#6. Pick Up Lines

4K 73 21
                                    

KathNiel: One Shot Stories

#5. Pick Up Lines

 

 

 

"Diba ang puso ng isang tao ay kasing laki lang ng kamao nila?" tanong ni Daniel sa katabing si Kathryn.

"Oo, bakit?" nagtatakang tanong ni Kathryn.

"Kung ganito lang kalaki ang puso ko... Paano ka nagkasya dito?" nangingiting sabi ng binata.

"Kalokohan mo Padilla." sabi ng dalaga kahit na medyo kinikilig sya sapagkat may gusto sya kay Daniel. At saka, sanay nanaman siya sa mga hirit at banat ng binata sapagkat simula ng maging seatmates sila eh di na yan naubusan ng pick-up lines.

Nag-focus na lang ulit sila sa discussion ng teacher hanggang sa kinalabit nanaman ni Daniel si Kathryn.

"Ba't nanaman?"

"Bingi ka ba?" tanong ni Daniel sakanya.

"Hindi, bakit?"

"Sure ka? Eh bakit di mo marinig itong puso ko na kanina pa sinisigaw ang pangalan mo?" sabay kindat ni Daniel. Medyo namumula na tuloy si Kathryn.

"Wew. Boy Pick Up lang?" sarkastikong sabi ni Kathryn. Hay, kahit na nuknukan ng kacornihan itong si Daniel ay napapangiti pa din nya si Kathryn

"Oo ba. basta ikaw ang Neneg Bakit KO." sabi ni Daniel sabay ngiti ng pagkalaki-laki.

KO? Kailangan ipagdiinan ang word na KO? bulong ng isipan ni Kathryn.

"Baliw." yan na lang ang nasambit nya sapagkat baka masabihan lang sya ng assumera.

"Baliw naman talaga ako eh, baliw sayo."

 

 

"Ewan ko sayo." sabi ni Kathryn na di mawala-wala ang ngiti sa mukha.

"Para kang toothpaste." biglang sabi ni Daniel.

KathNiel: One Shot StoriesWhere stories live. Discover now