V: Bullseye

259 17 0
                                    

Idris' POV

Malapit ko nang maubos ang mansanas na kinakain ko nang biglang nagsalita ulit ang boses ng babae sa speaker. Maaga akong nagising dahil maaga rin akong nakatulog kagabi.

"To all descendants, proceed to the training area. Now." 


"Goodmorning, Idris" bati sa akin ni Leila. Siya ulit ang nakasabay ko sa elevator. Hindi niya kasama si Phoenix ngayon, siguro ay nauna nang bumaba sa amin. Ang kasama namin ngayon sa loob ay sina Isabelle at Theana.

Oo nga pala, magulang pa lang ni Leila ang kilala ko. Hindi naman nabanggit ng iba ang kani-kanilang mga deity. One thing's for sure, isa sa amin ay anak ng Sea God. Hindi pang-karaniwang tubig ang humampas sa akin kahapon at paano naman lilitaw ang isang alon sa mukha ko, nasa indoors kami kahapon.


Isang malawak na hall ang muling nakita ko pagtapos lumabas sa elevator. Ito na siguro yung training room. Sa kaliwang bahagi nito ay ang iba't ibang uri ng espada na nakadikit sa dingding. May mga pana namang nakapa-ibabaw sa isang lamesahang gawa sa kahoy, sa tabi nito ang mga palaso na nakalagay sa mga hugis cylinder na bag na gawa sa kawayan. Tulad ng mga pana, sa tabi nitong lamesa ay may nakapatong na maliliit na sandata tulad ng daggers at hugis bituin na metal. Ang mga iba't ibang hugis ng shields ay nakapasandal sa pader. Ang mga warrior suits naman ay naka-suot sa mga manequins sa kanang bahagi ng hall.

Grabe naman pala ang training dito, parang sasabak sa gyera. 

HALA! MAKIKI-GYERA BA AKO? ISA BA AKONG SUNDALO DITO? 

Agad akong kinabahan nang mapag-isip-isip na baka nga ay sasanayin ako para sumabak sa World War III. Bata pa ako, hindi pa ako handa. Ito na ba ang calling sa akin ng mga nasa itaas? Napalunok ako.

"Good morning, today is the start of your training. To the new arrivals, this will be your first" saad ng lalaking naka-jogger pants at white collared t-shirt. May nakasabit na pito sa kaniyang leeg. 

Nakita ko na siya kahapon, kasama siya ni Laurel na nakaupo doon sa pahabang table sa harapan ng Dining Hall. 

"I will be your training coach until the end of this year. I'm Ford, Son of Ares" pagpapakilala niya sa amin. Sinulyapan pa niya si Phoenix tyaka binigyan ito ng ngiti.

"Oh well! We meet again, brother" nakita kong tumaas ang sulok ng labi ni Phoenix. 

"Mas matanda siya sa akin" bulong niya sa akin. Napatawa naman ako ng mahina. May pagka-competitive pala ang mga anak ni Ares.

Napa-isip ako. Kaya naman pala siya ang napiling maging training coach namin kasi anak siya ng God of War. Patay, hindi kaya wala siyang awa sa amin? Baka naman maging duguan ako o kaya naman ay mamatay?

"Πλειάδες" tawag niya. 

"That's us" bulong sa akin ni Sydney. 

HA? KAMI AGAD?! SA DINAMI-DAMI NG MGA UNITS NA KASAMA NAMIN DITO, KAMI PA TALAGA NAPILI NIYANG UNAHIN! 

Dapat pala hindi ako sa unit ni Phoenix. Kaya nga ata kami yung inuna kasi inaasar nitong Ford si Phoenix. Pero nang tignan ko si Phoenix, lumiwanag ang kaniyang mukha. Competitiveness really do run in their blood.

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon