22 : The Promise

Magsimula sa umpisa
                                    

"Fix yourself, Ian. Pagod na rin akong intindihin ka. Goodbye," mahinang aniya bago tumalikod at umalis.

Naiwan akong nakatulala sa loob ng madilim na silid. Ilang saglit pa ay dumating si Mama, halata ang lungkot sa mga mata niya. Sa loob ng tatlong buwan ay hindi ako iniwan ni Mama. Lagi niya akong dinadalaw at kinukumbinsi na tumira kasama nila ngunit tumanggi ako.

Lumapit siya sa akin. Dala ang isang notebook. Nilapag niya ito sa side table ko bago pilit na ngumiti. "Dinala dito iyan ng nanay ni Lyn. Sa tingin ko ay para sa iyo ang diary na iyan."

Hinawakan niya ang balikat ko. Muling ngumiti bago tuluyang lumabas sa silid ko. Agad naman akong tumingin rito at kinuha, saka tinignan ang bawat pahina hanggang tumigil ito sa huling pahina.

I love Ian Andrada even in his worst! :) - Love, Lyn.

Napatingin na lang ako sa kisame nang maramdaman na naman ang pag-init ng mga mata ko. Isinara ko ang notebook niya at niyakap. "I-I missed you already, Lyn."

I promised you that I'll be okay. I'll try to be okay.

FOUR YEARS LATER . . .

Bumuntong hininga ako matapos kong lumabas sa cafe matapos ang interview ko kay Ms. Zoey, isang journalist.

Agad akong sumakay sa kotse ko. Pinatakbo ito hanggang makarating sa flower shop kung saan ako nagpa-reserved ng bulaklak.

"Ian, dude!" masayang bati ni Song matapos kong pumasok sa loob. Gulat naman akong makita siya. It has been years since the last time I saw him. Huling pagkikita namin ay noong graduation day. Hindi na ako nagkaroon ng balita sa kanila.

"Kamusta?" galak kong tanong. Nagkibit-balikat siya, itinuro ang inaayos na mga bulaklak.

"I am now a–"

"Awit! Where are you ba?! I can't see my pouch!"

Napatingin ako sa likod niya nang lumabas doon ang isang babae, a six-month pregnant woman. Hindi ako makapaniwalang ibinalik ang tingin ko kay Song.

"W-What the hell is happening?" I outrageously asked.

The woman named Patricia. I can't just believe that they ended up together. Sa pagkakaalala ko ay mortal silang magkaaway noong college. Walang oras na hindi sila nagbabangayan. Sinong mag-aakalang sila ang magkakatuluyan sa huli? Kahit kailan ay masyadong mapaglaro ang tadhana.

"Ah. Ngayon ba? As you can see, isa nang battered husband ang pinakagwapo sa tropa–"

"I said hindi ko makita anywhere ang pouch ko!"

Napahawak si Song sa batok niya nang tumama dito ang lumilipad na tsinelas. I can't stop myself from laughing. He's a battered husband now, indeed.

"Aray ko naman! Ulyanin ka ba?! Nasa taas mo nilagay. Sa gilid ng unan!"

Inirapan siya ng asawa niya bago tumingin sa direksyon ko at ngumiti ng pilit bago umalis. Napasinghal naman si Song na ibinalik ang tingin sa akin.

"Haist! Magkano ba ang magpa-annulment?" bulong niya. "Kung hindi ko lang mahal ang babaeng iyon ay tagal ko nang tinakbuhan."

Natatawa akong tumingin sa kaniya. Iba talaga ang ginagawa ng pag-ibig sa isang tao. Kahit gaano pa ito mapanakit ay pipiliin at pipiliin pa rin ng tao na manatili.

"Akin na ang pina-reserve kong flowers," aniko. Agad naman siyang tumalikod at kinuha iyon.

"Para saan 'to? Sa girlfriend mo?" takang tanong niya.

"Kay Lyn," hindi na nagdalawang-isip na tugon ko. Natigilan naman siya sa narinig. Hindi ko naman maisipang mapangiti.

"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kaniya.

"Siya pa rin pala," aniya. Ngumiti naman ako at tumango.

"Oo. Siya pa rin," pag-uulit ko.

"Oo nga pala. Buti na lang dito ka nag-order. May party mamaya, it's Aaron's wedding night. You have to come," pag-iiba niya sa usapan.

"Sure."

Napangiti ako matapos kong lumabas sa shop. Mukhang ang daming nagbago ngayon. Halos lahat ay meron na ngayong sariling pamilya.

MATAPOS ANG ILANG minuto ay nakarating ako sa lugar na patutunguhan ko. I smiled, remembering our 6th anniversary. Dito ko siya dinala. Dito rin ang lugar kung saan ko siya huling nakita sa panaginip ko.

"Happy anniversary," aniko.

Umupo ako sa puting buhangin saka nilapag ang bulaklak na hawak ko. Napangiti ako nang mapatingin sa palubog nang araw. Ito ang lugar kung saan kami nagpunta sa panaginip ko. Kung saan huli ko siyang nakita at nagpaalam. Naiisip ko lang na kung buhay kaya siya ngayon, kasal na kaya kami? O baka hindi ako ang lalaking nakatadhana sa kaniya. Alinman sa dalawa, magiging masaya ako para sa kaniya.

"Kamusta na kayo diyan? Sana okay lang kayo ni Aivan kung nasaan ka man ngayon. Nakita mo na ba ang kapatid ko diyan? Ang cute niya, hindi ba?" kwento ko na tila may kausap.

"Lyn, nagawa ko ang sinabi mo. Naging okay ako. Natupad ko ang pangarap natin. Nakapaglaro ako sa FIBA world cup. Nanalo kami, akalain mo iyon?" pagpapatuloy ko.

"Ah. Ano pa ba? Twenty-seven na ako ngayon. Birthday ko pero wala pa rin akong balak na mag-asawa HA-HA. Ayaw kasing tumibok nito matapos mong mawala. Pero okay lang naman. Hindi na rin ako nambabae, promise!"

"Okay na din kami ng pamilya ko. Eight years old na ngayon ang kapatid ko. Ang cute nga niya eh. Somehow, he reminds me of Ronnalyn." Nang lumubog ang araw ay saka ako tumayo. Kailangan ko pang dumalaw sa kasal ni Aaron.

"Thank you for the 10 years you spent with me, Lyn."

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon