I KILLED HIM

15 14 0
                                    

****
"Hindi ako ang pumatay sakanya!! Maniwala kayo saakin!! Parang awa nyo na!! Mahal na mahal ko ang asawa ko!!" Umiiyak na saad ko habang kinakaladkad ako ng pulis palabas ng bahay namin..

"Misis, sa presinto ka nalang magpaliwanag" Yun lang ang sinabi ng pulis at pinapagpatuloy na hilahin ako..

Nang makarating na kami sa presinto ay kung ano ano na ang mga pinagawa saakin..

"Ma!! Hindi po ako ang pumatay sa anak nyo!! Ma,inosente po ako!!" sabi ko ng dumating ang nanay ng asawa ko at lumuhod sa harapan nya para magmakaawa..

"Inosente po ako!!" Isang malakas at malutong na sampal ang nakuha ko galimg sa nanay ng asawa ko..

"S-sinungaling ka!! Sino pala ang gagawa noon sa anak ko!? Ikaw lang!! Mahal na mahal ka ng anak ko!! Pero a-anong ginawa mo!? Pinatay mo sya!! Hayop ka!!" humahagulgol ang ginang at pinagsasampal ang ng paulit ulit. Hindi ko na ininda ang mga sampal nya at niyakap sya..

"H-hindi ko po magagawa yon!! Maniwala ho kayo saakin,Ma!! Mahal ko sya!!" Totoo ang sinasabi ko. Kahit na madalas akong saktan at pagbuhatan ng kamay ng asawa ko ay hinding hindi pumasok sa isip kong paslangin sya..

"Sinungaling!! Ikulong nyo na yang babaeng yan!!" Sabi ni mama at itinulak ako palayo sakanya..

"Ma!! Wala akong kasalanan!!" Sigaw ko at lumuhod sa harapan nya. Pero huli na ang lahat, tinalikuran nya na ako at umalis..

Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi parin nila ako pinapalaya. Pinipilit nila akong umamin sa pagpatay sa asawa ko! Kasalanang hindi ko naman ginawa. May anak akong naiwan at nag aalala na ako sa kalagayan nya. Hindi parin sya dumadalaw saakin..

Siguro ay kinamumuhian na ako ng anak ko ngayon, sa pag aakalang ako ang pumaslang sa ama nya..

"Flor lumabas ka dyan! May dalaw ka" sabi ng isang pulis saakin at hinila ako palabas ng kulungan..

Napangiti nalang ako ng makita ko ang anak kong nakaupo sa may bisitahan at nakaamba ng yakap saakin..

"Mommy!!" Sigaw nya at tumakbo papalapit saakin at niyakap ako..

"Dorry! Miss na miss na kita anak ko!" naluluhang sabi ko sabay haplos sa maamong mukha ng anak ko..

"Halika mommy! Maupo tayo! May pasalubong ako saiyo!" Masayang ani nya..

"Kumain kapa mommy, namamayat kana nyan!" sabi ng anak kong malungkot na nakatingin saakin..

"Busog na ako anak, atsaka masaya na akong dinalaw mo ako rito" Sabi ko at hinawakan ang kamay ng anak ko..

"Mommy im sorry!" Ani nya at humikbi na ipinagtaka ko..

"Wag kang mag sorry anak. Wala ka namang kasalanan saakin eh" Sabi ko at pinunasan ang butil ng luha sa pisngi nya..

"Mommy meron! I killed him!" Napatigil ako at napahawak sa bibig ko dahil sa pagkagulat..

"I killed daddy Mommy!! Its my fault!! I killed daddy!!" Mas lalong lumakas ang hagulgol nya kaya naman ay niyakap ko sya ng mahigpit..

Ang anak ko..

"H-how? Dorry sabi ko diba masama ang magsinungaling!?" Sabi ko at niyugyog sya..

"Mommy im not lying!" Bumuhos ang luha ko. Why??

"B-bakit anak? Bakit mo nagawa yon sa d-daddy mo?" Bulong nalang itong lumabas sa labi ko dahil sa panghihina ko..

"M-mommy im sorry! P-pinatay ko sya kasi lagi ka nyang sinasaktan, mommy I don't want you to get hurt anymore! You didn't do anything bad to him but he always hurt you!" K-kasalanan ko. Hindi ko dapar sya hinayaang makita ang pananakit saakin ng daddy nya..

"A-anak"

"Mommy you said na masama ang manakit ng kapwa, right!? So I killed him! He tried to hurt me too mommy! Nung araw na iyon ay nahuli ko syang may kasamang babae! Sabi ko isusumbong ko sya and he slapped me mommy! He hurted me too! So I killed him! Daddy is bad mommy! Daddy is bad!" Paulit ulit na sabi nya, I hug my daughter tight and cried..

My daughter got traumatized because of what she see everyday. She's not at fault. Its all my fault. I didn't protect her. Hindi nya dapat nakita ang pananakit at pambababae ng tatay nya. I failed my job as her mother. I failed..

"No Dorry, Remember this okay!? I killed him! Ako ang pumatay sakanya!" I killed him. Kasalanan ko. Ako dapat ang magbayad sa kasalanan ko..

"But mommy" Pinunasan ko ang luha nya..

"Remember this huh. I.Killed.Your.Dad! Hindi ikaw ang pumatay sakanya,kundi ako! I want you to study hard and achieve your dreams anak!" Umiiyak na inilingan nya ako ng paulit ulit..

"No anak! Pag natupad mo na ang pangarap mong maging abogado, ilabas moko sa maruming kulungan na ito. Promise me!"

"P-promise mommy! Ilalabas kita dito" Sabi nya at niyakap ako ng sobrang higpit..

Im the one who killed him..

I killed him..

************************************
Thanks to Chelleekyutttt for the story cover. Ily<3

Btw yung clytemnestra pala na watermark is my dummy acc na dinelete ko WAHAHHAA. Diko na sya binura hehe. This story is one of the stories that I posted on fbdatkom

&quot;SHORT STORIES&quot;Where stories live. Discover now