Profile Etiquette: Do's and Don'ts

324 28 6
                                    

Ito ang mga mumunting bagay na kailangan upang mas maging kawili-wili ang experience ng lahat sa bawat community profile. Kailangang pagtuunan ng pansin ang mga bagay na ito.

Hindi lang ito ma-a-apply sa profile na ito kung hindi applicable din sa ibang profiles.

Don't vs. Do

Advertising:

DON'T - Kung pupuwede lang ay huwag ninyo direktang i-post ang link ng inyong kuwento sa message board ng ibang users o sa comment section ng kanilang kuwento (maliban na lang kung binigyan kayo ng permiso).

DO - Maaari naman kayong magtanong kung papaano ibabahagi at ipo-promote ang inyong mga kuwento. Natural lang siyempre ang makaramdam ng suporta sa inyong napaka-amazing na kuwento at deserving talaga na makilala ang mga pinaghirapan ninyo. Puwede ninyong i-check ang Wattpad Writers forum para sa exposure sa Share Your Story thread.

DON'T - Hindi rin mabuti na abalahin at pilitin ang ibang mga tao para basahin ang inyong kuwento nang walang hinihinging anumang kapalit.

DO - Pero puwede ka namang makiusap na i-review nila ang kuwento mo at magbigay ng feedback at maaari ding hingan ka rin ng parehong pabor. Napakarami ring mga review and critique services na pinatatakbo ng ibang Wattpad users na tulad mo.

Votes:

DON'T - Hindi rin hinihikayat ang lahat na makilahok sa vote trading, pag-aalok ng boto bilang reward, o panunuhol sa ibang users sa pamamagitan ng pag-vote sa stories nila.

DO - Puwede ka lang bumoto kung na-enjoy o sinusuportahan mo ang kuwentong binabasa. Ang bawat vote ay sumasalamin sa iyong paghanga at pagsuporta sa angking galing ng manunulat sa kaniyang kuwento.

Sharing your story:

DON'T - Huwag na huwag punuin ng spam ang mga account gamit ang links ng iyong kuwento sa kanilang message board o kahit pa sa PM.

DO - I-submit ang iyong kuwento sa naka-link na submission form bilang konsiderasyon. Kung ito ay na-approve naman ay masasali ito sa isa sa mga reading list.

Interacting:

DON'T - Ipinagbabawal din ang pag-spam at pag-harass sa mga profile. Hindi pinatatakbo ng A.I. (computer) ang mga profile Do not spam or harass profiles. Totoong tao ang mga nasa likod ng screens na katulad mong nasa harap ng screen ngayon.

DO - Ikaw naman ay pinahihintulutang makipag-usap sa mga taong nagpapatakbo ng mga profile. Maging maingat lamang sa mga binibitiwang salita dahil hindi mo rin alam kung sino ang nasa likod ng profile na iyong kinakausap at puwede ring masaktan mo ang kanilang damdamin.

Tact:

DON'T - Huwag kaagad na magpadala sa galit. Lahat tayo ay kontrolado ng ating emosyon sa bawat oras. Mabuting pakaisipin muna wng sasabihin bago mag-type at i-hit ang send.

DO - Ikaw ay entitled sa iyong opinyon at ganoon din sa itong pasensiya. Mainam na huminga muna nang malalim bago mag-react, maghintay na tumugon nang kalmado, pakaisipin ang mga mabuting solusyon sa isyu na hindi makasakit ng ibang tao. .

Asking for help:

DON'T - Huwag kalilimutan, madali ang pag-search sa impormasyong maaaring kailangan mo. Kung hindi pa nasasagot ang iyong katanungan ay roon pa lang ikaw puwede na magtanong pa.

DO - Always welcome ka namang magbigay ng tanong. Papaano ka pa mas matututo? Willing kaming tulungan ka.

FantasyPH GuidebookWhere stories live. Discover now