CHAPTER 6

120 18 0
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 6:

—DOMINIC POV—

Wala pa ngang isang minuto ay dinumog kami ng mga reporters at ibang fans.

Napansin ko naman na halos takpan na niya ang mata niya dahil sa sunod sunod na flash ng camera. Kaya naman agad ko tinanggal at suot kong suit at saka ito itinakip sakanya.

Agad narin naman rumisponde ang mga guards upang protektahan ako sa mga reporters at fans na nagkakagulo na sa pagkuha ng video at litrato.

Kaagad ko nga siyang inalalayan na tumayo saka inalalayan na maglakad hanggang sa marating namin ang parking lot kung saan nandoon nag iintay ang kotse na sasakyan ko.

Nang makasakay na kami ay kaagad narin 'tong pinaandar ni Steven, ang personal driver ko.

“Dominic, sino naman yang kasama mo?” seryosong tanong sakin ng manager ko na si Vince.

“Tignan mo, laman ka na naman ng social media. Trending ka sa Twitter. Gustong malaman ng fans mo, kung sino yan.” dagdag pa ni Vince.

—SCARLET POV—

“Pwede niyo na ako ibaba dito. Malapit na dito yung bahay na tinitirhan ko.” malumanay na saad ko.

“Miss, sino ka ba? Ano ka ba nitong alaga ko? Dahil sayo pinagkaguluhan si Dominic ng mga reporters at mga fans niya. Ano nalang iisipin ng ibang tao ngayon kay Dominic? Na may dini-date siyang fans?” sarcastic na tanong ng lalakeng nakabihis at naka-postura.

“Hindi ko naman po intensyon na manggulo doon sa event kanina. Natakot lang talaga ako sa fireworks.” malumanay na paliwanag ko.

“Patingin nga ako ng ID mo. Nang malaman namin kung sino ka o kung saan ka nagta-trabaho.” seryosong pagkakasabi muli ng lalake.

“I-ID? W-wala akong ID.” nauutal na pagkakasabi ko.

“Agad naman nang tinginan si Dominic at yung lalake na nasa front seat.

“Kung wala kang ID. Gusto nalang namin malaman ang pangalan mo. Buong pangalan mo. Para hindi narin kita pinag iisipan ng masama. Hindi kasi 'to ang unang pagkakataon na nanggulo ka sakin.” seryosong pagkakasabi ni Dominic.

“S-Scarlet.” nauutal ko pang pagkakasabi.

Agad naman nagtinginan sila Dominic ang lalake na naka-upo sa front seat.

“Saan ka nakatira? Ihahatid kana namin.” seryosong pagkakasabi ni Dominic.

“Wait, what? Dominic!” tila hindi pag sangayon ni lalake na nasa front seat.

“Ibaba niyo nalang ako dito. Kaya ko na umuwe ng mag isa.” saad ko.

“Nang ganitong oras? It's already passed 9 o'clock in the evening. Baka mamaya mapano ka pa kapag mag isa kang uuwe sainyo. Tapos sisihin pa ako ng mga magulang mo. Masira pa ang career ko ng dahil sayo.” seryosong pagkakasabi ni Dominic.

Nakita ko naman na tinaasan ako ng isang kilay ng lalake na nasa front seat.

——

—KATHY POV—

“Anong oras na, bakit wala parin si Scarlet.” pag aalala ko habang nakadungaw ako sa bintana mula sa ikalawang palapag.

“Pauwe narin yun. Wag ka mag alala. May kapangyarihan taglay si Scarlet. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.” seryosong pagkakasabi ni Gie.

Maya maya pa nga ay may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay ko. At saka bumaba si Scarlet.

Kaya naman nagmamadali akong lumabas ng bahay upang salubungin niya.

Pero pagbaba ko ay nakaalis na ang kotse na naghatid sakanya.

“Mabuti naman nakauwe kana. Pero teka, sino yung naghatid sayo?” agad na salubong ko kay Scarlet.

“Si ano....si Dominic.” nakangiting sagot ni Scarlet.

“Bakit nakangiti ka?” seryosong sabat naman ni Gie.

“Huh? Hindi ah.” pagde-deny ni Scarlet.

“Oh, anong nangyari kanina? B-bakit ka hinatid ni Dominic?” pagtataka ko.

“Pinagkaguluhan kasi kami kanina ng mga fans niya at mga reporter.” pagki-kwento ni Scarlet.

“Pinagkaguluhan? Pero bakit? Ano ba nangyari?” pagtataka ko.

“Bigla kasi nagkaroon ng fireworks display doon sa event kanina. Takot ako sa kahit anong ingay na galing sa paputok kaya agad akong napatakip ng tenga. Nagulat nalang ako ng bigla akong nilapitan ni Dominic at saka niya tinakpan ang tenga ko. Tapos nagsimula na kaming pagkaguluhan ng mga reporter at fans niya, isa rin sa kinatatakutan ko ay ang flash ng camera. Kaya agad niya tinaklob sakin ang suot niyang suit.” pagkikwento ko at hindi ko na nga maiwasan na kiligin.

“Nag ala-night in shining armor mo pala si Dominic. Ayieeee.” kinikilig na saad ko.

Agad naman kumunot ang noo ni Scarlet.

“Bakit namumula ka?” seryosong tanong sakin ni Scarlet.

“Wala kinikilig lang ako sainyo ni Dominic.” nakangising pagkakasabi ko.

“Kinikilig? Ano yun?” pagtataka niya.

Ay oo nga pala, alien nga pala 'tong si Scarlet.

Maya maya pa ay napansin ko na tila may kinakapa si Scarlet sa bulsa ng suot niyang jacket.

“Nasaan na?” sambit niya.

“Ang alin?” magkasabay na tanong namin ni Gie.

“Yung compas ko.” sambit ni Scarlet.

——

—DOMINIC POV—

Nang makauwe na ako sa bahay ay agad ako dumiretso sa kwarto ko.

Tinatanggal ko na ang suot kong suit ng may makapa akong kung ano sa bulsa ng suit ko.

At isang compas na kulay ginto ang nakita ko. Sa pagkaka alala ko, si Scarlet ang nagmamayari ng compas na 'to.

“2020 na pero bakit gumagamit pa rin ng Compas si Scarlet?” pagtatakang sambit ko sa sarili ko.

Nang buksan ko ang compas ay may nakita akong ukit. Ang ukit na yun ay parang nakita ko na.

Agad ako nagtungo sa silid kung saan nandoon ang kwentas na nakuha ko ng magtungo ako sa Baler, Quezon noon.

At kaagad ko nga pinagtugma ang ukit sa compas at ang ukit sa pendant ng kwentas. Magkaperahas na magkaperahas ito.

To be continue..




The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon