Chapter Seven

95 3 0
                                    


Max POV..

Kinabukasan......

Napamulat ako ng may gumalaw sa gilid ko. Napaawang ang labi ko ng makita ko kung sino ang katabi ko. Nawala ang pagkagulat ko at napalitan iyon ng simpleng ngiti. Nakayakap siya sa bewang ko. Sana ganito na lang palagi tuwing gigising ako siya ang una kong masisilayan tuwing umaga. Pinahid ko ang luha ko at sinuklay suklay ang buhok niya.

"Mahal na mahal kita Hunt kahit na nakalimutan mo ako" mapait kong bulong. Napasinghap ako ng pumaibabaw siya saakin."Hunt"

"Vienna naguguluhan ako"kumunot ang noo ko. Bakit siya naguguluhan. "Naguguluhan ako sa nararamdaman ko tuwing malapit ako sayo. Pakiramdam ko kilalang kilala kita lahat sayo ay pamilyar saakin" umiwas ako ng tingin. Masaya ako sa narinig ko pero buo na ang desisyon ko.

"Hunt mag didivorce na tayo makakalaya na tayo sa isa't isa" malungkot kong saad. Nakita ko sa mukha niya ang sakit. Sorry kailangan eh.

"Sorry"mabilis siyang umalis sa ibabaw ko. "Sorry dito ako natulog dito kasi ako pinatulog ni Blade" nginitian ko lang siya.

Bwesit ka Blade. Paano mo ito nagawa saakin? Mamaya ka saakin.

"Hunt" pagtawag ko sa kanya. Alam kong kinakabahan siya.

"B-bakit" kinakabahan niyang tanong. Mahina akong natawa.

"Good morning"bati ko sa kanya. Sabado ngayon at walang pasok.

"G-good morning"naiilang niyang bati.

Pakiramdam ko ang sarap sarap niyang asarin haha. Nawala ang angas ko kanina king ina.

"Bumaba ka na. Sumabay ka na sa breakfast namin" malamig kong utos sa kanya. Tinalikuran siya at pumasok sa banyo.

Bumaba agad ako pagkatapos kong magsepilyo. Nadatnan ko silang nag tatawanan. Close na agad sila bilis naman.

"Good morning"bati ko kay Blade at tiningnan ng masama. Tumawa naman siya.

"Good morning kamusta ang tulog mo?" natatawang tanong ni Blade. Umupo ako sa tabi ni Blade. Naiinis ako sa kanya.

"Ikaw kamusta kaya magiging araw mo ngayon?" pabiro kong tanong. "Joke lang" dagdag ko ng seryoso na ang mukha niya.

Bakit ganun? hindi pumatok ang joke ko.

"San punta mo?" tanong niya nanaman. Bakit ba ang daming tanong nito. Tumingin ako kay Hunt na tahimik na ngayon nawala na ang tawa niya. "Nawawala daw si Mhine pinapahanap saakin ni Mrs. Lacosta dahil nag aalala daw siya" sagot ko.

"Bakit ikaw pa? Bakit hindi na lang sila maghanap kay Mhine?" inis na tanong ni  Hunt. Tiningnan ko siya.

"Ewan ko siguro dahil magaling ako mag hanap ng mga nawawala" sarkasmo mo kong sabi.

"Gusto kong sumama" demand niya. Napabuntong hininga na lang ako. Masasaktan siya sa makikita niya.

"Ako rin" singit ni Blade habang nakataas ang kanang kamay. "Total wala rin naman akong gagawin rito eh" dagdag niya pa.

"Okay" tipid kong sagot tsaka nag patuloy sa pag kain ko.

Hunter POV...

Nang matapos kaming mag agahan dumiretso agad kami sa mga kanya kanyang sasakyan namin. Tiningnan ko muna si Vienna bago pumasok sa kotse ko. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Tao kaya to?

Nakaramdam ako ng kaba. Tumigil ang sasakyan ni Vienna sa isang bahay. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaba ko. Pakiramdam ko may nangyayari na hindi ko inaasahan.

That Hot Professor is my HusbandWhere stories live. Discover now