Panghihinayang

329 2 0
                                    

Bakit may panghihinayang akong nararamdaman kahit na sobrang tagal na?

Gusto kong ibalik lahat, pero nangyari na.

Madaming sana... pero hanggang doon nalang talaga.

Kusang bumabalik lahat. Lahat ng ginawa kong mali. Lahat ng desisyon na puro mali.

Ang sakit lang na puro panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon.

Sana lahat ng sakit na naidulot ko, napunan niya at maging masaya ka sa piling niya.

Sana sa panahon na magkikita tayo ulit, pareho tayong nakangiti at wala na ang lahat nang panghihinayang na nararamdaman.

Naalala ko lahat nang sinabi mo sa 'kin, ang nararamdaman mo noong hindi ako nakinig sa mga gusto mong sabihin. Lahat ng 'yon pinanghihinayangan ko.

Pero hanggang doon nalang talaga tayong dalawa, sa nakaraan na hindi ko na kayang maibalik.

Hindi ko hihingin na bumabalik sa nakaraan, kasi gusto ko na sa susunod na magmamahal ako ulit, hinding hindi ko na hahayaang may panghihinayang akong mararamdaman.

Lx~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random Thoughts Where stories live. Discover now