Hindi ko na lang iyon pinansin. May ilang minuto pa bago ako nakarating sa mismong entrada ng bahay. Kasabay ng pag-apak ko sa sahig ay ang malakas na sigaw nila nanay at tatay.

"Happy birthday, Dreya!" bati nila at tila may pinaputok pa ng kung ano.

Ngumiti ako. "Salamat, po."

Hindi ko akalain na may ganito silang pakulo ngayon. Kaninang umaga ay binati na nila ako. Inisip kong wala akong handa dahil hirap kami sa pera pero hindi naman iyon naging problema sa akin. Puwede naman ipagdiwang ang kaaraw kahit na walang handa. Ang importante ay sama-sama pa rin kami.

"Naghanda ba kayo, nay?" tanong ko at iniangat ang tungkod para kapain ang daan. "May naaamoy akong menudo."

Humagikhik ako matapos sabihin iyon. Naramdaman kong may humawak sa braso ko para alalayan ako, alam kong si tatay iyon.

"Nagluto kami ng kaunti, anak. Hindi puwedeng hindi dahil dapat ipagpasalamat ang pangalawang buhay na mayroon ka ngayon."

Inalalayan ako ni tatay na makaupo sa silyang gawa sa kahoy. Nang maiyos ang sarili ay muli kong naamoy ang pabango na kanina ko pa nalalanghap sa labas.

"Tay, sa'yo pala ang pabango na iyan? Nasa labas ka ba kanina?" tanong ko.

Ilang segundo pa bago siya sumagot.

"A-Ah, oo. May tiningnan lang ako kanina."

Tumango ako at ngumiti. "Nagpapabango ka na ngayon, tay."

"Ibinigay lang sa akin nung may ari ng bigasan, anak. Nahiya naman akong hindi tanggapin."

"Ayos lang 'yan, tay. Lalo kang mamahalin ni nanay niyan."

"Sus, itong batang ito talaga!" si nanay, natatawa rin naman. "May cake, Dreya. Dadalhin ko riyan at hihipan mo ang kandila."

Hindi ko napigilan ang mas laong mapangiti dahil doon.

"Sana po ay hindi na kayo nag-abala. Wala na tayong panggastos—"

"Huwag mo na alalahanin ang bagay na iyon, Dreya. Talagang naglaan kami ng pera para sa kaarawan mo. Makakaraos pa rin tayo."

Hindi na ako sumagot. Tipid na ngiti na lang ang iginawad ko at huminga ng malalim. Alam kong kakarampot lang ang sinasahod ni tatay mula sa pagtitinda ng bigas sa palengke. Kulang iyon sa pang araw-araw namin kaya naman medyo hindi talaga ako sang ayon na naghanda pa sila. Ganoon pa man, nagpapasalamat pa rin ako.

"Narito na ang cake sa harapan mo, anak. Humiling ka saka mo hipan." si nanay.

Ramdam ko ang bahagyang init ng hangin na dumadampi sa aking mukha. Marahan akong pumikit.

"Alam kong imposible pero hihilingin ko pa rin," paunang wika ko. "Sana ay makita ko na ulit ang liwanag."

Silence lingered in the air. I took that chance to blow the candle and smiled.

"Nahipan ko ba ng ayos, nay?"

"Oo, anak..." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin hindi kalaunan. "Sana ay dinggin ng Panginoon ang kahilingan mo."

A dry smile escaped my lips for I know that it's really impossible. Not now that I already parted ways with the Monasterio's.

"Kumain na tayo habang mainit pa ang mga pagkain." si tatay.

"Mabuti pa nga. Sandali, Adrestia, at ikukuha kita ng pagkain mo."

Tumango ako bilang sagot. Ilang minuto rin ang hinintay ko bago bumalik si nanay sa harapan ko.

"Susubuan kita..." aniya.

"Anong pagkain ang dinala mo sa akin, nay?"

"Spaghetti. Paborito mo ito, hindi ba?"

Ngumiti ako saka tumango. "Ako na ang magpapakain sa sarili ko. Kaya ko naman siguro iyan. Sabihan n'yo lang kapag makalat na ako."

"Sigurado ka ba?"

"Oo, nay."

"Ikaw ang masusunod kung ganoon."

Naramdaman kong inilapit ni nanay sa aking harapan ang maliit na mesa. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ito ang tinidor mo," kinuha niya ang isa ko pang kamay at dinala sa ibabaw ng lamesa. Nakapa ko roon ang plato na yari sa plastik. "Ito naman ang plato mo. Ikukuha kita ng juice pagkatapos."

Tumango ako. "Salamat, nay. Kumain na rin kayo."

We started eating in silence. Sa gitna ng pagkain ko ay hindi ko pinagkunutan ako ng noo at ibinaling ang ulo sa gilid. Nagtagal ako sa ganoong posisyon. Bumuntong hininga ako at muling ibinalik sa harapan ang ulo.

"Nay?" tawag ko sa mahinahon na boses.

"Bakit?"

Sa pangalawang pagkakataon ay huminga ako ng malalim.

"May iba ba tayong kasama ngayon rito?"

May ilang segundo pa ang dumaan bago siya sumagot.

"W-Wala, anak. Tayo lang ng tatay mo ang narito. Bakit?"

Umiling ako. "Wala naman ho."

Kinapa kong muli ang tinidor. Nang mahawakan ito ay muli kong ibinaling ang ulo ko sa gilid. Hindi ko alam pero... pakiramdam ko ay may presensya sa gilid ko gayong alam kong nasa bandang harapan ko naman sila nanay at tatay. 

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoWhere stories live. Discover now