Nagulat na lamang ako nang may biglang tumunog ng malakas,hudyat na may pumindot ng emergency button.Agad akong tumakbo papunta sa meeting place at tagaktak na ang pawis.Naroon na ang mga kasamahan ko at nakapalibot sa emergency button.Kasabay ko lang ring nakarating ang iba at halatang pagod na pagod sa pagkakatakbo.Agad na nagsarado ang pinto hudyat na wala nang papasok pang iba.
Anim na lang kaming nakarating rito ng buhay.
"Nasaan si Mherly?"mahinang tanong ni Menchie na nasa tabi ko.Narinig ko na lamang ang pag-iyak nito dahil hindi na nakabalik ang binabanggit nito.
"Guys..."hinihingal pang sambit ni Deo at mukhang siya ang nagpatawag ng meeting.
"Sino?!"
"Pwede ba tama na?Kung sino man ang impostor rito ay tumigil ka na!"ani Xiamara at natataranta.
"Kanina pa nagtatago sa Medbay ang taong ito.Hindi ko mawari kung sino pero kulay asul ang suot niyang damit!"sagot ni Deo sa aming lahat.
Agad kaming napalingon kay Kent na masama ang tingin sa amin.
"Bakit ako?Sa tingin mo ba Deo,ako na agad ang impostor kapag nagtatago?!Hindi ba pwedeng nagtatago ako dahil ayokong mamatay?!"giit ni Kent at kinuwelyuhan si Deo.
"Bakit Kent tapos mo na ba Task mo?!"tanong naman ni Jessa.
"Kahit isa wala akong ginawa roon.Para saan pa kung gagawin ang task tapos papatayin ka lang rin naman ng impostor?"sagot ni Kent.
"Tapusin nyo ang Task nyo dahil wala na tayong oras!"ani Xia.
"Bakit ang tahimik mo diyan,Jade?"usisa naman ni Kent.
"Ano bang dapat kong sabihin?"tanong ko dahil wala pa naman akong nakukuhang clue kung sino ang Impostor sa amin.
"Ikaw siguro ang impostor dito?"sabat ni Xia.
"Gumagawa ako ng task sa hallway malapit sa security!"may diin kong sagot sa kaniya.
"Akala ko ba si Kent itong traydor?"naguguluhan na tanong ni Jessa.
"Sigurado akong si Kent ang Impostor.Kung hindi si Kent edi ako iboto nyo!"sagot ni Deo.
"Wala kang ebidensya kaya huwag kang magbintang!"maangas na sagot ni Kent.
Si Kent nga ba?
"Voting time starts in 20 seconds"anunsyo mula sa speaker dito sa loob ng Meeting place.
"AYOKO NA!"sigaw ni Menchie habang umiiyak.
Bakit kailangang mangyari ito?Bakit may ganitong nangyayari sa paaralang ito?
"15..14"
"I vote Blue"pag-umpisa ni Jessa.
Malungkot kong tiningnan si Kent na kaklase ko.Bakit kailangang may mamatay na naman?At bakit hinahayaan nilang magkaganito kami?
Tulungan nyo kami.
"I vote Blue"sumunod si Deo.
"F*ck you,Dude!"tanging nasabi ni Kent at napapailing-iling.Ramdam ko ang pagkatakot niyang mamatay dahil siya ang biniboto ng lahat.
"I vote Red"ani Xia at matapang na nakatitig sa akin.
Di ko siya masisisi.Magkaaway kami niyan noon pa lang.
"I-i vote Blue"ani Menchie at umiiyak pa rin.
"Sorry Kent pero kung ikaw talaga ang impostor,hindi talaga kita mapapatawad."dagdag nito.
"Tsk"
"I vote Green"ani Kent at maangas na tinignan si Deo.
"Pagsisisihan mo 'to Deo."banta ni Kent.
"4..3"
Ako na lamang ang inaantay na bumoto.Para saan pa at boboto ako?Ano ba talagang nangyayari rito?!
"I vote Red"boto ko sa sarili ko.
"The accused impostor is Blue,Kent Rantivo"
Ilang segundo ang lumipas at biglang nagkulay pula ang buong paligid.May pumasok na dalawang robot na sobrang laki at hinawakan si Kent sa magkabilang braso nito.Nagpupumiglas si Kent at halata sa mukha niya ang pagkatakot.Kami nama'y napaatras at napapasigaw sa mga nangyayari.
"KENT!"
"NO!"
Agad na isinilid sa isang incubator si Kent.Pilit na binabasag ni Kent ang Incubator pero di niya magawa.
"Tulungan nyo ako!"pagmamakaawa nito.
Isang malaking apoy ang bumalot sa buong katawan ni Kent.Sinusunog siya ng buhay at ang tangi lamang naririnig namin ngayon ay ang sigaw niya at ramdam namin ang sinasapit niya ngayon.Agad na naging abo ang nasa loob ng incubator at napabagsak na lang ako rito sa sahig.
Anong klaseng laro ito?
STAI LEGGENDO
Among Us
HorrorKontrolado.Buhay.Sakripisyo Jade Hernandez,college student ng Polus University.Isa rin sa mga estudyante na sumbak sa isang nakakapangilabot na laro kung saan,buhay mo ang nakataya rito.Iikot ang larong ito sa taksilan at pagtitiwala. Makakaligtas k...
