"Wala!"

"Eh bakit ka sumali?"

"Eh groupings eh, para belong. Hihi."

"Timang! Mag-audience ka na lang din." singit ni Ash. "—-ay wait. Ibang level ka na pala ngayon, hindi ka na pwedi sa pachill-chill lang ang life. Tsk.. tsk.. tsk! Sige.. —kami na lang ang papalakpak sayo. Galingan mo. Hahaha!"

"Tsk! Kahit wag na, sigurado akong pagtatawanan niyo lang ako doon."

"Gaga ano ka ba! Supportive kaming kaibigan.. diba ... diba?!" dagdag niya pa habang nakatingin sa mga kaibigan kong nagsitango din. Parang true! Hindi nga nila ako magawang tulungan sa pagpupulot ng kalat dito sa gym.

"Okay.. ..pulutin niyo yung mga bote doon sa kabilang bleachers magamit naman 'yang pagiging supportive niyo. Mauuna na ako, support niyo ko ah. Support niyo din mga bote diyan sa supot. Bye!" paalam ko. Iniwan ko silang nakanganga, hindi ko na kasi sila binigyan ng pagkakataong makaangal baka bawiin pa ang pagiging supportive nila.



Convoy kaming umalis ng school papunta sa bahay nila Race. Gamit ko na ang kotse ko kaya hindi ko na kailangang makisakay kay Acid. Nagpapaunahan na naman ang mga impakto buti na lang walang gaanong sasakyan sa hi-way.

Pagkarating namin sa isang magarang mansyon na ka-village lang din pala ni Clover, isang mainit na pagtanggap ang sumalubong sa amin. Mainit! Mainit ang tingin sa amin ng Lolo ni Race. 'Yung klase ng init na may alab pero nagyeyelo.

"May kasalanan ba kayo sa lolo ni Race?" bulong ko kay Krys.

Umiling lang siya, di din niya magawang tumingin sa matanda dahil ang nakakatakot talaga itong tumitig.

"Eh bakit siya galit kung makatingin sa inyo?"

"Sa atin First." pagtatama niya. Napangiwi akong bumaling ulit sa kanya.

"Eh bakit nga?"

"Kinikilatis niya lang tayo batay sa mga ekspresyon natin." sagot niya. Ganoon naman pala eh..   ..kaya proud akong humarap sa matanda habang pinapakita ang ganda ko.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang bulong niya.

"Inaayos ko ang sarili ko. Malay mo mahulaan niya ang katangian ko through my beautiful face. Hihi.. ..umayos ka na din diyan, kalma ka lang. Wala naman sigurong pangil 'yung lolo ni Race para matakot ka."

"Wala nga... pero baril meron!" bulong niya pero hindi ko masyadong naintindihan kaya nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.

"Who is she?" maya-maya ay tanong niya. Ako siguro ang tinatanong niya. She eh!

"First Villera po Grandpa.. not your second, mas lalong not the last only the first." proud kong pagpapakilala.

Rinig ko ang pagbungisngis ng katabi ko pero di ko alam kung sino sa tatlong impakto.

Tinaasan lang ako ng kilay ng matanda. "I'm not talking to you! I'm talking to this man." striktong turan nito sa akin habang nakatingin kay Race.

Kumunot noo akong bumaling sa katabi ko. "Mali ba ako? Eh ako ang tinatanong niya diba?" bulong ko kay Krys na sumenyas lang na manahimik ako.

"What are they doing here Race Devione!" mautoridad na tanong ng matanda.

Napakamot lang sa ulo si Race at napapangiwing tumingin sa lolo niya. "We were having our acapella practice old man." sagot niya. Ah baka ayaw niyang magpatawag ng Grandpa kaya nagalit sa akin.

"Practice? ..this house is private Race and your friends are not welcome here!!" galit pa nitong bulyaw. Harap-harapan. Putspa. Para kaming mga bisitang trespassers! Walang invitation card na dala..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now