20 : Wish Granted

Start from the beginning
                                    

"Okay ka lang ba?" muling tanong niya.

"T-Totoo ba ito?"

Ayaw kong maniwala na isang panaginip ulit ito pero kung panaginip man ay sana ay hindi na ako magising.

"Ano ka ba? Nanaginip ka ba?" she chuckled. Halos tumalon ang puso ko nang marinig ang mga maliliit niyang tawa. How I missed her laugh, her smile, everything. Sa halip na sumagot ay niyakap ko siya. Itinapat ko ang tainga ko sa dibdib niya. It is normally beating.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya. Kumalas ako sa yakap at wala sa sariling umiling.

"Wala."

Ngumiti naman siya at itinulak ako sa dining table. "Lagay ko lang sa bowl ang niluto ko."

Napatingin ako sa akahain sa mesa. Napaawang ang labi ko nang makita ang cake dito. Happy birthday, Ian.

It means yesterday was our anniversary. Naguguluhan akong tumingin sa paligid. Anong nangyayari? Panaginip ko lang ba ang lahat ng nangyari? Pakiramdam ko ay totoo lahat ng nakikita ko.

Bumalik ako sa reyalidad nang hawakan niya ang noo ko. "Nilalagnat ka pa rin ba?" takang tanong niya.

"Lyn." Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa mga mata niya. "Anong nangyari kahapon?"

"Nilagnat ka? Ano ka ba?" Binawi niya ang kamay niya at umupo sa tapat ko. "Hindi ka naman mainit ngayon pero para kang timang. Hindi nga tayo nakapag-celebrate ng birthday at anniversary natin kahapon kasi ang taas ng lagnat mo. Kaya siguro parang nagha-hallucinate ka ngayon. Totoo po ako, Mr. Andrada."

If I was right, yesterday I was with Mildred. I was kissing her when Lyn suddenly appeared in front of us. Hindi kami nakapag-celebrate dahil doon. Iyon din ang araw kung kailan niya hiniling sa akin na bigyan siya ng isang linggo bago makipaghiwalay.

"Happy birthday, Ian."

I bit my lower lip. I could not stop my tears from coming out. Today was the day she asked me to give her reason to live.

"Uy, bakit ka umiiyak? Na-touched ka ba sa effort ko?" biro niya na may halong pag-aalala. Lumapit siya sa akin para pagaanin ang loob ko. She gasped when I hugged her tightly.

"Huwag kang aalis sa paningin ko, Lyn. I can't imagine my life without you," mahinang saad ko. Hindi siya kumibo. Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at marahang hinagkan.

"Hindi ako aalis," paninigurado niya. Agad namang akong nabunutan ng tinik sa narinig. "Binangungot ka naman ba?"

Tanging tango lang ang isinagot ko.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming umalis. Halos hindi ko na bitawan ang kamay niya nang pumunta kami sa school. Nagrereklamo pa siya dahil pawisin daw ang kamay ko pero sadyang may sariling buhay ang kamay ko at ayaw siyang bitawan. Pakiramdam ko ay mawawala siya sa paningin ko sa oras na tanggalin ko ang pagkakahawak. Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang bitawan siya nang dumating si Hana. Sabi ay may importante daw silang pupuntahan. Sumunod pa si Song na pinaalala ang practice.

Habang naglalakad sa corridor ay napansin ko si Mildred na papalapit sa direksyon ko dahilan para matigilan ako. Ang bilis ng puso ko habang papalapit siya sa akin hanggang makalapit siya sa akin. Akmang magsasalita ako nang bigla niya akong lagpasan.

Seven Days Of Heartbeats Where stories live. Discover now