1

20 3 2
                                    

"Rosie gumising kana! Late ka sa klase mo!" sigaw ni Nanay.

"Opo ito na babangon na po" sabi ko.

Habang nililigpit ko ang hinigaan ko naalala ko ang panaginip ko kanina.
"Luh bakit ganun? Iisa lang ang panaginip ko ngayon buwan.. Hulyo lang naman ngayon eh.. Tagal pa ng Nobyembre eh" bulong ko sa sarili ko.

Patapos na akong kumain ng sumigaw si Kuya Jhon "Hoy Rosie! Kinuha mo ba papel ko? Wala akong magagamit mamaya" "Wala akong kinukuha sayo kuya ah" saad ko habang nililigpit ko ang pinagkainan ko.."Nay ligo lang ako" sabi ko "Sige nak" saad ni nanay.

Habang naliligo ako napansin kong may sugat ako bandang siko "Hala napano ito" Muli kong naalala ang panaginip ko.

"Rosie huwag mo kaming iwan, natatakot kami baka nandito lang sya sa tabi-tabi" saad ni Maria na takot na takot "Sandali lang ako, hahanapin ko lang si kuya..Baka napaano na sya" bulong ko kay maria.. Lumabas ako ng cr ng mga babae kung saan kami nagtatago para hanapin ang aking kapatid ngunit hindi pa man ako nakakalabas ay narinig ko na ang iyak ng isang bata na nasa tapat ng cr ng mga lalaki. Unti unti kong binubuksan ang pinto at laking gulat ko ng makita kong napakaraming wala ng buhay at isa na rito ang aking kapatid "K-kuya.." umiiyak kong bulong sa sarili.. Dahan-dahan akong bumalik sa pinagtataguan namin "Aray" bulong ko ng masiko ko ang matulis na bagay..

"Ay nako kung ano ano nanaman pumapasok sa utak ko, malalate talaga ako nito" saad ko habang naliligo..Ng matapos akong maligo at magbihis..nagpaalam na ako sa aking ina "Nay alis nako" "Sige nak nasa bag mo na ang pagkain mo para sa tanghalian ah,Ingat" sigaw ni Nanay..

"Rosieee! Halika dito may chika ako sayo" sigaw ni Maria ng makita nya na papasok ako sa classroom.."Alam mo ba Rosie may usap-usapan dito tungkol sa dulong classroom" sabi ni Maria.."Huh? Ano iyon?" takang saad ko.."May pinatay daw na batang babae doon..pero matagal na panahon na daw iyon" saad ni Maria.."Matagal na pala eh bakit hanggang ngayon usap-usapan parin?" tanong ko.. "Eh kase daw nagpaparamdam daw iyong bata kapag gabi na..Kilala mo ba si Simon? Sa seksyon 3??" tanong nya.."Oo yung nerd na nakakakita daw ng multo" sagot ko.. " HAHAHA Oo yun nga, eh paano may kinakausap daw yun sa dulong classroom.. Yung batang multo daw ang kausap HAHAHA baliw" tuwang tuwang saad ni Maria.. "Nandyan na si Ms Elena!!" sigaw ng aking kaklase..dali dali kaming nag siupo ng makarating sa unahan si Ms Elena..Napansin naming may lungkot ang mukha ni Ms kaya tinanong nito ni Leya "Ms. Elena Bakit po kayo mukhang malungkot?" " Class Lets pray for Jason Desosa..kase wala na sya" naiiyak na saad ni Ms. "Halaaa Bakit po Ms? Anong nangyari sa kanya?" tanong ng isa kong kaklase.. "Ayon sa mga magulang ni Jason , hindi daw umuwi kahapon.. At laking gulat namin ng isa sa mga guard ng school ay nakitang walang buhay si Jason sa Dulong classroom" saad ni Ms...

————————————–—————————————

:> Hope you all like it hehe this is my first time eh♡

The ClassroomWhere stories live. Discover now