ito'y tuluyan ng nakalapit, tuluyan na rin nagdilim ang buong paligid.





"Gabb?"

"Gabb!"



Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata dahil sa boses na gumigising sa akin.



"Gabrielle Skribikin! Gumising ka diyan!" Sigaw ni ate sela.



"Ate s-sela!?"



"Anong ginagawa mo dito? Bat dito ka natutulog?" Sunod sunod na tanong niya.



Nilibot ko ang tingin sa paligid, nandito pa rin ako sa rooftop. Chineck ko rin ang oras 4:32am na. Nakatulog ako ng dalawang oras.




"Tumayo ka na diyan, baka mahuli pa tayo." Utos niya.




Tinulungan niya na akong makatayo at dahan dahan na kaming bumaba ng hagdan.




"Pagnahuli pa tayo ng landlord yari ka talaga sakin." Sabi nito.



Nakarating na kami sa unit at napabuntong hininga na lamang si ate Sela habang deretsong nakatingin sa akin.


"S-sorry." Yukong sambit ko.



"Sabihin mo sakin kung doon mo gusto matulog itatas ko tong kama mo." Biro nito at bumalik na sa pagkakahiga sa kaniyang kama.



Muli itong humarap sakin at tinitigan ako puno ng pagtataka.

"Alam mo, nagsisi ako kung bat kita ginising." Biglang sabi nito.




"Hmm? Bakit?" Pagtataka ko.




"Feeling ko ang saya ng panaginip mo? Alam mo bang nakangiti ka? habang natutulog ka kanina." Dugtong nito.




Natahimik kami ng ilang segundo habang inaalala ko ang panaginip ko.

"I saw a girl singing my favorite song." Sabi ko.




"Who's the girl?" She asked.




"Hindi ko alam, blurred yung mukha e."
Tanging sagot ko.





"Yun lang napanaginipan mo? Wala ng iba?" Sunod na tanong nito.




"wala na." Sagot ko at nahiga na rin sa kama.



"Ang weird." Sabi nito kaya binalik ko ang tingin sa kaniya. Mismo siya nawiweirduhan na sakin.


"To tell you honestly, nakangiti ka kanina pero may tumutulo pa ring luha sa mata mo habang natutulog ka."

"So maybe, one day that girl will came to bring happiness and pain into your life."



"Ok? Kelan ka pa naging manghuhula?" Biro ko dahil sobrang seryoso ng mukha nito.




"Wala, naisip ko lang, goodnight matutulog na ko may pasok pa pala tayo bukas." Sagot niya at bumalik na sa pagkakahiga.



Muli kong binagsak ang sarili ko sa kama at tumulala sa ceiling.
Hihintayin ko na lang siguro sumikat ang araw.










COLEEN's POV.

"Listen class, ilang araw kayong mawawalan ng klase sa p.e dahil naghahanap pa kami ng bagong
Prof niyo sa subject na yon." - Sir. Shok.



"Luh? Bakit sir? dun na nga lang mataas grade ko e." Angal ni Daryll.




"Natangal ang bago niyong teacher, so naghahanap pa kami ng papalit sa kaniya. Btw may long quiz ngayon pero bago tayo magsimula, gusto ko munang kamustahin yung mga mababang grade diyan." Sabi nito at tumingin banda samin.




"Re-write."  (sequel)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα