C H A P T E R 1

12 2 0
                                        


Chapter 1 jeyemarikit

It's been a week nang dumating kami dito sa amorilia. Since kakasimula pa lamang ng summer, ang tanging nagawa ko lamang ay tumunganga sa bahay. Maglinis at magarrange ng mga gamit namin.

Hindi pa kasi ako makakagala dahil busy si daddy at hindi pa naman ako familiar sa lugar. Bibisita lang ako sa kabilang bahay para kina lolo at lola. Napabuntong hininga akong nakahilata sa aking kama na kakatapos lang maayos. Hapon na at hindi pa umuuwi si daddy argh sobrang bored na ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na oras na para sa call namin ni Angelore.

'Hey J, open mo laptop mo skype tayo.' Sabi niya saka pinutol ang linya.

Binilisan ko namang kunin ang laptop at binuksan. Maya maya ay tumawag na siya.

'Hi A.'

'Oh bakit ang lamya mo? Are you sick?' Tanong niya at kitang kota ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

'No. I'm just bored. Hindi pa kasi ako maitotour ni daddy dahil busy siya. Gusto ko sanang ako lang kaso ayaw naman ni daddykins.'

'Kawawa ka naman, hahaha. It's summer tapos bulok kana sa bahay na yan'

'Ang sama mo talaga, how's your vacation?'

'Ito masaya naman. Kaso mas masaya kung andito ka bruha. Wala akong malait lait e. Kakasawa mukha ng mga kapatid ko.'

Tumawa ako sa sinabi niya. Grabe talaga tong babae na ito. Nagkwentohan pa kami hanggang sa oras na para magdinner. Hindi ko man lang namalayan na gabi na pala.

Tinamad akong magluto at nagtext naman pala si daddy na hindi siya makakauwi kaya pumunta na lang ako kina lolo at lola para kumain. May helper kasi sila samantalang sa amin ay wala at kaming dalawa lang talaga ni daddy.

'Grandpa, makikikain ako ah, tinamad ako magluto e.' Panlalambing ko.

'Oo naman apo. Welcome ka naman dito. Ano ba naman iyang daddy mo at iniiwan ka na walang kasama'

'Hayaan mo na ang anak mo, busy naman iyon. Hali na kayo at kakain na' pang-anyaya ni lola.

Sabi ni lola ay dito na lamang ako sa kanila matulog dahil wala naman si daddy. Pumayag na din ako dahil nakakatakot kayang mag-isa.

After naming magdinner ay pukunta na ako sa nakahandang kwarto para sa akin. Umupo ako sa kama at hawak ang cellphone na binisita ang social media accounts ko.

May nakita akong parang group of strangers na chat daw, it's called NearGroup. Wala naman akong ibang kausap kundi bestfriend ko lang tsaka nagleave na din ako sa mga gc's sa dati kong school. Wala naman akong mga friends talaga doon puro pakitang tao kaya, ekis.

Pinindot ko yong nakalagay na 'Get Started' tapos may nifill upan ako. After that nagstart na may nakakausap na akong hindi ko kilala. Some of them are jerks. I tried one last time at tataposin ko na.

Nagenjoy ako sa huling nakausap ko na ang pangalan ay Gypsy. He is kind of serious and napakamanly kausap. After an hour nireveal yong photo niya, and gosh hindi lang siya pangkachat lang. Bigatin omg! Ang gwapo. Matangos ilong, medyo chubby which is my type tapos napakaganda ng ngiti.

Napuyat ako kakachat sa kanya. Marami din kaming napagkwentohan. Magfifirst year college na pala siya sa pasokan at magdodoctor pa. Oh diba! Perfect.

Araw araw kaming magkachat ni Gypsy at feeling ko nagkakacrush na ako sa kanya. Hindi nga lang kami nagbibigay ng personal contacts. Ineenjoy namin ang isa't isa kahit na asa NG lang kami nag uusap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My path into youWhere stories live. Discover now