Oonga no? Baka kaya hindi siya makatingin ng deretso kasi gusto niya talaga ako?





Pero pano kung hindi totoo? Ayoko mag assume. Masakit.








Napatigil ako sa paghakbang ng makita ko si Sela na mabilis na naglalakad papuntang cr. Dahan dahan akong sumilip sa pinto ng cr. Napansin kong walang ibang tao kaya palihim akong pumasok sa loob.






Nakita ko si sela na nakapikit habang nakasandal yung noo sa salamin at parang kinakausap yung sarili niya.

"pOooootaenaa! Talaga! Gaaaaaaabb!" Biglang sigaw nito kaya agad akong nagtago sa bukas na cubicle.





Ilang segundong nabalot ng katahimikan ang bawat sulok ng banyo na ito.  Nagaalala na rin ako at baka maynangyari na, o nadulas na siya dun. Sinubukan ko ulit sumilip pero agad akong nagtago.





"Sino ka?" Tanong nito habang deretsong nakatingin sa cubicle kung nasaan ako. Agad kong sinarado ang pinto pero agad niya rin itong napigilan.






Para kaming tanga dito  na nagtutulakan ng pinto.

"B-bat mo binubuksan?!" Tarantang sigaw ko dito habang pinipigilan mabuksan yung pinto.





"Bat mo ko tinitignan kanina? Habang nandiyan ka sa loob? Manyak ka no!?"
Sigaw nito.





Masyado siyang malakas kaya tuluyan niya ng nabuksan yung pinto.

Amazona ba to?






"A-abby?" hinihingal na sabi nito.






"H-hi?" Bati ko na lang dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.







Natulala ito saglit, at mukhang hindi pa nagsisink in sa utak niya yung ginawa niya.

"S-sorry." Sabi nito at agad naglakad paalis.





Agad kong siyang pinigilan at hinawakan siya sa pulsuhan. Kusa na lang gumalaw ang kaliwang kamay ko, na para bang may nagtutulak sakin na dapat ko siyang pigilan. Natulala na lang ito habang ako parang anytime sasabog na yung ulo ko.

Bakit ko nga ba siya ulit hinawakan? mamii? Anong ginagawa ko?






Seryoso ba to? Dito ako mag coconfess? Sa banyo? Putek. Ilang buwan ako naghintay at humanap ng timing sa magandang lugar? Tas dito lang pala bagsak? Bahala na nga! Ayoko ng magsisi, kung hindi ngayon baka wala ng chance sa susunod. Bahala na! Yolo!






"Gusto kita, sela."




Dahil ika'y gusto, 'di na ako susuko....




"A-ano?" - sela.




Magiging totoo, 'di na maitatago..





"Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi ni Gabb kanina. Pero ako, totoong gusto  kita." - abby.




Dahil ika'y gusto, 'di na ako susuko...




"Alam mo naman siguro d-diba? Na p-parehas tayong b-babae?" Nauutal na sambit nito.




Laman ng puso ko, ipapakita na sa'yo...





"Alam ko." Dahan dahan akong humakbang papalapit sa kaniya.





"Alam mo m-maganda ka." Nauutal na sabi nito at dahan dahan rin siyang humahakbang paatras.






"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now