"Alam mo, marami pa namang babae dyan eh. Kailangan mo lang tumingin sa paligid mo, 'lam mo yun. Sa kaliwa... o kaya naman eh sa kanan." sabi ulit ni Bea. Nauna syang lumingon sa kaliwa ngunit walang tao sa bandang iyon kaya naman lumingon sya sa bandang kanan at doon ay nakita nya nga si Bea.

 

"Si Kathryn ay mahal ko talaga." sabi nya at muling ibinaling ang atensyon sa isang morenang babae na may mahaba at itim na buhok. Namumukod-tangi talaga ang kagandahan nito.

 

Ilang oras pa ang lumipas ng sumapit na ang last dance... ang pinakahihintay niya.

 

Nilibot nya ang lugar upang makita ang minamahal ngunit hindi nya mahagilap ito hanggang sa nagsimula na nga ang last dance. 'Sayang. Tch. May oras pa naman, ah basta! Di matatapos ang araw na 'to ng di ko nasasabi sakanya ang nararamdaman ko.' isip nya.

 

Naupo na lamang siya muli at nag-antay na matapos ang last dance.

 

Habang patuloy siyang nakatitig sa dance floor upang matanaw kung may kasayaw ba si Kathryn ay sa wakas! Natanaw nya nga itong sumasasayaw... kasama si Enrique.

 

Parang may kung anong kumirot sa kanyang dibdib ngunit di nya iyo pinansin sapagkat may tiwala sya sa kaibigan.

 

Tapos na ang kanta, ganun na rin ang sayaw kaya naman heto siya at tinutungo ang daan papunta kay Kathryn.

 

"Kathryn!" tawag nya.

 

"Oh, Daniel." masayang sambit ng dalaga.

 

Lumapit pa sya dito at ngumiti ng pagkatamis-tamis, akmang kukunin na nya mula sa bulsa ng kanyang coat ang biniling kwintas ng dumating si Enrique.

 

"Hi, Babe." maligayang sambit ni Kathryn kay Enrique. 'Babe' that word keeps on rewinding in his head.

 

Magtataka pa sana siya ng lumapat ang mga labi ni Kathryn sa labi ni Enrique. Ramdam nya ang sakit... Nais nyang tumakbo at magtago. Sobra syang nasasaktan sa nakikita ngunit di nya magawang tumakbo para bang napako na sya sa kanyang kinatatayuan.

 

"Daniel.. kami na nga pala ni Enrique." masayang sambit ni Kathryn. Habang itinaas nito ang kanilang magkahawak na kamay ni Enrique.

 

"K-kelan pa?" nagtatakang tanong nya.

 

"Kanina lang nung last dance" masayang sagot ni Enrique at Kathryn.

 

"C-congrats sa inyo. Ge, una na ko." sambit nya sa dalawa at lumabas na ng venue.

 

Nagmaneho na sya papunta sa kung saan at doon ay isinigaw ang kanyang nararamdaman:

 

KathNiel: One Shot StoriesWhere stories live. Discover now