"Ika____" di niya na naituloy dahil sakop na ulit ang mga labi nito. Talaga palang totohanin nito ang sinasabi.Pero bakit pa siya tatanggi?

At yun, paulit-ulit na ang mga kaganapan.Parang unlimited lang ang nobyo niya.Walang kapaguran.

"Tired?" Tanong ni Arthur sa kanya.

"Malamang.Pinagod mo ako eh." Nakanguso niyang sagot.Nakasiksik pa si Arthur sa katawan niya.

"Di ako nagsasawa sayo eh." Sagot naman nito.

"Ginawa mo pa akong pagkain ha." At saka niya naalala na di pa pala sila nag-almusal.Pero di naman siya nagugutom.

"Hala mahal, di pa tayo nakapag-almusal." Paalala niya rito.

"Gutom ka na ba sweetheart? Ako kasi,busog na busog na.Sarap kasi ng almusal ko eh." At tumawa pa ang lalaki.Kaya hinampas niya ito.

"Kainis ka." Nakalabing sabi niya. "Di pa naman." Dugtong pa niya. Kaya tumawa ng malakas ang lalaki.

"Arturo?!" Banta niya rito.

"Sabi ko sayo sweetheart, mabubusog ka sa egg and hotdogs eh." At lalo pang lumakas ang tawa ng nobyo.

"Shut-up!Di na ako natutuwa ha." Napipikon niyang saway rito. Pakiramdam niya tuloy,pinamulahan siya. Paano,siya ang nagbigay ng idea na iyon.Kaya tatandaan na niya, ayaw niya na ng almusal na ang ulam ay egg at hotdogs.Bwahahaha!Siyempre, joke lang yan.

Tumahimik naman ang nobyo ng makitang naiinis na siya. Niyakap na lang siya ulit ng mahigpit nito.Nagseryoso na ito.

"May nabanggit ka dati sa akin sweetheart na foreigner ang ama mo. Alam mo ba ang pangalan niya?" Tanong ni Arthur. Tama nga,minsan niya na itong nabanggit kay Arthur ang bagay na iyon.Kasi nagtanong ito dati kung may dugo siyang foreign.

"Hindi." At tumingin siya sa kisame at nagsimulang magkwento sa nobyo. "Kasi,dahil kay inay. Bata pa ako,noong palagi ko siyang tinatanong kung ano ang pangalan ng ama ko.Pero sa tuwing itatanong ko iyan sa kanya, bigla siyang nalulungkot.Kaya sa kadahilanang,ayaw ko siyang nakikita na malungkot,di na ako nagtatanong,kailanman.Hinintay ko na si inay mismo ang magsasabi sa akin,pero wala eh." Bumuntong hininga muna siya. Naramdaman niyang hinawakan ni Arthur ang kamay niya at pinisil ito.

"Continue sweetheart. Gusto kong malaman ang buhay mo. Gusto kong malaman ang lahat-lahat tungkol sayo. Dahil balang araw, maging party na ako ng hinaharap mo. Kaya gusto kong malaman ang nakaraan mo. Kung paano ang buhay mo nung di pa kita nakilala.Lahat ng iyon." At ngumiti pa ito sa kanya.

"Thank you mahal ko." Touch kasi siya sa sinabi ng iniibig. "Isa lang ang tanging nasabi ni inay sa akin.Yun ay yung..." Halos di pa niya masabi kay Arthur.Nahihiya siya na ewan.

"Yung?" Kunot noong tanong nito sa kanya. Naghihintay ito ng karugtong.

"....y-yung,ano kasi eh.Sabi ni inay, isang kabit lang daw siya. Isang babaing nabulag sa pagmamahal.Yun lang yung ikinikwento niya sa akin,para daw wag akong magaya sa kanya. Ganun pa man,itinaguyod pa rin ni inay ang pag-aaral ko.Maraming nag-bubully nun sa akin.Sabi nila, putok lang daw ako sa kawayan.Sabi nila, anak daw ako ng isang malanding babae. Anak ng isang higad." Napatulo ang luha niya ng maalala ang bahaging iyon ng buhay niya. Kung anu-ano ang mga naririnig niyang pangugutya.Although ang iba naman ay mahal siya. Pero sadyang may mga tao talagang mapanghusga.

Naramdaman niyang napapahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Arthur.

"It's ok sweetheart. Bahagi na lang yun ng nakaraan mo. Nandito na ako ngayon.Nandito na akong, poprotekta sayo. Nandito na ako,upang mahalin ka ng sobra." Alo sa kanya ng boyfriend. Kaya lalo tuloy siya napaiyak.

"Thank you mahal ko.Nakakahiya nga sayo eh." Labis-labis ang pasasalamat niya ngayon sa Diyos dahil binigyan siya ng isang Arthur Romero.

"Bakit ka naman mahihiya?Ang saya ko nga sweetheart kasi,ngayon may alam na ako sa buhay mo. Kaya ramdam na ramdam kong,bahagi na talaga ako ng buhay mo. At magiging bahagi na ng buhay mo magpakailanman." Hinagkan siya nito sa noo. Kahit sisingok-singok siya,di niya mapigilan ang makilig sa nobyo. Kaya pagsisisihan niya pa ba na ipinaubaya niya ang pagkatao niya rito?

"Paano kung magkita kayo ng ama mo?" Seryosong tanong ni Arthur.

"Mahal ko,di ko na inaasahan yan. Malabo ng mangyari yun. Oo, nung bata pa ako,pinangarap ko talaga yan. Kahit sino naman siguro di ba? Pero nung,nagkaroon na ako ng isip, unti-unti ko ng tinanggap sa sarili ko na, di na mangyayari ang mga bagay na iyon.Pero kung talagang,ipagkaloob ni Lord na magtagpo ang landas namin ng ama ko,siguro,magiging masaya ako.Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo." Sabi niya.

"Di ka magagalit sa kanya? Di mo siya susumbatan?" Tanong ulit ni Arthur.

"Bakit ko gagawin yun? Magpapasalamat pa siguro ako sa kanya, kasi siya ang ginawang instrumento ni Lord,para makita ko kung gaano kaganda ang mundo.Para makilala kita at mamahalin.Hinding-hindi ako magagalit sa kanya. Siguro may mga dahilan lang siya kaya di niya ako hinanap at di niya pinanagutan ang inay. Kasi nga di ba mahal, isang kabit lang si inay." Malungkot na sabi niya.

"Oh sweetheart. I'm so lucky to have you.Ako na ang pinaka-maswerteng tao sa mundo,dahil nagkaroon ako ng babaing minahal na may magandang pag-uugali.At marami pang bonus. Maganda na, vir___ Aray!" Di na nito naituloy ang sasabihin dahil hinampas niya na ito ng malakas sa kamay.

"Talaga bang isisingit mo iyon?" Naiinis na tanong niya.

"Ang alin sweetheart? Yung virgin ka pa ng makuha ko?Sa totoo naman eh.Gusto ko pa ngang ipagsigawan yun." Natatawa pa ito.

"Ewan ko sayo!Nakakainis ka talaga!" Tinalikuran niya na ang boyfriend.

My Amazing Alalay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon