Prologue

15.1K 418 104
                                    

Having a guy as your best friend was the greatest, but not until you fall in love with him.

Seriously, I didn't have any idea when these feelings started.

Maski ako ay naguguluhan din at napapaisip.

Kailan ko nga ba na-realize na mahal ko siya?

Noong mga panahon ba nakangiti na akong bumangon at excited na siyang makita araw-araw? O baka naman noong panahon na nagiging conscious na 'ko sa itsura ko kapag kasama siya? O hindi kaya naman noong panahong nakangisi na ako na parang tanga habang nagsasandok ng kanin? O siguro noong nakakaramdam na ako ng selos kapag may natitipuhan at pinopormahan siyang iba?

Ewan ko. Siguro nga noon pa lamang ay gusto ko na siya kaso hindi ko lamang maamin sa sarili.

"Hoy! Nakatulala ka na naman! Anong iniisip mo?"

Speaking of the devil, napasimangot ako nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko at pitikin ang noo ko. He sat beside me.

"Ikaw. . ." wala sa sarili kong sagot.

He blinked twice as his brown hooded eyes were full of astonishment. I almost cursed loudly and questioned myself about why he looked so deadly handsome with his brows furrowed.

Grabeng favoritism naman yata 'to, Lord!

Umawang ang aking labi nang makabalik sa katinuan. Dama ko ang pag-akyat ng aking dugo mula sa talampakan paakyat sa aking mukha. Binasa ko ang pang-ibabang labi habang iniisip kung paano malulusutan ang sinagot ng madaldal kong bibig.

"A-Ang ibig kong sabihin ay ikaw. . . ikaw bakit wala kang isip?"

Nakagat ko ang aking labi kasabay ng pag-iwas ng tingin. Ano ba naman iyan, Shaeynna? Ang ganda mo, ang talino mo pero 'yang bunganga mo hindi mo mapigilan?

Mas lalo lamang nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin ngunit kalaunan ay nagkibit balikat na lamang at inakbayan ako.

"Alam mo feeling ko gutom ka lang, Ga! Gusto mo kumain tayo? May bagong bukas na kainan sa bayan! Try natin kung masarap!"

A wide smile immediately formed on my lips. "Sige ba! Basta ba libre mo 'ko, Go!"

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot pa at agad nang tumayo. Pinagpagan ko ang suot kong denim short. Samantalang siya naman ay ngumisi at inilahad ang isang kamay sa akin upang magpatulong tumayo mula sa damuhan. Ngumiwi ako ngunit agad ding inabot ang kamay niya at buong pwersang itinayo ang lalaki. Pinagpagan din niya ang suot niyang sweat shorts bago humarap sa akin na nakangisi.

"Ako na nga ang nag-inform sa 'yo na may bagong bukas na kainan tapos ako pa ang manlilibre? Siyempre ikaw!" Halakhak niya.

"Aba't―"

"At saka, sino bang graduating dito ng Senior High School at Valedictorian pa? Siyempre ikaw ulit 'yon Ms. Prim and Proper!"

Sinamaan ko siya ng tingin at pabirong sinuntok ang tiyan.

Tumawa lamang siya dahilan para sumilip ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. Nakadagdag din sa kagwapuhan nito ang medyo makapal nitong kilay na sa tuwing nagsasalubong ay nagmumukha siyang masungit, isama mo rin iyong taling sa ilalim ng kaliwa niyang kilay, ang mahaba niyang pilikmata, matangos na ilong, at ang manipis at mapulang labi.

Maganda rin ang tindig at pangangatawan nito. Matangkad, maugat ang mga kamay, mahaba ang mga daliri, ang katawan niya'y hindi payat, hindi rin naman mataba. Sakto lang. Kaya nga hindi ko rin masisisi iyong mga kababaihan na nagkakagusto at nahuhulog talaga sa kaniya. . . at hindi nga ako nakaligtas doon.

"Ano ba naman 'yang short mo, bakit ang iksi?" reklamo niya at bahagpa pang kumamot sa ulo dahil sa pagkainis.

I rolled my eyes at his remark. "Short nga, eh! Magtaka ka kung short pero mahaba."

Ngumuso siya na parang bata at kumibot-kibot pa ang labi. Nagmartsa siya palabas ng sementeryo.

Oo, sementeryo.

Dito kasi namin trip lagi tumambay. Ang tahimik kasi tapos ang lamig pa at tanaw na tanaw namin ang mga makikinang na bituin sa langit tuwing gabi. Nakakatawa man para sa iba pero espesyal kasi ang lugar na ito para sa amin. Dito kami unang nagkita at nagkakilala.

"Pupunta ka sa graduation ko?" tanong ko sa kaniya habang naghihintay sa order naming pagkain.

Abala siya sa kaniyang cellphone kaya mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko. Para itong tanga na nakangiti at animo'y kinikilig habang may tinitipa roon. Napasimangot ako at pinitik ang daliri ko sa harap niya para kunin ang atensyon.

"H-Huh?" He looked at me, confusion evident in his eyes. "May sinasabi ka ba?"

And for the nth time, I rolled my eyes again and groaned in annoyance. "Ang sabi ko kako, kung pupunta ka sa graduation ko?"

"Ah! Iyon ba?" Tumango-tango siya bago nagkibit-balikat. "Baka sa bahay niyo na lang ako dumiretso," sagot niya at muling ibinalik ang mga mata sa pinagkakaabalahan.

Patawa-tawa pa siya at napapailing kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan na ang pagsasalita pa.

It will be a special day for me. Of course, I want him to be there, but who am I to demand?

At least ang mahalaga naman ay pupunta siya sa bahay, hindi ba? Okay na 'yon sa 'kin.

Hindi pa man dumadating ang order namin ay may lumapit na sa amin na isang magandang babae. Sa pagkakatandan ko, she was one of his schoolmate when he was in SHS. Nakalimutan ko lamang ang pangalan pero sikat 'yan, eh. Palagi siyang laman ng sagala at beauty contests dito sa amin.

Pasimpleng umarko ang kilay ko at sinundan ng tingin si Kean nang tumayo siya para salubungin iyong babae.

"Am I late?" the woman chuckled.

"Hindi naman, sakto lang." Umiling ang magaling na lalaki at inalalayan pa niyang maupo iyon sa kaniyang tabi.

Umiwas ako ng tingin kasabay ng matinding pagkalukot ng aking mukha. So ayun pala! Inaya niya 'kong kumain dito para maging third wheel lang? Hanep din talaga ang isang 'to, eh!

"Ay, oo nga pala! Itong babae na nasa harapan mo ay si Shaeynna, bestfriend ko," ngiting-ngiti na aniya.

Nang magtama ang mga mata namin ng babae ay tumango ako sa kaniya at pilit na ngumiti. She then offered her hand, which I accepted out of respect.

"I'm Rikka, Kean's girlfriend." Her eyes twinkled when she uttered the last word. Mukhang proud na proud pa talaga siya ro'n habang ako nama'y pinipigilan ang sariling matawa.

Girlfriend. . .

I couldn't help but laugh sarcastically.

Sige, sabihin na nating girlfriend ka ngayon pero ewan lamang bukas. Kilala ko 'yang si Kean. Hindi na bago sa akin ang ganiyang eksena. Marami na akong nakilalang babae niyang ngunit ni isa naman ay walang tumagal.

Ay! Mayroon pala. . . Ako.

Iyon nga lang ay hindi niya 'ko girlfriend.

Hindi rin naman kasi niya ako gusto.

Parting Our Equities (Accounting Series #3)Where stories live. Discover now