20 : Wish Granted

Start from the beginning
                                    

Mabilis akong tumingin sa kaniya.

"Teka!"

She looked at me, confused.

"Bakit?"

Sa mukha niya ay parang hindi niya ako kilala. Agad akong umiling. "Nothing. I mistook you with someone else."

"Ahh. Okay, sige." She turned her back again and walked away from me. Naguguluhan man ay muli ko ring ipinagpatuloy ang paglalakad ko.

Hapon nang magkita kami ni Lyn sa Café. I spent my day with her. Puro kwentuhan lang ang ginawa namin pero ang saya pa rin ng pakiramdam ko. Gabi na nang ihatid ko siya sa kanila. Nabigla pa ako nang imbitahan ako ng mama niya sa loob ng bahay nila para doon na mag-dinner. It seems like we're in good term. The dinner ended with full of laugh and happiness. It feels warm and welcoming.

"Thank you, Ian." Napatingin ako kay Lyn nang magsalita ito habang tinatanaw ang paligid. Nasa taas kami ngayon ng rooftop nila para magpahangin bago umuwi.

"Para saan?" Taka akong tumingin sa kaniya.

"Thank you kasi kahit naging malupit sa atin ang tadhana, nagawa mo pa ring magpatawad. Pinatawad mo si Papa sa kabila nang ginawa niya," tugon niya.

Napaawang ang labi ko. Sa hindi malamang dahilan ay gumaan ang pakiramdam ko. Kung ganu'n ay ganito pala ang magiging pakiramdam ko kung sakaling hindi ako nagpabulag sa galit. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng tinik na bumabara sa dibdib ko. Ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko rin maitanggi ang sayang nararamdaman ko ngayon. If only I knew this feeling from the beginning, hindi ko sana ikinulong ang sarili ko sa nakaraan.

Kinabukasan ay inaya niya akong huwag munang pumasok. Agad naman akong pumayag dahil kung tutuusin ay mas gusto ko pang makasama siya kaysa pumasok. Dalawang oras kaming bumiyahe pero hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta. Tumigil kami sa sementerio, dala ang dalawang tupok ng bulaklak. Malayo pa lang ay alam ko na kung saan kami dadalhin ng mga paa namin.

Gaya nang inaasahan ko, tumigil kami sa puntod ni Ronnalyn. To my surprise, Aivan's grave was next to Ronnalyn. Kaya pala dalawang tumpok ng bulaklak ang dala namin. The one was meant for Aivan.

Lyn thanked them both for giving her a chance to live longer. It turns out na nagkaroon ng operasyon two months ago at si Aivan ang donor. Naging masaya ang pamilya ni Aivan dahil kahit wala na ang anak nila ay alam nilang buhay pa rin ang puso ng anak nila sa pamamagitan ni Lyn. He's alive within her.

The third day, we decided to go to campsite. Nagdala kami ng mga gamit dahil napagkasunduan naming magro-roadtrip kami for five days. Everything was perfect as we both watched the sunset hanggang sa tuluyan nang gumabi. Natulog kami nang magkasama sa isang tent. Hinayaan niya ako dahil may tiwala siya sa akin. Nangako kasi ako dati na gagawin lang namin ang bagay na iyon kapag ikinasal na kami. We just hugged each other until we both asleep.

The fourth day, dumating ang mga kaibigan namin sa campsite. It turns out na si Lyn pala ang nag-suggest nito kasama ang barkada pero mas nauna kaming pumunta. Magkasundo ang lahat. Hana become friendlier than before. Or should I say, ganito pala kami ka-close before kong magloko kay Lyn. For some reason, na-miss ko ring makipag-asaran sa kaniya.

The fifth day, kinailangan naming umuwi dahil biglang sumama ang panahon. Nagpaalam si Lyn sa mga magulang niya na mananatili muna daw siya sa unit ko para samahan ko. Mukhang Malaki ang tiwala sa akin ng mga magulang niya kaya agad pumayag. We spent the time together until the sixth day.

"Punta tayo sa beach bukas. Mukhang maganda ang panahon bukas," saad ni Lyn habang yakap ang ulo ko. Nasa tapat ng tainga ko kung saan tumitibok ang puso niya kaya rinig ko ito. Her heart is beating normally as usual, and it gives me peace of mind for some reason. Parang musika sa tainga ko ang pagtibok nito. It is not beating weakly nor beating rapidly.

"Sige, punta tayo. Kahit saan mo gusto, basta kasama kita," tugon ko. I heard her laugh.

"You changed a lot, Ian. Naninibago ako," sabi pa niya. "Para ka kasing bumalik sa dati. Noong mga unang buwan pa lang natin."

Yeah, ganito ako sa kaniya dati. Halos ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Halos tumira nga ako sa bahay nila dahil doon na ako tumatambay pagkatapos ng klase. Pinapabayaan naman ako ng Daddy niya dahil matagal ko nang naging bestfriend si Lyn bago naging kami.

"I love you, Lyn."

She chuckled again. "Kunti na lang at pagkakamalan na kitang may sira---"

I shut her mouth by kissing her lips. Agad naman siyang namula at mabilis na inilayo ang sarili sa akin. Hinampas pa ako bago tinakpan ang bibig.

"Kainis ka! Nagnanakaw ka ng halik eh!" gigil niya. Natawa naman ako at hinila siya pabalik sa akin.

"Buti nga, ganiyan lang eh. Alam mo ba kung gaano ako nagpipigil ngayon," pilyong saad ko. Binatukan naman niya ako ng mahina dahilan para matawa ako.

"Subukan mo at makikita mo multo ni Daddy dito para lang batukan ka!"

"Kidding," I laughed. Niyakap ko siya ulit. Agad naman niya akong hinayaan.

"Good night," I muttered.

She serenely smiled and replied, "I love you, too."

Seven Days Of Heartbeats Where stories live. Discover now