Naghugas na ako ng kamay at tahimik na umalis ng kusina. Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang paghabol ng tingin niya sa akin.


Umakyat sa second floor, sa kwarto ko para kunin ang laptop ko. Nang bumaba ulit ako ay wala na sa kusina si Arkanghel. Siguro nasa bodega na, nasa kwarto niya na. Siguro nalulungkot iyon dahil ang cold ko sa kanya.


Pinuntahan ko siya sa bodega at naabutan ko siyang nakahiga sa papag niya habang nakatulala sa kisame.


"Ito na iyong laptop..."


Hindi man lang niya ako nilingon.


"Arkanghel, ito na iyong laptop..." tawag ko.


"'Lagay mo na lang diyan," mahina at tamad niyang sabi.


Pumasok ako sa loob at inilapag sa ibabaw ng maliit niyang mesa ang laptop.


Nang tingnan ko siya ay ipinikit niya ang mga mata niya. Umiiwas. Nagtatampo.


Hindi ko siya matiis na ganito. "Arkanghel..."


"Hmn?" ungol niya pero hindi dumilat.


Naupo ako sa gilid ng higaan niya. "Sorry..."


Doon siya dumilat at tumingin sa akin. "Bat ka nagsosorry?"


"Sorry kasi ang selfish ko..." bahagyang nabasag ang boses ko. "Nalulungkot kasi ako na aalis ka na e. Na malalayo ka..."


Bumangon siya at naupo. "Sussie..."


I shook my head. Tumulo na ang luha ko. "I'm sorry. Pero wag mo akong alalahanin kasi lilipas din itong nararamdaman ko. Masasanay rin ako. Basta mag-iingat ka lang roon sa Manila, wag kang magpapalipas ng gutom, wag kang magpupuyat masyado, at wag kang malandi sa girls para naman mapanatag ang loob ko-" Naputol ang sinasabi ko nang dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko.


Akala ko, tapos na pero muli siyang lumapit. Hindi ako umiwas. Hinintay ko siya. Pero wala. Nanatili lang siya isang inch ang layo sa akin. Ang dulo ng aming ilong ay magkadikit na. At ang mabango at mainit niyang hininga ay tumatama sa aking mukha.


"Alam mo ba kung gaano kita kamahal?" namumungay ang kulay abo niyang mga mata habang nakatitig sa akin.


I opened my mouth but no sound came out from it.


Hinawakan niya ang pisngi ko. "Saka Sussie, alam mo rin bang gusto pa kitang halikan?"


Ang paningin ko ay bumaba sa mapulang mga labi ni Arkanghel. Iniisip ko pa lang na muli iyong didikit sa mga labi ko ay kinakapos na ako ng paghinga.


"Sussie, hahalikan ulit kita ang kaso hindi ko alam kung kailan matatapos," paos na paos na ang boses niya.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Where stories live. Discover now