya. Eewan ba kung bakit bigla siyang natakot na malaman ang panig nito.
    Dalawang lingo na itong nagtratrabaho bilang yaya niya at sa dalawang linggo na iyon ay wala siyang ginawa kundi ang pahirapan ito sa paraan alam niya. Gustong-gusto niyang inaasar ito lalo na kung ang topic ay ang pagiging virgin pa nito at ewan ba at gustong-gusto niyang nakikita kung paano ito mamula at pilit na iiwas  sa kanya kapag ganoon na ang usapan.
    "Sorry ha, hindi pa kasi ko handa sa paliwanag mo wala kasi ako tiwala sa sarili ko?" Sabi niya sa natutulog na dalaga, medyo matagal-tagal din siya namalagi sa silid nito bago napagpasyahan na lumabas na.

    KINAUMAGAHAN magaan ang pakiramdam ni Rhaime ng magising siguro dahil maganda ang panaginip niya nitong nagdaang gabi agad siyang naligo at ng matapos ay dumiretso na sa kusina kung saan nakita niya si Manang flor na abala sa paghahain ng agahan.
    "Good morning po manang" masigla niyang bati dito
    "Ano po maitutulong ko?"
    "Magandang umaga din sayo, halos patapos na ko dito, mainam pang puntahan mo nalang iyon alaga mo  doon sa silid niya at gisingin mo na ng makapag agahan na siya."
    "Sige po." Habang Paakyat sa hagdanan sa ikalawang palapag ng malawak  na bahay nito kung nasaan ang silid  ng binata ay alanganin siya, hindi maganda ang nanyaring tagpo sa kanila nito kahapon. Kung sa bagay wala nman magandang nanyayari talaga sa kanila lalo na kapag nandito ito sa bahay kung ano-anong kawirduhan inuutos nito sa kanya madalas siya nitong tudyuin o kung di man kung ano lang maisipan ipagawa sa kanya na dapat sa bata lang ginagawa ng isang tagapag alaga pero ito eh damulag na at halos kaya naman gawin sa sarili.
    Halos mawindang at hindi niya malaman ang gagawin ng minsan habang nagpapahinga na siya sa kanyang silid ng katukin siya nito at utusan siya na paliguan daw niya ito dahil napagod daw at tinatamad maligong mag-isa, at bilang yaya nito trabaho daw niyang gawin iyon. Kundi ba naman talaga malakas ang sayad nito, nagkamali lang siguro si Manang ng sabihin sa kanya na kailangan nito ng yaya, minsan nga naiisip niya na hindi naman talaga yaya kailangan nito  kungdi taong mapaglalaruan lang kaya ang malas niya talaga.
    Banayad siya kumatok na sapat lang para marinig nito."Dylan...Dylan"
    "Pasok ka..." hah ano daw tama ba iyon narinig ko na pinapapasok niya nanaman ako sa loob shit, ano nanaman kaya plinaplano nito sa kanyang ipagawa?" Sa tuwing pinapapasok kasi  siya nito malamang sa may ipagawa nanaman ito, Mahina niyang sabi. Pinihit niya ang doorknob  pabukas para pumasok, nakita niya itong walang damit pantaas at naka kumot ng hangang bewang lang. Nakahiga parin ng patihaya sa kama habang nakapikit pa, pero gising na ito malamang dahil pinapasok nga siya.
    "Ahm...nakahanda na ang agahan mo  bumangon ka na diyan." Nasa  gilid siya ng kama nito at nakatayo habang nakatingin dito.
    "Halika itayo mo ako."
    "Ano...? Ikaw nalang kaya, bakit kailangan pang itayo kita?" Nakakunot ang noo niya.
    "Kasi iyon ang gusto ko at inuutusan kita." Ang linya nito na iyon na memoryado na niya kapag nagrereact siya sa gusto nitong ipagawa. Tinaas niya ang kanyang dalawang braso para abutin ni Rhaime ang kanyang mga kamay." Bilis na itayo mo na ako."
    Kasi iyon ang gusto ko at inuutusan kita. Salitang bwiset sa pandinig niya pero gustung-gusto niya marinig dito kasi nakakakilig iyonn sa kaniya lalo pa't kay Dylan iyon nanggaling. Kaya Gagawin naman niya.
    Lumapit siya dito at hinawakan ang dalawang kamay na nakalahad sa kanya, hinila niya ito pataas pero mabigat ang binata kaya mas hinila niya pa ito ng may pwersa pero kasabay ng paghila na iyon ay ang paghila din nito sa kanya  imbes na maitayo  niya ito ay siya ang napadapa at sumubsob sa matitipuno nitong dibdib. Naramdaman niya ang paglipat at paglapat ng isang kamay nito sa kanyang baywang paikot at ang isa naman ay nasa balikat niya.
    Nagkauntugan pa sila sa noo at sa pag angat niya ng ulo ay nag-katinginan sila, malapit na malapit lang ang pagitan ng mukha nila ramdam nila ang mainit na hininga nila sa isat-isa. Pinagmasdan nito ang gwapo nitong mukha na walang kupas ang makapal na kilay nito. Kulay brown na mata, matangos na ilong, at ang manipis na labi nito na bahagyang nakabuka na tila ang sarap halikan. Kaya sa kagustuhan niya na matikman iyon ay inilapat niya ang kanyang labi kay Dylan sabay pikit, ninamnam niya ang sarap ng labi nito sa pagkakalapat sa labi niya habang nakapikit, napakalambot ng mga labi nito.
    Bahagyang nagulat si Dylan sa ginawang paghalik ni Rhaime sa kanya at hindi niya iyon inaasahan. Plano lang naman niyang  magpatayo talaga sa dalaga  pero mas  napalakas ang hila niya dito para mawalan ito ng balanse kaya bumagsak ito sa kanya habang nakahiga pa siya.
     Gusto niya ang pakiramdam ng pagkakalapat ng kanilang labi at sobrang lakas ng infact nito sa kanya lalo na sa Friend niya sa pagitan ng hita niya, kaya ng makita niya na nakapikit ang dalaga at plano na niyang palalimin ang halik na iyon, kaya ibinuka nya ang kanyang labi at hinagod ng dila niya ang mga labi nitong nakasara pa pero bigla itong dumilat at sa kanyang pagkadismaya at labis na pagkabitin ay  dali-dali itong bumangon sa ibabaw niya at pinunasan ng sariling palad ang labi nito na nabasa niya dahil sa ginawang pag dila.
    P-pasensya na hindi ko sinasadya na h-halikan ka. Hindi magkandatutong salita niya dito kaya dal-dali na siyang lumabas ng silid nito bitbit ang labis na hiya.
"Shit Rhaime anong ginawa mo?" Pagkastigo niya sa sarili.
    Nainsulto si Dylan sa nakita at ginawa ni Rhaime sa kanya ng punasan nito ng sariling palad ang labing nabasa niya ng dilaan ito gusto lang naman niya na palalimin sana ang halik na iyon na inumpisahan nito dahil iyon din ang gusto niyang gawin.

    SAMANTALA sa silid niya siya dumiretso pagkagaling niya sa silid ni Dylan. Dahan-dahan siyang napaupo. Hangang ngayon ay pinapagalitan parin niya ang sarili sa ginawa niyang paghalik dito.
    "Shocks talagang nakakahiya ang ginawa ko kasi naman kahit naman gusto ko  siya hindi ko dapat ginawa ang ganoon" Natigilan siya bigla ng marealize kung anong sinabi niya.
    "Teka gusto ko nga lang ba siya  o tamang sabihin na mahal ko parin naman talaga siya, dahil hindi naman talaga ito nawala sa puso at isip niya patuloy niya itong minahal. Kaya nga wala siyang tumagal na boyfriend noon dahil hindi niya kayang dayain ang sarili niya. Nakahanda na nga siyang tumandang dalaga at mamatay ng virgin eh tanggap na niya iyon pero ang lahat ng iyon ay nagbago sa pagkikita nila ulit.
    Kaya naman sobrang saya niya ng makita ito ulit at ipilit na huwag siyang paalisin dahil umaasa siya na mapapatawad pa nito at magagawang tangapin muli.
    Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto hindi iyon nakalock dahil hindi niya talaga ugaling mag lock ng pinto ng kwarto, at walang pag-aatubili itong pumasok ng basta-basta at mabilis na nakalapit sa kanya. Marahas na sinaklit nito ang mga braso niya para makatayo siya. Nakikita niya sa mga mata nito ang galit.
    "Nasasaktan ako, bitiwan mo ako" ipiniksi niya ang braso pero mahigpit talaga ang kapit nito.

"Ano ba Dylan?"
    "How could you do that to me huh! Ganoon ba sobrang nakakadiri ang ginawa ko para punasan mo nang ganon na lang ang bibig mo sa harap ko?"
    "Huh, Mali ang iniisip mo."
Lumambot ang expression ng mukha nito sa kaniya at lumuwag na ang kanina'y  mahigpit na hawak nito.
    "A-ang totoo kasi nahiya ako sa g-ginawa ko, hindi ko dapat iyon ginawa." napayuko siya. "Sorry."
    Hinawakan niya ang mukha ni Rhaime ng kanyang dalawang palad at iniharap sa kaniya.
    "You dont have to say sorry  my Vien, hindi mo alam kung gaano ko ka gusto nang ginawa mo sa akin yun kaya ngayon palang  sorry kung ako naman this time ang gagawa."
    Unti-unting inilapit niya ang labi sa dalaga marahang idinampi at banayad na hinalikan ito.
    Kung kanina sa silid nito ay pumikit siya ng hinalikan ito ngayon naman ay laking-laki ng mata niya habang magkalapat ang labi nila ni Dylan. Ramdam niya ang sarap ng halik na iyon kaya kasabay ng pagpikit ng mata niya ay ang pagbuka ng bahagya ng kanyang bibig para patuluyin ang dila nito sa kanyang bibig na gustong pumasok. Ipinalibot niya ang kanyang mga kamay payakap sa balikat nito habang nakapulupot nman ang isang kamay ni Dylan sa baywang niya at ang isa naman ay nasa batok niya.
    "Hmmm....." hindi na niya napigilan ang bahagyang pag-ungol sa pagitan ng halikan nila dahil mas pinalalim pa ni Dylan iyon. Hinalukay ng dila nito ang loob ng bibig niya at paminsay sinisipsip pa, na walang pag-aatubiling tinugun din niya ng labi sa labi, dila sa dila at laway sa laway. May kung anong malakas na boltahe ng kuryente ang naramdaman niya na sobrang sarap. Sarap na unti-unting dumadaloy pababa sa pagka babae niya nagdulot ng pagkabasa nito.
    Kakaibang sarap sa pakiramdam ni Dylan ng marinig ang bahagyang ungol na iyon na nagmula kay Rhaime na lalong nagpaigting sa kagustuhan niyang palalimin pa. Inilipat niya ang kanyang isang kamay sa dibdib nito at marahang hinimas iyon. Nang hindi makuntento ay ipinasok niya ito sa loob ng suot nitong damit at doon malayang minasahe ang dibdib nito na natatakpan pa ng bra.
    Pinagapang niya ang mga labi papunta sa leeg nito kasabay ng pagdila. Hinagod ng dila ang bawat parte nito pataas pababa kasabay ng pag-himas sa dibdib nitong katam-taman lang ang laki.
    "Ooohh.....Dylan." Paungol na tawag nito sa pangalan ng binata.
    Huminto siya sa ginagawa at tsaka niyakap ng mahigpit ang dalaga tsaka bumulong sa pagitan ng  tenga niya.
    "You know my Vien? Ahm ,change your clothe, come with me lets go outside. We can do this next time ayokong biglain ka eh virgin ka pa kasi."
    Tumingin siya sa binata na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya at nakangiti." Saan tayo pupunta?"
    "Date tayo."
    "Date tayo?" Ulit niya sa sinabi nito namula siya.
    You know my Vien i really like you when your blushing." Pinisil pa nito ang pisngi niya. I'll waite you outside." Hinalikan niya muna ito sa labi  bago siya lumabas ng silid nito.
    Sinundan niya ng tingin ang palabas na binata at napaupo sa kama. He call me vien again." Namiss kong tawagin mo ko ulit sa ganyan." Vien ang tawag ni Dylan sa kanya noon its a part of her name pero iyon ang ginawang endearment nito sa kanya kaya wala siyang kahit na sinong pinahintulutan na tawagin siya ng kahit na sino sa pangalan niya na iyon maliban dito. Kahit ang bestfried niyang si Sansky. Sobrang saya niya. "Simula na po ba to lord  kung oo thank you po"

      ***** rhaime22 *****

    Author's note: Thank for reading and voting this chapter.




Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon