"Wala na si Hyacinth, Gavyn, matagal kang na coma at isang taon na nakakalipas ng mawala siya, hindi naging matagumpay ang operasyon sa kaniya. Habang nasa kalagitnaan siya ng kaniyang operasyon, nag cardiac arrest siya." umiiyak na sabi niya  "Wala na siya, Gavyn, wag mo na siyang hanapin dahil hindi mo na siya makikita at dahil 'yon sa'kin kaya siya-" 

Hindi ko na pinatapos si Kendra sa iba niyang sasabihin dahil hinablot ko na agad ang kwelyo niya. Luhaan kaming pareho habang nagkakatigan sa isa't-isa. Ang mga Doctor doon ay pinipigilan ako pero wala silang magawa.

"W-what did you do?!" I shouted, angrily

"I-I'm s-sorry, Gavyn, I didn't mean to hurt her..."

Pagkasabi niya niyon, hindi na ako nagsayang pa ng oras, binitawan ko siya at kasabay nang paghablot ko sa lahat ng mga nakalagay sa'kin na aparato. Nagmamadali akong bumaba ng kama, naramdamam ko agad ang malamig na sahig nang maitapak ko ang aking mga paa doon at patakbong lumabas ng aking kwarto.

Nanginginig ang buong katawan ko, sabayan pa ng sobrang bigat nang nararamdaman ko. Hindi ako naniniwala kay Kendra, alam ko nasa kwarto lang si Hyacinth, kasi 'yon ang sinabi niya sa'kin. Mas binilisan ko pang tumakbo para hindi nila ako maabutan hanggang sa makarating ako sa floor kung nasaan ang kwarto ni Hyacinth. Nakita ko si Nurse Ken kaya lumapit ako sa kaniya, umiiyak at hingal na hingal.

"N-nurse Ken, nasaan si Hyacinth?" pilit kong pinapakalma ang sarili ngunit wala akong matanggap na tugon mula sa kaniya kaya naman patakbo akong binuksan ang kwarto ni Hyacinth at hindi ako makapaniwala na wala na ni kahit anong gamit ang nasa loob.

Hingal na hingal akong napaluhod  sa sahig habang umiiyak. "No!" sigaw ko habang hawak-hawak ang aking dibdib. "Hin...di ma...ari!" humahalgulhol na sambit ko, ilang sandali pa naramdaman kong may humawak sa aking magkabilang balikat kaya napa-angat ako ng tingin. Si Nurse Ken kaya naman humarap ako sa kaniya. "Sa...bi...hin mo na...man na hi.ndi to...too ang si...na...sabi ni...la, ple...asee." pagmamakaawa ko sa kaniya habang nakahawak ako sa kaniyang kwelyo.

"S-sorry, Gavyn..." nanginginig ang boses niya. "Totoo ang sinasabi nila, wala na si Hyacinth." dagdag niya at sa hindi mabilang na pagkakataon naramdaman ko nalang na may tumusok sa'kin na nakapagpawala sa'kin ng malay.

Lumipas ang ilang buwan simula ng malaman kong wala na si Hyacinth, nakakalungkot lang isipin na sa mga oras na kailangan niya ako sa tabi niya ay wala ako, hindi ko lubos na maisip na yung akala kong panaginip na 'yon ay totoo, kung alam ko lang na ganun, hindi na sana akong pumayag na bumalik pa. Edi sana niyakap ko siya ng napakahigpit. Madami akong sana pero siguro nahuli na ako, wala na siya at iniwanan niya talaga ako.

Sa bawat araw na dumaan mas mahirap sa'kin ang tanggapin na wala siya, ginawa na ni Daddy lahat-lahat para lamang unti-unti kong matatanggap na wala na nga si Hyacinth pero ang hirap talagang kalimutan yung tao nagbigay sa'yo ng pag-asa na maging mabuting tao.

Bumuntong-hininga ako bago buksan ang kwarto ni Hyacinth. Last day ko na dito sa hospital kaya naman sa huling pagkakataon gusto ko manlang makita ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan nabuo ang pagkakaibigan at pagmamahal ko sa kaniya. Mapait akong napangiti nang tuluyan akong makapasok, isinuyod ko ng tingin ang bawat sulok nitong kwarto at lahat nun ay may memorya kay Hyacinth.

Mula kung saan naka-pwesto ang kama niya na doon nangyari ang pangalawa namin pagkikita, yung couch niya na kung saan papaluin niya ako ng kaniyang ukulele dahil sa gulat at kung saan kami naka-upo para pagsaluhan ang slice bread at liver spread na sinasabayan namin ng inom ng yakult. Yung IV stand niya na lagi kong hawak-hawak sa t'wing maglalakad kami sa hallway or tatakas kami para mag road trip. 

WHAT WAS GOOD ABOUT TODAY? (ECCEDENTESIAST SERIES 2)Where stories live. Discover now