Kabanata 52: Project

341 19 0
                                    


Ilang araw na ba ang nakakaraan mula ng nakatulog ako ng maayos?

Ilang beses na ba akong lumuha sa maghapon?

Hanggang kailan ako gigising na umiiyak sa umaga at umiiyak bago matulog?

Before, I thought that the people who were left behind were  exaggerated when they felt they will die when left and rejected.

Sabi ko pa noon,'Nabuhay sila ng wala ang taong iyun noon, kaya  kaya pa rin nilang mabuhay ng wala ang taong yun ngayon.'

Nasabi ko iyun noon dahil wala ako sa posisyon nila, kasi hindi ko alam ang pakiramdam ng maiwan at tanggihan ng taong mahal mo, pero ngayon alam ko na at ang sakit pala.

I never thought that I will love Lorenzo De La Paz this much, to the point where my life became pointless without him by my side. Pakiramdam ko ang laki laki ng kulang sa akin. Para akong nasa isang malaking kumunoy, kahit anong sigaw at hingi ko ng tulong ay walang nakakarinig sa akin, na kahit pilit akong kumakapit ay  palubog pa rin ako ng palubog sa kumunoy ng lungkot at pighati.

Renzo is my first love. He's my first kiss, first person to hold my hand as a couple, my first dream, first heartache and finally, my first heartbreak.

Gusto ko sanang umabsent pero wag nalang, sayang din ang grades na makukuha ko sa presentation namin kapag inuna ko ang nararamdaman kong pait para kay Renzo.

Di ba nagdecide na ako na magkakaroon na ng bagong Ellerie? Kaya heto na, ito na ang tamang araw para simulan ko iyun. This presentation will mark the end and beginning for me. Tama na ang pagiging marupok, Ella.

Kapag ex na ibig sabihin ex na at ang mga katulad nilang mga walang kwenta ay dapat ibinabaon sa inner core ng Earth. 

I hope you-know-who will trip then die. Mamatay na ang mga mang iiwan sa mundo. Ang mga ex ang kanser sa lipunan, sila ang kalaban ng mga taong iniwan.

Naghanda na akong pumasok. Hindi na ako masyadong nag ayos ng sarili ko dahil sayang sa effort at oras, magugulo rin naman, mag aaksaya lang ako ng panahon.

Agad akong pumara ng jeep at sumakay. Sakto dahil ako lang ang pasahero, umupo ako sa kaliwang bahagi ng jeep. Maya maya ay tumigil ang jeep sa tapat ng sakayan. May isang babae at lalaki ang pumasok. Umupo sila sa kabilang side ko. Malapit sila sa unahan. Nangunot ang noo ko nang may inilabas na pamaypay ang lalaki at pinaypayan si ate gurl na feel na feel naman ang ginagawa ni kuya boy. Napapailing nalang ako, kaybabata pa ang lalandi na kaagad.

Yan ang problema sa mga kabataan ngayon, ang aga agang maghanap ng jowa. Mas inuuna pa ang landi bago pa ang pag-aaral kaya ano, nganga kapag nabuntis. Masyado pa namang judgemental ang lipunan pagdating sa ganyan. Kapag lalaki ang lumandi at nakabuntis, batang ama pero kapag babae ang lumandi at nabuntis, disgrasiyada. Tsk tsk tsk. 

Napapairap na lamang ako sa mga pinagagagawa nila. Magbebreak din kayo makikita niyo. Nakakainis, binabanas ako sa inyo. Hmph!

Maya maya ay nagsakayan na ang iba pang mga pasahero kaya umandar muli ang jeep. Nang mapatingin ako sa paligid ko ay doon ko lang napagtanto na puro couples pala ang kasuno ko. May mag asawang may kasamang anak, may magjowang may kasama pa yatang third wheel, then magjowa na naman. Hay nako mundo, napapailing nalang ako.

Buti na lang ay nasa tapat na kami ng UST kay makakababa na ako. Pagkarating ko sa room ay napatigil ako sa  may pintuan dahil nakita ko na naman siya pero wala na siya sa tabi ko. Mukhang lumipat siya sa likod kung saan may mga bakante pang upuan para umupo. Napailing nalang ako bago ako nagtungo sa upuan ko. 

Way Back 1895Where stories live. Discover now