"Kailangan mo pa ba makita ang DNA test ni Casspian?" Tanong ko na kinatingin ni Cross.

"Pag anak mo daddy kahit baboy, aso, manok at bibe yan hindi mo na kailangan ng patunay." Sagot ni Cross bago tiningnan ulit si Casspian.

"Ano ng balak mo Cross?" Tanong ko na kinatingin ni Cross sakin.

"Bubuuhin ko ang pamilya ko, ako, si Arkhon at ang batang ito." Sagot ni Cross na kinangiti ni Casspian.

"Papalolo you heard it? Papa Cross make a family with me and--- Who'se Arkhon papa?" Inosenteng tanong ni Casspian matapos tingnan ang ama.

"Makikilala mo din siya." Bulong ni Cross bago ako tiningnan.

"Gusto kong humingi ng favor dad." Ani ni Cross.

"Anything son." Ani ko na kinabuga ng hangin ni Cross bago umiwas ng tingin.

"Gusto ko ng bahay para sa anak ko." Ani ni Cross na kinatawa ko ng mahina.

"Fine, ipapasok ko ba dito?" Natatawang tanong ko na kinatingin sakin ng masama ng anak ko.

"Are you freaking serious old man." Inis na tanong ni Cross na kinagusot ng mukha ko.

"Gusto mo ulit tumira sa lansangan Cross." Ani ko ng---.

"Papalolo wag mo ng pagalitan si daddy handsome ka po diba?" Ani ni Casspian na kainailing ko na lang bago natatawang binuhat si Casspian.

"Buti pa ang apo ko maganda na, hindi pa sinungalin--- "

"Lalaki siya dad.=_=" paninira ni Cross sasagot ako ng makita ko si Cross na nakatingin kung saan.

"May binigay na sulat si Percy sakin galing kay Haru." ani ko na kinayuko ni Cross.

"Bakit si Haru pa dad?" Bulong ni Cross na kinatahimik ko.

"Lahat ng bagay may dahilan at kapalit Cross." Ani ko.

3rd Person's POV;
Lumipas ang dalawang buwan fully recovered na si Cross at hinayaan na din siya ng mga doctor lumabas.

"Damn nakalabas din." Ani ni Cross habang nag-iinat at makalabas ng ospital.

"Dude magpagupit kana din daig mo pa ang ermitanyo na tumira sa kweba dahil sa haba ng buhok mo." Ani ni Percy matapos hawakan ang buhok ni Cross na hanggang balikat na.

"Kung hindi yan shinishave ni Hzeck siguradong papatok ng ermitanyo yan ng kweba." Banat ni Iggy na kinapokerface ng binata.

"Hindi kayo mga kaibigan tangna kayo." Mura ni Cross na kinatawa ng Redtape.

Maya-maya napatigil ang tatlo ng may humintong van hindi kalayuan sa kanila.

Bumaba si Hzeck at binuksan ang backseat ng van.

"Papa!" Sigaw ni Casspian bago nanakbong lumapit sa kanila na kinalaki ng mata ni Cross ng madadapa ang batang lalaki pero bago pa makahakbang si Cross nasalo na si Casspian ng guardian.

"Mahina ang tuhod ni Casspian." Natatawang sambit ni Iggy na kinataas nito ng kamay ng tingnan siya ng masama ni Cross at sikuhin ni Chase.

"Papa!" Salubong ni Casspian matapos siyang ibaba ni Hzeck at yakapin sa tuhod.

"Hey bud, goodmorning." Nakangiting sambit ni Cross bago binuhat ang bata at hinalikan sa noo.

"Pasensya na Master Hzeck nalate kami nangulit pa kasi si Cassp---."

"Call me kuya Cross or tito besides mas matanda ako sayo ng ilang taon." Ani ni Hzeck.

"Akward nun dude, sa age malayo ang gap ... pero sa heigh---."

Dancing with the DevilDove le storie prendono vita. Scoprilo ora