Kabanata 68: Unexpected Guest

Start from the beginning
                                    

"Hello, Ma? Yung anak niyo Ma, nagrerebelde na." sabi ko kay Mama. Sinamaan naman ako ng tingin ni Matthew kaya ngumiti ako

"Charot lang yun Ma. Kasama ko si Matthew ngayon, namiss daw kasi ako." sabi ko habang nakangisi. Hindi naman nagreact si kapatir.

"Nandiyan ba kapatid mo? Pakausap nga." sabi ni Mama.

Iniabot ko naman kay Matthew yung phone ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin

"Kakausapin ka raw ni mudra. Lagot kang totoy ka." pananakot ko sa kanya. Inirapan niya lang ako bago kinuha yung phone ko sa kamay ko. Napangiwi naman ako sa ugali ng kapatid ko. Napaka-attitude talaga kahit kailan. Pinanood ko naman siya habang kinakausap si Mama. Nawala na yung kunot noo niya at naging mas magalang yung pananalita niya. Mukha na talaga siyang bunso kapag si Mama ang kausap. Napapailing nalang ako. 

"Yeah.... just one week... don't worry...ok." sabi niya bago ibinigay sa aking ang phone ko at hindi katulad kanina, may ngiting panalo na siya. I scoff at him.

"Hello, Ma." sabi ko

"Ikaw na bahala dyan sa kapatid mo though mukhang baliktad naman ang mangyayari." sabi niya baka natawa. Luh? Anong nakakatawa dun?

Nag-end call na kami matapos naming magkwentuhan ng konti. Tinignan ko si Matthew na nakangiting tagumpay pa rin. Napabuntong hininga ako.

"Sinong maiiwan kina Mama?" mahinahon kong tanong. Umayos siya ng upo. Itinuon niya ang mga kamay niya sa space ng sofa na nasa pagitan ng hita niya. 

"Therese is there." walang pakeng sabi niya. Napataas naman ang kilay ko bago muling bumuntong hininga.

"Ate. Call her ate. She's your sister too." sabi ko. Ngumiti siya sa akin bago biglang pinawi.

"No. Ikaw lang ang kapatid ko." sabi niya. Napapikit ako. Hay naku naku talaga Matthew ka. Napailing nalang ako sa katigasan ng ulo ng kapatid ko. Kanino ba nagmana ito?

Humiga siya para matulog ulit. Ikinover niya ang siko niya sa mga mata niya.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Lakinggulat ko nang mabilis pa sa kisapmata siyang bumangon ulit at nagning ning pa ang mga mata

"Hindi pa. Gutom na ako, ate." sabi niya at nakuha pang magpacute. Chura nito. Bilis nawala ng antok at inis ah porke usapang pagkain. Tsk tsk tsk

Tumayo na ako at lumapit sa kanya bago ginulo ang pinakamamahal niyang buhok saka nagdali-daling tumakbo papuntang kusina

"TABAAAA!!!!!" rinig kong sigaw niya na siyang siyang ikinatawa ko. Mabilis na akong nagluto ng pang-ulam naming dalawa at baka hindi makapagpigil ang isang iyun at mabawian pa ako.

Pinagmamasdan ko namang kumain ang kapatid ko. Pinag-aaralan ko ang kinikilos nito.

"What are you looking at?" Kunot-noong tanong niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Bakit ka oumunta dito, Matthew?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga siya

"Gaya nung palusot mo kay Mama, sabihin nalang nating namiss nga kita." Sabi niya sabay subo ng pagkain.

Talaga itong batang ito, gagamitin pa akong excuse niya

"How's Via?" Tanong ko

Napatigil siya sa pagnguya at hindi rin nakatakas sa akin na bigla siyang natigilan

"She's... ok." Sabi niya pero hindi siya tumitingin sa akin. Dali dali niyang ininom ang tubig niya

"I'm done. Thanks for the food." Sabi niya sabay tayo. Pinagmasdan ko naman siya hanggang sa pumunta siya sa salas.

Way Back 1895Where stories live. Discover now