Natuloy nga ang sinabi ni Lee na uuwi siya the day after tomorrow. Mabilis niyang na close ang deal at pinayagan rin siya ni Tito na umuwi na dito. I know he considers Paris as his home now. Matagal na rin sya dito kaso lilipat rin siya sa San Francisco or New York, whatever Tito picks. Malabong mangyari ang pag stay nya sa Pilipinas.

"May meeting raw si Kuya kaya hindi siya nakasama sa pag sundo sa'tin"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at inakbayan nalang si Megan. I feel tired too, gusto ko munang magpahinga bago kami maglibot. Pumasok kami ng elevator at hinayaan kong si Vini ang mag guide papunta sa room namin.

Hindi lang mga Parisian ang nagkalat dito,meron ring ibang lahi. Kanina nga ay may nakita akong babaeng naka tambay sa labas ng isang coffee shop na mukhang dinadama lang ang maganda at nakaka relax na kapaligiran.

Gusto ko rin ng ganon.

Hindi ko naman iyon magawa sa Pilipinas dahil sa limang asungot na naka dikit sa akin.

Bumitaw si Megan sakin at dumiretso sa isang suite, papasok na sana ako nang may humigit sa braso ko.

"We share a room"

"Don't fuck with me" Binawi ko ang braso ko at inirapan siya. Hanggang dito ba naman?

Tumawa siya. "I'm serious. Megan requested a room for herself and your Mother agreed. She also agreed for you to share a room with me"

"Bakit hindi nalang ako bigyan ng sarili kong suite?"

"Because I don't want to, now come on!" Hinila niya ako papasok kaya hindi na ako naka palag.

Stupid freak.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang napaka gandang kwarto ngunit biglang dumilim ang paningin ko.

Tinapon ni gago ang t-shirt niya sa mukha ko!

Bumuntong hininga ako at binato ito sa kanya pabalik.

"Don't act like we haven't slept in the same bed before"

Binato ko naman siya ng unan. Alam kong hindi ito ang unang beses. I always sleep in his room whenever I am at their house kaya sanay na ako. Hindi lang ako sanay sa biglaang niyang paghuhubad sa harap ko.

Yes, I am used to them walking around with boxers pero iba parin pag naghuhubad na mismo ang tao sa harap mo.

"Kadiri ka talaga"

Tumatawa siyang pumasok sa bathroom. Baliw 'yon. Akala naman niya na uubra sakin na share kami. I'll stay in a suite of my own kahit na pinayagan pa siya ni Mom, kung ako ang kailangan mag bayad ng suite edi go!

Tinanggal ko ang sapatos ko at humiga sa kama. I feel tired pero ayoko matulog. Inilabas ko nalang ang cellphone ko at nag log-in sa facebook.

Nag selfie muna ako at pinost ito. Sa kalagitnaan ng pag s-scroll ko sa aking news feed, narinig ko ang pag labas niya sa bathroom.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya habang pinasadahan ng tuwalya ang basa niyang buhok. Topless siya at naka pantalon lang. Hindi ba siya lalamigin? Todo pa ang aircon rito sa kwarto kaya nga hindi ko tinanggal ang blazer ko.

"Ikaw bahala" Bored kong sagot at bumalik sa pag f-facebook ko.

"Nagugutom ka na ba?"

"Hindi pa."

  Naramdaman ko ang pag higa niya sa kama at pagyakap ng braso niya sa bewang ko. I stiffened ngunit hindi ko tinanggal ang pagkakayakap niya.

"Wake me up after an hour or two, Okay baby?" Bulong niya at sunod ko nang naramdaman ang malalim niyang pag hinga.

The Gang's Prized Possessionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن