CHAPTER 4

70 2 1
                                    

Absidi POV

Uwian na :)

pinakafavorite kong subject. :)) bwahahahaha XD

pero eto ako ngayon, naglilinis kasama ang walis at dustpan.

"Hoy best, baka gusto mong bitawan yang rose na yan? di tayo matatapos nito." sabi ng bestfriend na nagvolunteer na tulungan ako sa paglilinis.

baet noh? kaso may kapalit eh. -_____-

"dali na best, para makauwi na tayo at makwento mo na sa kin yang fafa bleu mo" -sabi niya habang todo walis.

-_____________-

Lumapit ako sa blackboard at binura ang mga nakasulat dun.

"infairness bagay kami noh? isang genius at isang..." di na natuloy ang gusto kong sabihin.

"at isang ambisosya! di ba girls?"

napatingin kami sa nagsalita. hm.

tatlong nagmamaganda este magaganda. nakapameywang pa habang nakataas ang kilay.

Lumapit sa akin yung nasa gitna. at hinablot ang buhok ko.

tungunu. yung nanay ko, hindi man lang ako sinaktan nun kahit isang beses! tapos etong babae na to hahablutin lang yung buhok ko ng basta basta?

"Landi mo din noh? di mo ba alam na Boyfriend ko si Bleu?!?ambisosya!" lalo niyang hinatak yung buhok ko.

"Hoy Espasol bitawan mo nga yung buhok ng bestfriend ko! ikaw nga yung ambisosya eh. feelingera pa!" sigaw ni Lizzeth.

Lumapit kay Lizzeth yung dalawang kasama ng humatak sa buhok ko.

"Hoy Bobo! baka gusto mo putulin namin yang dila mo?!" sabi ng isa sabay hablot sa buhok ng bestfriend ko.

"bitawan mo buhok ko! magsisisi ka! kita mo tong walis na to? gusto mo walisan ko mukha mo?" matapang na sabi ng bestfriend ko.

Inagaw ng isa pa nilang kasama yung walis, akmang ihahampas niya sa mukha ng bestfriend ko yung walis.

Sinipa ko yung upuan papunta dun sa babae, sapul siya sa tiyan. buti nga!

"Aray!" sigaw ko ng mariing hablutin ulit ng babae ang buhok ko.

putragis. masakit ah. masakit! >:(

"Lalaban ka?" pang asar na sabi niya.

"Sige Jewel, saktan mo pa yan! lecheng babae yan" sabi nung babae na natamaan ng upuan.

Naiiyak na ako sa sakit. masakit na yung anit ko.

"Kung magrarambulan kayo, wag kayo maingay."

Nagulat kaming lima. sabay kaming napatingin sa pintuan.

Wah!!!!

"D-Derek..." sabi nung Jewel. binitawan na niya ang buhok ko.

bigla na lang ako napaiyak. ang sakit kasi ng anit ko eh..

Pumasok yung guy, pinagmasdan ko siya habang papalapit sa amin.

halatang bagong gising siya. pero ang bango bango niya tignan.

"Wag ka umiyak. ang panget mo." sabi nung Derek.

Aba't! arg! nagtawanan naman yung tatlo.

"Di lang siya panget, Ambisosya pa!" sabi ni Jewel.

Naikuyom ko yung palad, mahirap na at baka masuntok nguso nila.

"Bakit Ikaw Jewel? di ba ambisosya ka din?" sabi ni Derek.

Napahinto sa pagtawa yung tatlo, at kami ni Lizzeth? Nganga!

Namula mukha ni Jewel, nasaktan siguro. hohoho.

"let's Go Girls!" sabi ni Jewel at nagmartsa na palabas, nagsunuran naman yung dalawa.

"Wah! thank you!" sabi ni Lizzeth sabay yakap sa likod ni Derek.

"bitawan mo ako!" matigas na utos ni Derek.

kaagad na kumalas sa pagyakap si Lizzeth.

"Sorry. sorry." sabi ni Lizzeth.

"Tss." yun lang nasabi ni Derek at lumabas na ng room.

"Wah. grabe na to ah. sino kayang Derek yan? yun ba ung nasa star section?!? wah.ang gwapo gwapo niya best! wagi ang body" sabi ni Lizzeth.

Hindi ako umimik. pinagpatuloy na namin ang paglilinis.

Sino ka ba Derek?

>_<

Crush At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon