"P-Po?"

Muli siyang bumuntong hininga.

"I know it's hard to believe since she's the one who caused you this but she's also the one who find the donor for you, Dreya. Her friend suddenly died because of leukemia. Nakiusap siya sa mga magulang nito na i-donate ang mga cornea nito sa'yo. Thank God they agreed because Lauren is close to them."

Humigpit ang hawak ko sa kobre kama ng kamang inuupuan, mabilis ang tahip ng dibdib. Hindi ko lubos mapaniwalaan na si Lauren ang naging dahilan para makakita akong muli.

‘Don't worry, Dreya. I myself will give you the justice you deserve. I promise you that.’

Agad nanumbalik sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Those words makes sense now. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Although that she's the reason why I became blind, my heart still want to feel grateful for what she did.

"And she's already in jail now. She surrendered herself alone. Siya na mismo ang nagbigay ng hustisya para sa'yo, Dreya."

Natigagal ako sa narinig. Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Ma'am Cheska pagkatapos sabihin iyon. Alam ko kung gaano kalapit sa kanila si Lauren, at sa tingin ko ay hindi niya na kailangan pa ipakulong ang sarili lalo na at gumawa naman siya ng paraan para makakita akong muli.

"Hindi niya na po dapat ginawa iyon. Hinanapan niya ako ng donor. Siguro po ay sapat na iyon para makabayad siya sa aksidenteng nangyari sa akin."

"She still needs to learn from this, Dreya. Dashiel made a decision to let her stay in jail for a year. Napagkasunduan nila iyon ng Papa Christian niya. Don't worry. She's safe there."

Tumango ako, hindi na sumubok pang kwestyunin ang sinabi niya.

"Nasaan po si Dashiel kung ganoon?" tanong ko, hindi pa rin mapalagay kung saan naroon si Dashiel.

"He's abroad, Dreya. He wants to live there for the mean time. I have no idea when he's going to come back. Pero mukhang matatagalan. His mind is still clouded from everything that happened. My son needs some air."

Huminga ako ng malalim matapos maalala ang naging pag-uusap namin na 'yon ni Ma'am Cheska. It's been a year since Dashiel decided to leave the country. Ang huling pag-uusap pa namin ay nung gabing nasa bahay nila ako. It's days before my operation and he wished me good luck. Simula noon, hindi na siya nagparamdam.

I tried to look for his social media accounts but it seems that they're all deactivated. Sa isang taon na iyon, hindi ko maiwasan ang hindi siya isipin. Kung kamusta na ba siya. O, kung naaalala niya pa ba ako.

Maaaring hindi niya na rin ako naalala. Baka may iba na siyang karelasyon ngayon at hindi na ako dapat pa magulat. Hindi rin ako dapat umakto ng ganito dahil una sa lahat ay ako naman ang nagtulak sa kaniya palayo.

Wala akong karapatan na masaktan dahil ako ang unang napagod at sumuko.

Natapos ang klase pagsapit ng alas dos. Agad akong bumiyahe papunta sa isang lugar na matagal ko ng gusto puntahan simula nang makakita akong muli.

Mahigit dalawang oras ang naging biyahe ko. Malapit na mag-alasingko ng hapon pero marami pa rin ang mga turista. Siguro ay talagang wala silang pinipiling oras at araw para bumisita rito.

Pagkatapos magbayad ng entrance fee, may ngiti sa labi akong naglakad patungo sa hardin kung saan naging memorabilya na sa akin. Kahit nakangiti, hindi ko maiwasan ang malungkot at mangulila sa ala-ala naming dalawa.

The first time I went here, I was with him. Pagbalik ko, ako na lang mag-isa.

The garden of Sirao still looks vivid and colorful just how I remember it before. Suminghap ako ng sariwang hangin habang pinagmamasdan ang naglalakihang sunflower at celosia flowers sa paligid ko. I close my eyes, trying to fill my lungs with more fresh air as our memories here exploded inside my head like colorful fireworks bursting in the dark sky.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoWhere stories live. Discover now