2nd Chapter "Ex-Playboy Gelo vs. Evil Sypher "

252 17 1
                                    

GELO's POV

Nang maiparada ko ang aking motor sa may tabihan ay eksakto kong nakita si kuya Sypher na papaalis sa bahay nya. Saan kaya ang punta ng mokong na 'to?


Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at inakbayan sya. Halatang nagulat sya sa ginawa ko.


"Oh ikaw pala Gelo! Nakakagulat ka naman! Bigla ka nalang sumusulpot!" sambit nya. Tumawa naman ako.


"Hahaha! Kamusta ang buhay natin, kuya Sypher?!" masayang tanong ko habang nakaakbay parin sa kanya.


Napakasimple lang tanong ko pero bakit hindi sya makasagot? At dahil sa matalino ako, irerephrase ko nalang yung tanong ko para mas maganda.


"Haha ito nalang ang sagutin mo kuya, kamusta na kayo ng ate ko? Balita ko hiwalay na kayo ah?!" tanong ko gamit ang masayang tono. Medyo matagal syang nakasagot.


"Ah oo." tipid na sagot nya.


"H-hindi ka galit?" tanong nya na parang natatakot na sya pero nanatili lang akong nakangiti. Pwes, matakot ka talaga.


"Hindi kuya! Hindi ako galit!" nakangiting sagot ko. Dahan-dahan kong inalis yung pagkakaakbay ko sa kanya pagkatapos ay nag-stretching ako.


"Talaga?" nabigla sya sa naging sagot ko.


"Oo! Hindi LANG ako galit!" pero mas mabibigla sya sa gagawin ko.


"KUNDI GALIT NA GALIT!" pagkatapos ay isang malakas na suntok ang ginawa ko sa pagmumukha nya. Nawala na yung mga ngiti sa mukha ko dahil napalitan na ito ng seryoso at galit na aura.


"T*ang!na mong h@y*p ka! Wala kang karapatang saktan ang kapatid ko!" kinuha ko yung kwelyo nya at hinila sya papatayo. Napaupo kasi sya sa lupa ng dahil sa ginawa kong pagsuntok sa kanya.


"Alam mo ba kung gaano kasakit yung nararamdaman ni ate ngayon?! Mas masakit pa dito oh!" sinuntok ko ulit sya mukha pero mas malakas 'to kaysa doon sa unang suntok ko kaya muli syang bumagsak sa lupa.


"Hoy Angelo! Sumosobra ka na huh!" sigaw nya tapos ay agad naman syang tumayo at sinugod ako.


Sinuntok din nya ako sa mukha pero hindi naman ako natumba sa lupa. Pero kwinelyuhan naman nya ako.


"Wala kang karapatang suntukin ako dahil wala kang alam sa mga nangyayari! Hindi mo alam ang buong istorya kaya wag ka basta-bastang sumusugod!" lalong uminit ang dugo ko sa sinabi nya. Gago pala sya eh!


"Anong walang alam sa mga nangyayari?! Sinaktan mo ang kapatid ko at sapat na dahilan na yon para basagin ko yang pagmumukha mo!" sa pangatlong pagkakataon ay sinuntok ko ulit yung mukha nya. Mas malakas pa kaysa doon sa una at pangalawa kong suntok.


"TAMA NA!" sigaw ng isang babae at itinulak nya ako palayo kay Sypher. Yeah Sypher nalang, wala na akong ganang tawagin syang kuya. Tsk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Getting My Evil Ex Boyfriend BackWhere stories live. Discover now