Napatingin ako kay Clover. Why he never choose to live me that night? I was horrible! Bakit hindi siya natakot sa akin?

Tahimik na lang akong napabuntong hininga at pinili na lang sumandal sa upuan ko. Mas lalo pa ata akong nanghina.

Dumating si Mrs. Buenavintura at pinapunta ako sa Guidance office. Mas lalong nasira ang araw ko dahil sa taong nakita ko.

"Your bullying my daughter daw?" taas-kilay nitong tanong na inikutan ko lang ng mata. Your bullying me too kaya patas lang tayo.
Pero hindi ko naman pinagmamalupitan ang anak niya katulad ng ginawa niya sa akin.

"Let her sleep outside!!!"

"Don't give her any food. Hayaan niyo siyang magutom! Walang utang na loob.. —ang tigas ng ulo mo! Kaya dapat lang sayo ang magutom."

"Ilang latigo pa ba ang gusto mo para magtanda ka huh?!!!"

"Diyan! Malunod ka din katulad ng ina mong namatay! Buwesit ka.. isa kang malas sa pamamahay na ito!"

"Lumayas ka!!!!! Walang nagmamahal sayo sa pamamahay na ito kaya umalis ka na! Lumayo ka! Huwag na huwag mo ng ipapakita ang mukhang iyan sa mansyong ito kung gusto mo pang mabuhay!"

All those words still running on my mind. All those bad memories that she planted at my mind still keeps haunting me at night. Hindi lang ang mukha ni Mama ang nakikita ko sa panaginip ko dahil pati mala-demonyong ngisi niya ay tumatakot sa pagtulog ko.

"Dean, you need to punish this student." turo nito sa akin na para bang hindi niya ako kilala. "Suspension is not enough para pagbayaran niya ang pambubully na ginawa niya! She's a bad influence for this school kaya dapat paghirapan niya ang kabayarang iyon!"

"I didn't bully your precious daughter, WITCH!!" matunog kong pagtawag sa kanya.

Pinandilatan niya ako ng mata at nagpupuyos sa galit na lumapit sa akin.

"WITCH!" ulit kong bigkas habang nakangisi sa harap niya kaya malakas niya akong sinampal. Putspa! Nakalimutan kong mahilig pala sa sakitan ang isang ito. Ang sarap kasing tignan ang mukha niyang nagpupuyos sa galit, parang aatakahin kasi siya sa puso at iyon ang hinihintay kong mangyari sa kanya,— mabayaran man lang ang pananakit niya sa akin. Hindi naman ako masyadong masama kung humiling dahil kung masama man ako baka buhay na niya ang hiniling kong mawala.

"Tumahimik ka Ms. Villera!" tanging saway ni Dean Calasag. Hindi man lang niya pinansin ang pagdapo ng mabigat na palad ng impaktang ito sa mukha ko.

Napatingin ako ng matalim kay Dean at kapagkuwan ay ngumiti din! Okay na yung murahin ko na lang siya sa isip ko.

Napaayos siya ng upo at nag-iwas ng tingin sa akin.

"You need to do community service within 2 months inside the school para pagbayaran ang kasalanan mo Miss Villera. Mahigpit na ipinagbabawal ng ating school ang pambubully pero simula atang pumasok ka sa paaralang ito, mas lalong dumami ang kaso ng bullying! Why is that happening Miss Villera? Kung hindi lang dahil sa apelyido mo baka matagal ka ng napatalsik sa paaralang ito kaya I'm hoping na magbabago pa ang ugali mo! Do your task at pagkatapos ng 2 buwan doon natin malalaman kung pwedi ka pa bang manatili sa paaralang ito. Naiintindihan mo ba?"

Mataman lang akong nakatitig sa kanya. Sa akin niya pa isisisi ang kapalpakan ng pamamalakad niya dito sa school! Haller! Dati pang talamak ang bullying.. madami lang ang naiinggit sa ganda ko kaya sila naghahanap ng away. And besides, halu-halo na ang mayaman at mahirap sa school na to kaya hindi talaga nagkakaintindihan ang iba at nauuwi lage sa away.

"You have complain Miss Villera?" tanong pa nito.

"Complain? Wala siyang karapatang mag-complain Dean dahil basura siya!" mapang-uyam na sambit ng witch.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Où les histoires vivent. Découvrez maintenant