"T*ng i**! Kathryn, Mahal kita! Mahal na mahal! Kahit ba... huli na ang lahat."

 

End of flashback.

 

"Maybe it's wrong to say please love me too, 'cause I know you'll never do.~" masokista kung masokista, wala syang pake dahil kahit lubusan na syang nasasaktan patuloy nya paring minamahal si Kathryn. At patuloy nya rin itong tinitignan...pinapanuod na masaya sa piling ni Enrique.

"Somebody else is waiting there inside for you~" alam nya naman eh. Alam nya ang limitasyon nya. Pero masama nga bang hilingin nya na sana ay sya ang taong nagpapasaya sa dalaga? Masama bang hilingin nya na sana ay sya na lang ang nasa posisyon ni Enrique? Na sana, sya na lang ang nasa puso ng dalaga.

"Maybe it's wrong to love you more each day, 'cause I know he's here to stay.~" Alam nyang mas mahalaga ang presence ni Enrique sa buhay ni Kathryn sapagkat ito ang mahal. Ito ang nilalaman ng puso ng dalaga. Pero masama bang hilingin nya na sana sya naman ang hanap-hanapin ng puso nito?

"But I know to whom you should belong.~" tinapos na nya ang kanta at nagpaalam na pupunta lamang sa may dalampasigan para magpahangin.

***


"Ano bang kulang sakin?"

 

"Ano bang di ko pa nagagawa?"

 

"Ano bang meron sya na wala ako?"

 

"Ano bang dahilan kung bakit sa pagitan naming dalawa ako ang parating talo?"

 

"Hindi ka naman talo eh. Sadyang nagpapatalo ka lang." nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko... si Bea.

"Ang sakit eh. Ang sakit na makita yung taong mahal mo na may mahal ng iba. Talong-talo na ko Bea kasi kahit ano mang mangyari si Enrique pa din yung mahal ni Kathryn." tumabi sya sakin at nagsimula ding maghagis ng bato sa dagat. Gaya lang ng kanina ko pang ginagawa.

"Minsan kasi... uso talaga ang one-sided love. Kahit masakit, di pa din natin nilalayuan yung taong mahal natin kasi diba in times na malungkot sila at least macocomfort natin sila... kahit bilang kaibigan man lang." malungkot nyang sabi. Halata sa boses at mukha nya na... nasasaktan din sya.

"Sorry." maikli kong sambit. Alam ko naman eh. Alam kong ako ang dahilan. Bea has been a good friend to me pero... si Kathryn talaga ang laman ng puso ko.

"Ayos lang 'no."

 

"Di ko gustong masaktan ako pero ang di ko alam... nakakasakit na din pala ako ng iba." sabi ko sakanya.

"Ganun talaga sa love eh. May nagmamahal, may nasasaktan. And in our case, tayo yung nasasaktan."

"Ang love kasi... parang jeepney 'no? Madami pa syang dinadaanan. Marami pa tayong makakasama bago tayo makarating sa talagang destinasyon natin. Or in other words, marami pa tayong makikilala bago natin makikilala yung taong nakalaan talaga para satin."

"Drama. Hay nako, gan'to ba talaga pag broken hearted maraming nalalaman sa buhay?"

"Eh ganun talaga." sabi ni Daniel kay Bea at nagtawanan na lang sila.

Laughing out loud even though their hearts are breaking into pieces.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

THE END.

HAHA. Wala lang po, kabokteran lang ni Author. :)))

 

KathNiel: One Shot StoriesWhere stories live. Discover now