"Kawawa naman si Aliah. Depressed siguro talaga sya, Ma." Ate Heather said.

"Oo nga! Sina Gloria, hindi manlang binigyan ng atensyon ang anak. Dyos ko!"

Nawala sila sa harap ko at naglakad ako nang dahan-dahan paakyat sa kwarto ko. Ngayong taon, napakarami nang pinatay ng depresyon.

At ang malungkot pa roon, saka lang nagkakaroon ng pakealam ang mga tao kapag wala ka na. They call suicide a tragedy... pero ang mental illnesses, pag-iinarte lang para sa kanila.

I'm not a fan of religious acts but that moment, I wept... and begged Him to let Aliah rest in peace.

The next morning, I felt lighter. Pinilit kong huwag sumagot nang magsalita si Papa sa hapagkainan namin.

"Hindi mapupunta sa paraiso ng Diyos ang kaluluwa nya. Walang may karapatang kumitil ng sariling buhay dahil utang lang natin 'to..."

Hindi ko na dinala ang sama ng loob sa paaralan. People seriously need to filter their mouths. They're too harsh.

Nasa gate pa lang ako ng school ay nakita ko agad ang mangilan-ngilan kong kaklase kaya nilapitan ko sila.

"Anong meron?" tanong ko kay Daniel.

He looked at me and smiled. "May seminar, walang klase buong araw."

Nagtaka ako. "Tungkol saan?"

"Drugs?"

I cringed. "Mema."

He chuckled. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin sina Vina at Mira. As usual, nangingibabaw na naman ang energy nila ngayong Lunes nang umaga.

Isang section kaming naglakad patungo sa event hall. Naalala ko ang nangyari kahapon kaya nagdesisyon akong sabihin iyon sa kanila.

"Ifinollow ako ni Troy sa twitter."

"Gago?!" OA na sigaw ni Mira.

Ang ingay.

Si Vina ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Nakanganga pa ito.

"Dinelete ko. Baka napindot lang, eh." I shrugged.

Halos mabali ang kamay ko sa paghigit doon ng dalawa. Wala pa kaming upuang nahahanap dahil nasa entrance pa lang naman kami.

"Ano baga?!" gigil na tanong ko.

"Tangina, 'yung followers mo, following lang nya tapos dinelete mo!" saad ni Mira, patuloy na hinihigit ang daliri ko.

"Baka nga kasi napindot lang. Hindi naman ako kilala non," sagot ko bago higitin sa kanila ang masakit ko nang kamay.

Vina narrowed her eyes on me. "Baka ikaw ang crush non, Chin! Pota, magwawala talaga ako!"

Umirap ako. "OA nyo, ha? At isa pa, hindi ko sya type... masyadong mataas ang energy."

Nakahanap ng mauupuan ang mga kaklase ko kaya roon kami pumunta. Ang kaso lang, dalawa na lang ang natirang upuan at bilang mabuting mga kaibigan, halos itulak nila ako para sila ang makaupo roon.

Tuloy, nakatayo lang ako sa likod ng upuan nila. Ni hindi manlang talaga ako pinaupo ng dalawang impakta!

"Chin, upo ka!" sigaw ni Daniel. Nasa bandang unahan sya pero talagang tumayo pa sya nang makita ako sa likod.

I shook my head. "Salamat, Daniel. Mag-aantay na lang ako ng officer para makahingi."

He nodded before sitting. Hindi pa nagsisimula ang seminar pero marami nang tao. Iba-ibang kurso galing at dahil malaki naman ang hall, kayang i-accomodate lahat. Isa pa, bukas ang malalaking aircon kaya malamig sa buong lugar.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon