Prologue

488 81 17
                                    

Prologue

"Tatiana! Gumising kana!" sigaw ni mama na katok ng katok sa pinto ng kwarto ko. Inis ko namang kinuha ang unan ko at itinakip sa tenga ko.

"Mama naman ang aga-aga pa!" pagmamaktol kong sigaw. Umagang umaga, maingay na 'tong si mama.

"Sige wag mo akong sisisihin kapag nalate ka sa school ha! Bahala ka!" sigaw ni mama at narinig ko ang mga yapak niyang papalayo sa kwarto ko.

Wait...ano ulit yung sabi ni mama? Malate sa school?

Agad akong napabalikwas at kinuha ang cellphone ko sa may side table at tinignan ang oras at date.

Gosh! First day of school pala ngayon. Hala 6:00 na pala! Lagot na!

Agad naman akong bumangon at dumeretso sa banyo dala ang aking panligo at twalya. Nakita ko naman si mama sa kusina na naghahanda ng almusal namin.


Bago ako makapasok sa banyo narinig ko pa ang sinabi ni mama. "Yan, tulog ka pa kasi maaga pa naman eh." asar pa ni mama.

Matapos kung maligo ay agad akong nagbihis. Ngayon ay First day ko sa school na papasukan ko. Transferee ako dahil kalilipat lang namin dito sa bago naming bahay at ang Southeastern School of Institute ang pinakamalapit na school mula rito sa may subdivision kaya dito ako naisipang pag-aralin nina mama.


Grade 10 na ako this School Year. First day ko nga ngayon and I feel nervous and excited lalo na at wala pa akong kakilala sa papasukan ko.

After ko maligo ay pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis. Nag ayos din ako ng kaunti para naman presentable ako sa first day ko. After ko ay kukunin ko sana ang cellphone at bluetooth earphones ko sa side table nang may makita akong sticky note na nakadikit sa tabi ng phone ko.

Ang nakasulat sa sticky note ay,

Check mo ang ilalim ng unan mo. Ingat ka sa first day mo anak lovelots.❤

~Papa.

Yun matapos kong basahin yon ay kinapa ko ang ilalim ng unan ko at may nakapa akong papel nang kunin ko ito ay 250 pesos pala. Nasanay na ako na ganito na sa ilalim ng unan ko nilalagay ni papa ang baon ko dahil hindi ko na siya naabutan.

Maaga kasi lagi si papa na umaalis. Busy siya sa work niya kaya maaga palang ay umaalis na siya at lagi siyang nag iiwan ng baon ko sa ilalim nang unan ko. Magkaiba ang baon ko from mama at papa kaya medyo malaki ang baon ko.

After kong kumain at mag prepare sa pagpasok ay nagpaalam na ako kay mama na papasok na ako sa school. Nag taxi nalang ako dahil ginamit ni Papa ang kotse namin at si Kuya ko ay ginamit niya ang motor niya. Binigyan din ako ni mama ng 250 pesos at iba pa ang pang taxi ko, so bale 500 baon ko. Haysss...

Magkahiwalay kami ni kuya ng pinapasukang school dahil ayaw niya umalis doon sa dati naming school dahil andun daw ang mga kaibigan niya at syempre ang girlfriend niya. Well pinagbigyan nalang siya nina mama at papa.

Nang makarating ako sa destination ko ay nagbayad na ako ng taxi at namangha dahil sa dami ng students sa labas ng campus pano pa kaya sa loob. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin ang malaking gate at may nakasulat sa SOUTHEASTERN SCHOOL OF INSTITUTE at ang logo ng school. Sa baba naman nun ay may tarpaulin din na WELCOME NEWBIES!!!

Naexcite tuloy ako at pumasok na nang tuluyan. Napanganga ako dahil hindi ko inaakalang napakalawak pala ng school na ito. May football field, may oval, haha may playground pa, ang gymnasium at iba't ibang buildings pa ang narito.

I Fell In Love With The Guy I Hate - BOOK 1 || EDITING Where stories live. Discover now