Chapter 87: The Young Glitches

Magsimula sa umpisa
                                    

Biglang tumunog ang cellphone ko na mabilis kong kinuha. I read the text message-- galing ito kay Seven.

Seven:
Still awake?

Tumingin ako kanila Mild kung tulog na sila bago ako nagtipa ng reply sa kanya. Hindi ko mapigilan na lumabas ang ngiti sa aking labi habang nagre-reply sa kanya. Klarong-klaro pa rin kasi sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

Jamie:
Oo, hindi ka rin makatulog?

Seven:
I am scared to sleep.

Baka magbago ang sagot mo bukas.

Jamie:
Hindi magbabago ang sagot ko, huwag kang mag-alala :)

Anong balita kay Teddy? Anong parusa ang ginawa mo?

Seven:
Sa labas siya natutulog, silip ka. Silang dalawa ni Ace.

Bumangon ako saglit, nakita ko nga si Teddy at Ace na nasa labas ng bahay nila habang nakahiga sa comforter at nababalutan ng makapal na kumot. Nagsisipaan pa ang dalawa dahil nag-aagawan sila sa kumot, mukhang nahihirapan din silang makatulog.

Ayan, kagaguhan pa.

Jamie:
Sige na matulog ka na. Maaga pa tayo pupunta sa Arena bukas.

Seven:
Ikaw man, matulog ka na.

Good night, I love you.

Saglit akong napatigil noong mabasa ang chat ni Seven, napasilip ako sa bintana ng room nila at nakita kong nakatayo din siya mula roon habang hawak ang kanyang cellphone. He is smiling while he is holding his phone.

Saglit kong ibinaba ang kurtina ng kuwarto namin at nagtatalon sa tuwa.

Seven:
No reply? :(

"Jamie matulog ka na, mahaba pa ang araw bukas para lumandi. Ipagpabukas mo na 'yan," reklamo ni Mild na mukhang naalimpungatan dahil sa mahihinang ingay na nagagawa ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para mapigilan ko ang ang aking kilig. "O-Oo, matutulog na."

Hinarap ko ulit ang aking cellphone.

Jamie:
Good night din, I love you.

Nagdalawang-isip pa ako kung ise-send ko iyon pero ginawa ko pa rin naman. I mean, hindi naman kami sanay ni Seven na sobrang sweet sa isa't isa (since may boundary kaming dalawa noon) pero iba na kasi ngayon lalo na't may label na kaming dalawa.

Siguro ay maninibago ako sa mga changes pero kalaunan ay masasanay din naman ako.

Ipinatong ko na sa mini cabinet ang cellphone ko at natulog na.

***

KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil maaga ang call time namin ngayong araw.

"Hindi ka masyadong nakatulog, 'no?" tanong ni Mild habang tinutulungan niyang mag-ayos ng gamit si Claire. Hindi sasama si Claire papunta ngayon sa arena dahil aalis din silang dalawa ni Ace.

"P-Paano mo nalaman?"

She sighed. "Jamie, kung kikiligin ka next time... huwag ka masyadong magalaw, ako ang katabi mo sa kama. Malamang damay ako!" reklamo niya.

Pumasok si Jessica dala ang breakfast namin, take-out ito galing sa malapit na fast food. "Kain na tayo, maligo na kayo after para makaalis na tayo."

"Claire, ingat ka papunta sa Fladus." I smiled to Claire. "Tsaka ikumusta mo ako sa kapatid ko, ha! Don't give him a special treatment."

Nai-imagine ko pa lang na magiging teacher ko si Claire for a day... naiisip ko na agad na hindi ako gagawa ng kasalanan.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon