"I am closing the deal." Matiim na sagot ni Aeolus.



"At your left, Idris!" Sigaw ni Leila. 

Kasalukuyan na kaming naglalaro dito sa backyard ni Aeolus, kung saan niya kami natagpuan. Hindi na niya kami hinintay na sumagot pa sa sinabi niya kanina matapos ako mapangunahan ng galit ko dahil sa kapalit na gusto niya kapag natalo kami sa larong ito. Wala na kaming nagawa kundi sumunod na lamang sa kagustuhan niya.

Sa ngayon, ako na huling maglalaro. Natapos na rin si Pierce, na sinundan ni Leila kanina. Nakatingin mula sa palko sa pangalawang palapag si Aeolus habang minamasahe ang isang griffin na nakahiga sa tabi ng kaniyang upuan. Kung titignan ay mas maliit ang griffin na kasama niya, halatang bata pa, hindi tulad ng kinakalaro namin.

Ay! Jusko! Muntikan ko nang hindi masalo ang frisbee dahil sa mga iniisip ko. Mas lalo na dun sa cute na griffin na kasama ni Aeolus. Hindi na bago sa akin ang larong ito dahil kasama ito sa team building namin sa p.e subject, pero unang beses ko na makipaglaro sa nilalang na ito, tapos ang maaari pang mawala sa akin ay si Pegasus. At saka, sino ba naman ang hindi maiinis, lumilipad ang mga kalaban mo? Kahit saan ko ihagis itong frisbee, kahit gaano kataas o kabilis ay kaya nilang masalo. Kung may pinakamadaya sa buong mundo, tiyak 'yung lalaking nasa palko na.

"Last 3 minutes. It's still a tie." Pagpapaalala ni Aeolus. 

Isang oras lang itong laro namin pero para na akong nakikipaglaro ng isang araw dahil sa pagod na nararamdaman ko. Tumatagaktak na rin ang pawis ko, siguradong basang-basa na rin ang likod ko. Nag-uumpisa na rin akong ma-pressure dahil parang hindi ko nalalamangan itong mga griffins. Kahit anong gawin ko para makapuntos, mabilis din silang nakakapuntos. Hindi rin nawawala ang kaba ko dahil sa akin nakasalalay kung mananalo ba kami o matatalo, kung maiuuwi ba namin si Pegasus o maiiwan siya sa bago niyang amo. 

"The rules are easy and simple. Throw the frisbee then if it's your turn to catch, catch it." 'Yan ang sinabing mechanics ni Aeolus kanina bago kami mag-umpisang maglaro. Ano kaya ang maaari kong gawin para kahit papaano ay makalamang ako ng puntos sa mga ito? 

Dumaan sa aking isipan si Zeus. He's the god of thunder and I am his daughter. Is it possible for me to inherit his powers? Baka kaya ko ring kontrolin ang kulog at kidlat.

Sa ngayon, ako naman ang maghahagis ng frisbee sa mga griffin. Tinignan ko ang bilog na hawak ko, nagbabakasakaling gumana ang plano ko. Nilakasan ko ang paghagis ng frisbee pero nasalo rin ito agad ng griffin. Hindi gumana ang plano ko dahil walang nangyaring bago. Siguro ay hindi lang ako marunong dahil unang beses ko itong susubukan. Wala rin namang binigay sa akin si Zeus na manual book na maaari kong sundan. Paano nga ba?

Pangalawang beses nang ako ang maghahagis ng frisbee, na tulad kanina, ang griffin ulit ang sasalo nito. Matiim kong tinignan ang frisbee. Nang makaramdam ako ng tyempo kung saan maaari ko na itong pakawalan, buong pwerso ko itong inihagis. Agad na lumipad ang griffin sa direksyon ng frisbee ngunit nang sasaluhin na niya sana ito at bigla siyang umiling. Isang tunog ng buzzer din ang umalingawngaw, tanda ng pagtatapos ng laro.

"Yes!" 

"Oh my gosh, Idris! You did it! We won!" Tumakbo papalapit sa akin si Leila at saka ako niyakap habang nagsisitalon, nakasunod naman sa kaniya Pierce. 

Tinignan ko ang griffin na lumipad patungo sa kinaroroonan ni Aeolus, na ngayon ay naglalakad na rin papalapit sa amin. Nilingon ko rin ang frisbee na nasa sahig. Mayroong maliliit na kulay pilak na linyang pumapalibot dito.

"So, you noticed the hole in my rules. You were the first one to read between those lines." Marahan akong tinapik ni Aeolus sa aking kanang balikat.

"Sir, I'm still sorry on what I acted a while ago. Hindi ko po nakontrol 'yung emosyon ko. Huwag niyo po sana akong isumbong kay papa." 

"Silly you. No worries, there were no hard feelings built. It was also the sign that I was waiting for, for me to assure that you are truly a child of Zeus. You also inherited his temper, I see." Nginitian ko si Aeolus. Maganda na rin siguro na narinig ko ang mga 'yon mula sa isang god na tulad ng magulang ko. I know he also knows my father well; they have the same domain after all, Aeolus being the God of winds.

"Pegasus!" Lumiwanag ang mukha ko nang makita si Pegasus. Kasama niya ang isa sa mga kasambahay ni Aeolus na sa tingin ko ay nagtratrabaho sa stables. Nilapitan ko si Pegasus at saka niyakap siya nang mahigpit. Halos mangiyak-ngiyak ako sa tuwa. Hindi ko akalain na gumana ang plano ko at dahil pa doon, nanalo kami. I would never let Pegasus have a new owner.

"Congratulations, you won the game. You can have Pegasus and be on your way." Nakangiting saad ni Aeolus. Bago kami tuluyang umalis ay nagpasalamat kami sa kaniya. He also ensured that nothing would attack us on our way because he commanded the winds to guide us. 

Descendants of OlympusWhere stories live. Discover now