Paano kung matalo kami?

Hindi ko yata kakayaning makita na madurog ng husto si Kairo. Pero paanong gagawin ko? I know na gumagawa naman ng paraan si Tita Hilda, pero pakiramdam ko kahit na pagsama-samahin pa namin lahat ng magagaling na abogado sa bansang 'to, kung hawak nila ang batas, wala ring kwenta.

Napabuntong hininga ako at kinuha na lang ang cellphone ko. Nag-check ako ng mga messages at napangiti ako nang makita ang message ni Boss Amara. Nabalitaan na rin pala niya ang nangyari and she tried to cheer me up. I know she still feels sorry about my suspension, pero never ko naman siyang sinisi roon. Alam ko namang hindi niya 'yon ginusto at wala rin naman siyang magagawa kung utos 'yon ng mga nasa taas.

Napatigil ako sa pag-s-scroll at huminto ang mga mata ko sa artikulong may mukha ni Fyuch. The best and bravest lawyer in the country. Hindi ko napigilang mapangiti. Bagay na bagay ito sa kanya! Ang galing galing talaga ng bb ko! Wala siyang kaalam alam na kahit sa ganitong maliit na bagay lang tungkol sa kanya ay napapasaya na niya 'ko.

Pinakatitigan ko ang picture niya sa screen ko at pakiramdam ko'y ako ang nagluwal sa kanya sa sobrang pagka-proud ko.

Hanggang ngayon nga ay napapahanga pa rin ako sa tuwing may mababasa ako tungkol sa kanya. Sa kung papaano niya naipanalo ang kaso ng ama ni Adara. Siya lang ang nag-iisang abogadong naglakas loob na kumalaban sa pinaka-makapangyarihang pamilya sa Sorsogon. Kilalang malulupit ang mga Almendras sa lugar nila kaya walang nagtatangkang magsalita dahil sa takot.

But Sam was able to put a stop to their wickedness. Napaka-swerte ni Adara nang mga panahong iyon dahil may isang Sam na handang gawin ang lahat para sa kanya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, 'no?

Sana ol. Chos.

Kung si Fyuch din kaya ang mag-represent kay Kairo? Di kaya mas malaki ang chance na manalo kami? Parang pakiramdam ko kase, kapag si Fyuch na ang may hawak, walang kaso ang hindi niya kayang ipanalo. Wala pa kayang talo 'yun ni isa! Sobrang nakakabilib talaga siya.

Napailing na lang ako habang nangingiti dito sa pumasok sa isip ko. Minsan kasi sa sobrang panghihina na ng loob ko, naiisip kong tumakbo na sa kanya at magmakaawa. Kaso kapag kaharap ko na siya, nawawala na lahat ng lakas ng loob ko. Matapang lang yata talaga ako sa kanya kapag landian. Pero pagdating sa ganito ka-seryosong bagay, napupuno ako ng hiya.

Gusto kong subukan kausapin siya. Kase 'di ba nagawa niya 'yon kay Adara noon dahil sobrang mahal niya 'yung best friend ko? Kaya baka sakaling makaya ulit niyang gawin ngayon dahil ako naman ang sobrang mahal niya?

Kaso tangina naduduwag ako. Natatakot ako sa posibilidad na tanggihan niya ako—na baka hindi niya magawa sa 'kin 'yung nagawa niya kay Adara. And I will be 100% destroyed if that happens that's why I'm so fucking scared to beg.

Marahil kung handa naman na siguro siya ay hindi ko na kailangang magsabi pa na tulungan niya 'ko. Pero sa halip ay si Zeno ang ibinigay niya. Ibig sabihin lang no'n ay hindi pa talaga siya ready sa ganitong kaso.

"Please don't skip a meal, okay?"

"Thanks for the reminder," sagot ko kay Easton habang pababa. "Ingat ka." Kinawayan ko siya bago tuluyang sinarado ang pinto. He smiled and waved back at me before he left.

Wala sa sarili akong naglakad papasok ng building. Pinindot ko ang 10th floor pagsakay ko ng elevator at dumiretso sa unit ni Kairo. Hindi naman magulo since wala namang nakatira pero naglinis pa rin ako para kuskusin ang mga alikabok.

Pakatapos kong maglinis ay humiga ako sa sofa. Hindi ko trip manood ng kahit ano kaya nahiga lang talaga ako. Parang ganitong katahimikan lang ang kailangan ko ngayon. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن