Chapter 6

15 3 0
                                    

Maaga ako sinundo ni Aero sa bahay namin na ikinagulat ko.
Madami akong tanong sakanya na ni isa hindi man lang niya sinagot.
Like, pano niya nalaman kung san ako nakatira?.
Ni isang kaklase ko wala akong pinagsabihan kung san ako nakatira kahit ang new friend ko na si Kendra hindi alam kung saan ako nakatira tapos siya na hindi ko kaibigan alam?

Bumaba na ako ng kotse niya ng makarating kami sa destination namin.
Sa likod ng school kung san ang peaceful place niya at dahil alam ko na ay dito na rin ang aking peaceful place at walang makakapagpigil sakin.

Buti nalang pinapasok kami ng guard kahit walang pasok.

"Dito mo nalang ilagay ang gamit mo sa tabi ng gamit ko" He said and sit down on the Bermuda grass.

Ang ganda talala dito, hinding hindi ka magsasawa sa paligid.

"Nasan na ang gagawin natin?" Tanong ko dito habang naglalagay ng maliit na kumot para mapag upuan.
Parang picnic lang ang peg namin HAHA kaso wala kaming dalang pagkain.
At hindi kami nandito para mag enjoy, nandito kami para gumawa ng Requirements.
Hayst kung hindi ko lang talaga siya tutulungan sana ngayon nakahiga lang ako sa kama ko habang nagbabasa ng librong patago ko pang binili para hindi makita ni daddy.
Strikto kasi yun pagdating sa gamit ko  and hindi niya talaga ako inispoiled, hindi katulad ng iba jan spoiled brat.

"Hoy!" Sigaw ko dito ng hindi niya ako sinagot at ang galeng!.
Nakahiga ito habang nakadantay ang ulo sa dalawang braso at tulog!

"Oh?" tugon nito at nanatili parin itong nakapikit.

"Aba! Ikaw na ngang tutulungan!" Nakapameywang kong sigaw dito.

Bigla itong umupo at tinignan ako ng masama.
What? Tusukin ko mata mo eh?

"Can you low down your voice? Katabi mo lang ako wala ako sa kabilang bundok kung makasigaw ka!" Ani nito.

Umirap ako sakanya at umupo na lamang, bahala siya kung ayaw niyang ibigay sakin.
Di naman kawalan sakin yun eh, sakanya naman tsk.

May hinalukat siya sa bag niya at inilabas itong laptop.
Wow naols mac!

Gusto ko din ng ganyan kaso ayaw ko namang sabihin kay Daddy na bilhan ako.
Alam niyo na, strikto siya kaya ayaw kong magpabili, kung ano ang binibili niya sakin ay tinatanggap ko na lamang even my Mommy ay strikto, pero kahit ganun mahal ko sila.

"Oh!" Abot niya sakin sa Mac Laptop niya.
Feeling ko nagniningning ang mata ko ng mahawakan ko ito.
Omg! My dream laptop.
Bigla akong napasimangot ng may maalala ako.

Konti palang ang naiipon ko para dito, hayst baka abutin pa ng kalahating taon bago ako makabili, ang mahal ba naman.

"Oh? Bat ka nakasimangot diyan?, Hindi mo pa namn bagay, mukha kang pwet ng manok" sabi at tumawa ng malakas.

Inis na hinampas ko ang braso niya pero wala paring tigil ito sa kakatawa.

"Kainis ka!"

"Joke lang" sabi nito at huminto sa pagtawa, seryoso itong tumingin sakin at inilapit ang mukha sakin.

Nanlaki ang aking mata, konti nalang mahahalikan ko na siya.

Sinasabi ng utak kong umiwas pero iba ang ginawa ng katawan ko, nanatili pa rin akong nakatingin sakanya habang ito ay seryosong nakatingin sakin.

"Ikaw na yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko" namula ako sa sinabi nito.
Sa wakas ay umiwas na ako ng tingin.

Napalingon ako sakanya ng tumawa ito nang napakalakas, halos mangisay na ito sa kakatawa habang hawak ang tiyan.

Fall Again (On-hold)Where stories live. Discover now