3rd Avenue

20 2 3
                                    

The only one..

"Lunch time!" Sigaw ng katrabaho kong si Young-sook. Nilingon ko ang katabi kong si Soon-hyung na paunat-unat na at bumubulong pa ng korean expression na hindi ko naman maintindihan.

Napaunat na rin ako at tumayo. Dinala ko na ang backpack ko at nagpaalam na sa mga kasama ko.

Dumiretso ako sa ground floor ng building ng music company namin, may sarili kasi itong cafeteria at convenience store pero sa cafeteria ako kumain.

Nag-open ako ng facebook account ko pagkatapos kong mag-order ng pagkain at tinignan kung online ba sa Ry.

Ry Caval posted a status:

"Come back home, baby.. come back home."

Natawa ako dahil iyon ang paboritong kanta ni Ry na isang korean song. Ewan ko ba kay Ry, hindi naman iyon mahilig sa KPop songs pero paborito niya ang kantang 'yon. Siguro, nagpaparinig lang talaga siya sa'kin thru status. Gustung-gusto niya na talaga siguro akong umuwi? Hayaan niya, I'm finding my way to go back there.

"Oh.. you're alone?" Malambing na tanong niya. Nag-angat ako ng tingin kay Lydia na umuupo sa kaharap na upuan. Nagulat nga ako kasi hindi ko naman siya pinaupo.

Ngumisi na lang ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone ko.

"Can I join you here?" Napaangat ulit ako ng tingin at nakita ko ang pag-angat ng kanyang pekeng cheekbone dahil sa pagngiti.

"Sure." Umupo ka nga e. I thought.

It's obvious na ayaw ko pero hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan siya. Napansin kong may pagka-clingy siya minsan and I don't like it but she's really kind to me.

"Lydia!" Kinakawayan siya ng bawat taong kakilala niya na dumadaan sa gilid ng table namin. Kinakausap pa siya ng ibang koreano na hindi ko naman maintindihan dahil ang bibilis nilang magsalita ng kanilang lenggwahe.

I shrugged. Nag-type ako ng message ko sa facebook para kay Ry.

Terrence Borres:

Baby, it's lunch here. Kumain ka na? :)

Maya-maya'y nagreply si Ry.

Ry Caval:

So early for lunch. Wala pang tanghalian dito.

Muntik ko nang pukpukin ang ulo ko dahil naalala kong magkaiba nga pala ang timezone ng Pilipinas at ng Seoul.

Terrence Borres:

Former boyscout here. Advance lang, always ready. ;)

Biglang nagsalita si Lydia sa harap ko,

"Can I add you as.. hmm.. friend?" Medyo hirap siyang mag-english at minsan ay mali pa ang grammar. Mukhang nag-aaral pa siya. 

"We're already friends?" I answered her hesitantly.

Umiling siya, "Ani-yo(No). I mean, on facebook."

Tumango-tango ako. "Okay, my email address is.." At binigay ko nga ang email address ko.

Ngumiti siya ulit, "I added you, uhhm, already." Tumango pa siya at hindi na umimik, mukhang nag-surf na rin sa internet using her phone.

Chineck ko muna ang reply ni Ry bago ko inaccept ang friend request ni Lydia.

Ry Caval:

Over-ready kamo. LOL. Empty your plate, okay?

Ngumiti ako. Masyado akong masunurin sa kanya kaya naman inubos ko na ang laman ng plato ko.

"Gonna back to work, Lydz." Paalam ko sa kanya at tumayo na sa kinauupuan niya.

"Alright, thanks!" Kumaway pa siya.

Habang naglalakad ako papuntang elevator ay nag-check lang ako ng news feed ko. Hindi ko na pinansin ang notifications ko at puro message kay Ry ang aking inatupag.

Ry Caval:

Who took your pic? A girl, huh?

Terrence Borres:

What pic?

Ry Caval:

Look at your wall.

Mabilis ko ngang tinignan ang profile ng facebook ko at nagulat ako sa nakita ko.

My stolen picture while smiling and staring at my phone, taken awhile ago. Si Lydia, pinicture-an ako!

And there's a caption, saying.. "Your smile can also be the source of someone's happiness, Mr. Smiley. ♥ ♥ ♥"

Mas lalong ikinagulat ko ay yung maraming nag-like at comment sa photo ko. It's.. I think, 300+ likes with more than a hundred comments or rather, compliments.

What's with the caption? I shook my head with what I'd read at mabilis na tinawagan si Ry.

["Hello.."] Malamyang sagot niya.

"Babe.. katatapos ko lang mag-lunch. I didn't know that she took it while I'm chatting with you." Paliwanag ko.

Sandali siyang hindi sumagot, ["Okay.."]

"Okay? It's not okay, you're not okay, Ry. Nakiupo lang siya sa table ko. Artist siya na papausbong palang."

Tumunog na ang elevator at dumiretso na sa studio.

["I'm okay, alright? M-mukha kasing close k-kayo. But don't mind me, Terrence."]

Napakunot ang noo ko. Lover's quarrel? No endearment if mad, babe?

"We're not close. Ry, ano ka ba. Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik sa kabilang linya.

"Hey.."

["Maglu-lunchbreak na kami, Terrence.. Baba ko na 'to. I'm not jealous.."]

"Hey, wait.. Don't be like that. Alam kong nagseselos ka. Masyado ba talaga akong pogi para pagselosan mo ang mga babaeng nakakatrabaho ko? Tell me, what's the problem then?" It's supposed to be a joke pero hindi siya natawa kaya kinabahan ako.

["Hay nako, ewan ko talaga sa'yo,"] Medyo natawa siya and I was shocked. ["Pero Terrence, you know.."]

"What?" Ngumiti ako, hindi siya galit. Nagseselos lang. Hell, yeah.

["Medyo nadisappoint lang ako sa sarili ko.."] Sagot niya.

"Why?"

["I assumed too much. Akala ko ako lang nakakadama ng saya sa tuwing makikita ko ang mga ngiti mo. I thought, ako lang ang makakakita ng sparks sa mata mo tuwing masaya ka at kapag kasama kita. Akala ko.."]

I hushed her, "Don't think about that. Kahit pa maraming makakita na masaya ako.. at makadama ng saya sa bawat ngiti ko, just always remember that you're the only reason why I'm smiling ang why I am happy. You're the only one reason. You're my whole dmn reason and happiness, Ry. Don't ever doubt that."

Sa Lugar Na 'Yon (Season 2) Pagong ang UpdateWhere stories live. Discover now