09

112 4 0
                                    

Ano bang problema niya? Parang pasan pasan niya ang problema ng mundo ah, atsaka ano naman, if i have boy friends. I don't do the friends with benefits naman.

Hindi ko nalang siya pinansin, sumandal lang ako sa couch at hawak hawak ang bote, minsan napapatingin si Azi sakin pero nagiiwas tingin siya kaagad.


"Congratulations, Attorney Suvillan! Kampay!" sigaw naman ni Attorney Renjay na tinaas pa ang bote.


"Kampay!" sabay sabay naming saad at nagtaas rin ng bote, pero si Greyson tumingin lang ng seryuso kay Renejay at umiwas ng tingin, di siya nakipag cheers saamin, pati si Azi.



Parang walang pake sa mundo ang peg ng mga itey siz, "Oh lasing na agad kayo? Here 2 more tequilla!" sigaw ng matanda, tantya ko nasa 55 na siya?


"Chief Admin! Bakit nagdala ka pa? Lasing na nga tong mga to oh." sabay turo ni Mark kay Renjay,Yerin,Seya,Chloe at Cherry. "Okay lang yan, meron naman si Azi at Greyson kasama si Miss Mavi diba?"


He glanced at me, nagtaka naman ako at nagulat, how did he know me if it is the first time that I met him? "Mister, kilala mo ako?" sabay turo ko sa sarili, He chuckled.

He didn't answer, lumapit lang siya kay Azi at Greyson na tinapik ang mga hita nila bago naupo sa gitna. "Sorry, late. Congrats Attorney." He glanced at Greyson.


"Fuck," Greyson whispered. Ah so kilala na nila matagal na si Chief Admin, the way they talked. "Oh Azi, musta ang trabaho halatang pagod ah!" He tapped Azi's shoulder.



"Yeah, Chief. She's making my head hurts." sabay tingin sakin ni Azi, kapal neto ah! Eh siya nga nangaasar sakin dyan eh, diba guys? Nasaksihan niyo yon.


Tumingin naman si Chief Admin sakin at tumawa ng bahagya, pahamak ka talaga Azi! Hintayin mo lang na malasing ako! Pano ba naman kase parang di pa nabawasan Strawberry Rum Cooler ko hehe,  patikim tikim muna.

Patikim ka nga den sakin, char. Sa sobrang inis ko tinungga ko yon kahit medyo mapait, "Here," nagabot naman si Chief Admin ng lemon, para san naman to?


"What do I have to do with this chief?" sabay taas ko nung binigay niya, tumawa naman siya na parang I did say something funny, Nakakatawa ba ako kahit normal? So weird.



"Ah as I see, hindi ka palainom na tao, right?" He asked, sabay tagay ng tequilla. Naubos na kasi namin, wow char nila lang pala yung tequilla at black money kanina, Ito nalang natira iniinom namin.


Yung bagong dinala ni Chief na tequilla at tong iniinom ko mweheheh. "Opo, how did you know po, Chief?" I whispered.



"I can see, by how you drink it. Halatang di ka sanay, but it's okay. Basta pag uminom ka, just put the lemon inside your mouth, okay?" Nag thumbs up nan siya kaya tumango naman ako.


"She didn't need lemon, hindi naman siya basta basta malalasing sa, 'Strawberry Rum Cooler' lang, tsk. LAT nga siya." Sabay tungga niya uli sa sa baso niya.



Aba! Ang yabang niya ha, palainom kasi siyang tao kaya sanay siya, dzuhhhhh. Hindi pala malalasing ah, may diin pa talaga sa Strawberry Rum Cooler. Ano bang gusto niyang palabasin ha?



Chief Chuckled. Si Greyson nagsalin din. "This is my last shot, I have to drive yuna. Since she passed out." sabay kuha niya, nakalahati nga agad nila ang tequilla, si Mark busy sa phone niya kaya di siya nakikisosyo samin.



Kinuha ko ang baso ni yuna, sinalinan ko yon ng tequilla, pinuno ko yon. Naramdaman ko namang napatingin sakin si Azi, Chief, Greyson at Mark. Pero wala akong pake!




Innocence of the Moonlight (LAW SERIES 2)Where stories live. Discover now