"Here, I have this one." Ani ni Percy bago binigay sa bata ang phone niya.

"Auntie?" Ani ni Iggy bago nilingon si Alica na ngayon ay pangiti-ngiting nakatingin sa batang lalaki na nakikipag-usap kay Percy.

"Alica may nangyari ba na hindi namin alam? I mean akala namin umalis kayo ng bansa." ani ni Iggy na kinatingin ni Alica.

"Mahabang kwento." Nakangiting sambit ni Alica bago tuluyang naglakad papasok ng kwarto at ilagay ang hawak nitong bulaklak sa coffee table na malayo sa kama ni Cross at kina Percy.

"Bakit Auntie tawag sayo ng anak mo?" Naguguluhang tanong ni Chase matapos umupo ni Alica sa sofa at bahagyang yumuko.

"Dahil wala akong karapatang tawagin niyang 'mama.' Specially minsan ko na din siyang tinangkang ipalaglag." Ani ni Alica na kinatigil nina Iggy at Chase.

"Yung kulay ng mata ni Casspian kaya ba---."

"Nagkaroon ng komplikasyon sa mata si Casspian dahil sa mga ininom kong gamot nung time na pinagbubuntis ko siya." Putol ni Alica.

"Alica pati sarili mong anak balak mong patayin?" Hindi makapaniwalang sambit ni Iggy.

"Anong magagawa ko Iggy? Galit na galit ako nun lalo na kina Cross at kuya? Masisisi niyo ba ako kung piliin kong tapusin ang buhay ng batang bunga lang ng kamalian ko." Nangingilid ang luhang sambit ni Alica na kinatahimik ni Iggy.

"K-Kung hindi dahil kay Creed at hindi niya ako sinundan sa States baka pareho na kaming wala ng anak ko." Ani ni Alica habang nakatingin sa singsing na nasa kaliwang kamay niya.

"Si Creed?" Ulit ni Chase na kinatango ni Alica.

"Ilang beses ko tinangkang magsuicide nun dahil kina mommy at daddy na iniwan ako at pinabayaan para hanapin si kuya. Ang baklang yun ang kaisa isang tao na hindi ako iniwan habang naghihirap ako at nag-iisa." Ani ni Alica.

"Siya ang gumabay at nag-alaga sakin habang pinagbubuntis ko si Casspian at ng maipanganak ko yung bata mas pinili kong ilayo siya sakin para sa kaligtasan niya. Pinadala ko siya kay Tito Cadmus para magawa kong ayusin ang buhay ko sa tulong ni Creed." Dagdag ng dalaga.

"Hindi lumaki sayo si Casspian." Ani ni Chase na kinatingin ni Alica sa pwesto nina Percy.

"Lumaki si Casspian ng walang kinilalang ina at tanging papa niya lang ang kilala." Ani ni Alica.

"Bata pa si Casspian, pag sinabi mong ikaw ang nanay---."

"Hindi ko deserve maging nanay ng isang batang Acosta na minsan ko ng tinangkang patayin." Putol ni Alica bago ngumiti.

"Pag bumalik si Kuya at maging si Cross ngayon pa lang alam ko na na magiging maganda silang halimbawa ng buong pamilya." Ani ni Alica na kinatingin ni Chase.

"Ano?" Ani ni Chase.

"Ibibigay mo kay Arkhon ang responsibilidad?" Dagdag ni Iggy na kinangiti ng dalaga.

"Yun lang ang pinakamagandang magagawa ko para sa kanilang dalawa, bigyan sila ng buong pamilya." Ani ni Alica bago tumayo at kuhanin ang dala nitong bag.

"Alica hindi mo ito kailangan gawin, pag nagising si Cross siguradong hindi siya papayag na hindi ka---."

"Iggy maraming beses na ako nagkamali sa buhay ko at gusto ko kahit minsan may magawa naman akong tama." Putol ni Alica habang nakatalikod.

"Malaki ang magiging papel ni Casspian sa buhay ni Cross at kuya, alam ko na siya lang ang kaisa-isang tao na makakabuo sa mga bagay na nasira at nawala, si Casspian lang." Ani ni Alica bago humakbang at walang lingon-lingon na umalis ng kwarto.

"Alica." Ani ni Iggy habang nakatingin sa pinto ng kwarto na unti-unting nagsasara.

"Papa wake up, I'll give you some chocolate too." Ani ng bata habang nakasampa sa kama hawak ang braso ng ama.

"Hey bud, matagal pa bago magising daddy mo masarap pa tulog niya." Ani ng binata.

"But papalolo said magiging happy si papa pag nakita niya ako at gigising na siya." Sagot ni Casspian sa lalaki bago tiningnan ulit ang ama.

"Papa wake up, I'm here na." Ani ni Casspian na kinabuga ng hangin nina Chase at Iggy bago lumapit sa bata.

"Gigising din ang papa mo pag fully healed na siya." Nakangiting sambit ni Chase matapos guluhin ang buhok ng batang lalaki at tingnan si Cross na kasalukuyan pa din na na natutulog.

---
"Perfect! Medyo side pa Mr.Freya." ani ng isa sa mga photographer na tuwang-tuwang na kinukuhanan ng litrato ang kasalukuyang pinagkakaguluhan sa entertaiment industry.

"Ms.Valentine medyo lumapit ka pa." Ani ng isa sa mga photographer.

'Gosh bagay na bagay sila.'

'Ang gwapo mygod.'

'Ang swerte ni Valentine si Arkhon pa nakapartner niya.'

'Sana ako na lang si Ms.Valentine.'

"Okay last shot." Announce ng photographer sa dalawang tao na nasa mini stage bago sunod-sunod na umilaw ang camera.

Matapos ang photoshoot para sa ilalabas na magazine nagpaalam na ang binata at sumunod sa manager na agad siyang inabutan ng leather jacket.

"Kailangan ba talagang ibalandra ang katawan ko." Reklamo ni Arkhon na kinatawa ng manager nito na si Tobi Revere.

"Alam kong ayaw mo ng ganitong exposure pero kailangan mo ito para sa career mo." Ani ng binata bago laklakin ang hawak nitong can ng beer.

"Whatever." Ani ni Arkhon habang naglalakad sila papunta sa dressing room at---.

"Arkhon wait."

Napatingin ang dalawa sa likuran ng lakad takbong lumapit sa kanila ang co-star ni Arkhon sa bagong series na kanyang gagawin.

"I'm here to invite you para sa isang dinner besides mukhang magiging matagal-tagal din tayo magkatrabaho." Yaya ng dalaga matapos ngumiti ng makalapit sa dalawa.

"Sorry but---."

"We'll call you Ms.Valentine if my vacant na schedule itong alaga ko." Putol ng manager sa binata nang balakin nito tumanggi.

"Salamat manager." Nakangiting sambit ng dalaga bago tingnan si Arkhon at ngumiti.

"See you around Arkhon." Ani ng dalaga matapos bigyan ng ngiti ang lalaki at umalis para lapitan ang manager at make up artist na nagaantay sa kanya.

"Argh! you are fucking shameless Revere pati ba naman ang pakikipag meet ko kailangan mo pang---."

"I was saving your ass here, bastard pwede ba magpasalamat kana lang kung tumanggi ka dun siguradong patay ka sa daddy mo." putol ng binata na kinagitgit ni Arkhon matapos siyang talikuran ng manager.

"You have a meeting with Director at 6 pm, wag kang malalate sira ulo." Ani ng manager habang nagdidial sa phone at pumasok sa isa sa mga kwartong nanduon.

"Bwisit hindi ba uso pahinga." Hirit ni Arkhon habang naiinis na nagpatuloy sa paglalakad para pumunta sa nakaassign sa kanyang dress room.

Dancing with the DevilDove le storie prendono vita. Scoprilo ora