Chapter 2

21.7K 777 363
                                    

FERISH

MAGANDA SANA, malaki lang ang galit sa mundo.

Napasimangot ako habang naglalakad sa first subject namin dahil naalala ko na naman 'yung magandang babae. Maganda siya, sobra. Sadyang malaki lang yata ang galit sa mundo. Or sa akin siguro.

Hindi ko naman talaga sadyang mahalikan siya. Malay ko ba namang first kiss niya 'yon. Saka ako 'yung nabunggo, ano namang magagawa ko ro'n? Hindi ko naman inexpect na madadapa ako, sa ibabaw niya nga lang.

Naligaw lang naman talaga ako ng building dahil sobrang lawak pala nitong university at hindi ko inexpect. May nakasalubong pa akong monster na blonde. Ang ganda niya talaga, kaso para siyang nagiging Titan sa tangkad niya, 'yung kalahi ni Eren.

Tinawag pa akong bata, eh siya 'tong ang laki-laki. Junior high daw? Medyo nakaka-offend. College na kaya ako. Tapos, galit nga siya sa akin na parang napakalaki ng kasalanan ko sa kan'ya. Ang sakit pa sa braso nung pagkakahawak niya sa akin. Piniga ba naman.

I can still remember how her deep green eyes bore into mine, and it's much more gorgeous than an emerald stone. It illuminates through the sun's light. She is the absolute epitome of undeniable perfection, a powerful Deity in flesh who descended from the heavens, and a violent disaster clad in a calm facade of warm nature. She's utterly captivating and attractive. She's... the desire and temptation that no one will be able to resist.

It is as though she is an aesthetic art that brought a solace into the void of cold darkness, carefully molded by the Gods themselves.

Pero sabi ko nga, malaki ang galit sa mundo. May lahing angry bird.

Knock! Knock!

Kumatok ako nang makarating sa classroom namin. Agad naman akong pinagbuksan ng professor na tinaasan ako ng kilay nang makitang late ako. Unang araw, late na agad ako. Wow.

"Good morning. Dito po ako sa class ninyo. Sorry, I'm late. Naligaw lang po." Pormal na bati ko kaya niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto para papasukin ako.

"I will not tolerate late comers next time, okay?" Anunsyo niya sa buong klase kaya napangiwi ako. First day of school pero ang pangit na agad ng image ko rito.

The whole class stared at me as though I am something... eccentric, I guess. Imposibleng weird kasi hindi naman.

"Now, say something about yourself. Anything." Introduce na naman, pagod na ako sa gan'yan simula nung nag-aral ako. Paulit-ulit.

What can I say about myself? Ni hindi ko nga rin maintindihan sarili ko minsan.

"Good morning." Bati ko ulit at inayos ang salamin na suot ko dahil bumababa. "I'm Ferish Asiah. It is pronounced as A-sa-ya. Eighteen years of age." Magalang na sambit ko kaya napatingin sa akin 'yung teacher na parang sinasabing dugtungan ko.

"Uh... I'm no good with interacting with people so don't be surprised if you ever find me strange, though I'm not one." I creased my forehead, trying to think of something more to say about myself.

Mas naguluhan ang mga estudyante dahil sa sinambit ko. It's actually a contradiction to each other. But, it's honestly thrilling to confuse people, though sometimes I don't mean to do so. Nasanay lang.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now