"Anak ng tokwa talaga 'tong lalakeng 'to. Paano siya nakaka-survive nang walang pagkain?!" Salubong ang kilay kong chineck ang oras sa suot kong wristband. Past 10pm na, pero siguro naman may 24/7 na fast food chain man lang sa malapit.

Bumalik ako sa kwarto para kunin ang susi ng sasakyan ko. Halos tumakbo ako palabas dahil gutom na gutom na 'ko. Kaso muntikan akong madapa sa paperbag na nakaharang pagkabukas ko sa pinto.

'EAT ME'

Limang segundo ko yata itong tinitigan. Di kaya death threat na naman 'to tapos may laman na nakakatako—napahinto ako sa pag-iisip nang may naamoy akong masarap. Literal na amoy masarap nga mula sa paperbag!

Tumingin ako kaliwa't kanan bago ito kinuha at mabilis na pinasok. Daig ko pa magnanakaw sa ikinilos kong 'yon, shet! Dali-dali kong binuklat at pagkakita ko sa laman ng paperbag, napaawang na lang ang labi ko.

May fried chicken, pasta, at burger! At mainit pa! Kinalkal ko pa ang laman dahil baka may dessert at shuta meron nga! Luh? Hulog ba 'to ng langit?? Di kaya narinig ni Lord 'yung dasal ko kanina??

Sinimulan ko agad ang pagkain habang iniisip pa rin kung kanino ba 'to galing. Eh, sa gutom na 'ko, e! At saka hindi nakakapag-isip ng maayos ang isang taong gutom.

Nasa kalagitnaaan na ako ng masarap kong pagkain nang biglang bumagal ang pag-nguya ko.

Di kaya kay Sam galing 'to? Pero paano naman niya nalaman na nagugutom ako? At saka mainit pa nga at mukhang bagong luto ito kaya imposibleng sa kanya manggaling. Unless may hidden cctv siya rito sa kinaroroonan ko at nakikita niya ang ginagawa ko.

Kinuha ko ang juice ko at sinipsip. Habang umiinom, dumapo ang tingin ko sa kamay ko papunta sa palapulsuan kong may suot na itim na wristband. Pabagal nang pabagal ang pag-inom ko hanggang sa literal na naibuga ko ang juice na nasa bibig ko at nabitawan pati ang burger na hawak ko.

"What is the name I have to call?" I asked while gazing at the device, curious on how does it work.

He bit his lower lip, trying to suppress a smile. "Just say... Lord help."

"Holy shit."

Napatingin ako sa mga pagkaing nasa harapan ko.

"Lord, help. Sana may pagkain sa kusina."

Nanlaki ang mga mata ko at madaling tinanggal ang itim na wristband sa palapulsuan ko. Salubong ang kilay kong pinagmasdan ito at inisip kung seryoso kayang gumana ito kanina? Eh, mukha namang normal na wristband lang siya na may orasan!

Pero kung totoo ngang nag-work 'to dahil sa magic word na nasabi ko, ibig bang sabihin ay nakatanggap siya ng live video nang nangyayari sa 'kin kanina?

"Tangina," mura ko habang sinisipat sipat kung saang parte ng bwiset na device na 'to ang camera!

Na-badtrip na 'ko kakakalikot at hindi ko talaga na-identify kung paano ito nagana. Inis ko na lang itong inoff at nilagay sa loob ng drawer para safe!

'Smith and Abellana; Best Tandem in Court.'

Silang dalawa na naman ang laman ng mga pahayagan at balita sa TV. Tinanggap na kasi nila iyong kontrobersyal na kasong binanggit noon ni Jenny na posible nilang pagsamahan. At heto na nga, magkasama na sila.

Kinuha ni Mona ang remote at pinatay ang TV. Nandito kasi silang tatlo sa unit ni Kairo dahil gusto raw nilang uminom. Hindi naman kasi kami makapag-bar pa.

"Kelan ka huling tinangkang sunduin niyang jowa mo?" Nakapamaywang siyang humarap sa 'kin.

"3 days ago," si Kairo ang sumagot. Nakatungo lang akong nakaupo sa couch habang yakap ang mga tuhod ko.

STS #2: Give Me More Where stories live. Discover now