"Dito ba nakatira si Felicity Natividad?" tanong ko sa mga bata na kahit nagtataka ay tumango din naman.

"Pwedi ko ba siyang makausap?"tanong ko ulit sa kanila. Napatango lang sila at nagpatiuna ng naglakad papasok ng kanilang bakuran.

Tss. Masyado atang kampante ang dalawang batang ito. Paano na lang kung masamang tao ang nagtatanong sa kanila.

Nilingon ako ng batang babae kaya napasunod ako sa kanya. Pagpasok ko pa lamang ay isang matandang tulala ang nakita ko kaagad na nakaupo sa may sofa.

"Lola. May naghahanap po sa inyo.." pagbibigay alam ng batang lalake sa matanda.

Pumihit paharap ang matanda sa apo nito bago nagtanong.

"Sino daw?" tanong niya. Hindi man lang niya napansin ang presensiya ko. Epekto kaya ito ng sakit niya?

"Siya po.." turo ng batang babae sa akin kaya napatingin ang matanda sa akin..

"Yaya Nati." mahinang tawag ko dito at umaasang maalala niya pa ako ngunit nagtaka lang itong nakatingin sa akin.

"Anong pangalan mo iha?"usisa ng matanda..

Napalunok ako bago nagpakilala sa kanya.

"Ako po ito, si First.. First Villera po.." pagpapakilala ko ngunit ganoon pa rin ang reaksyon niya. Nawalan na ako ng pag-asang maalala niya pa kung sino ako.

"First?" usal ng batang babae habang animo'y may iniisip na malalim.. "tama.. pangalan mo ang nakasulat sa libro ni Lola.." sambit nito bago kami iniwan sa sala at mabilis na pumasok sa isang kwarto.

Paglabas niya ay dala-dala niya ang isang may kalumaan ng libro..

"First Villera.. tama! Iyan ba ang pangalan mo?"tanong nito sa akin bago iabot ang librong hawak nito.

"Noong hindi pa nagkasakit si Lola, lage niya iyang binabasa."sambit naman ng batang lalake. "Lage niyang binabasa ang pangalang nakasulat diyan at umaasang dalawin siya nito at baka ikaw nga ang hinihintay niyang dumalaw sa kanya dito." dagdag pa nito kaya napalapit ako sa matandang nagtataka pa rin na nakatingin sa amin ng kanyang dalawang apo.

"Yaya Nati.." mahina kong tawag ulit dito. Napatingin naman ito sa akin at kalaunan ay ngumiti. "Iha sino ka ba?"ulit nitong tanong sa akin.

"Pasensiya na po kayo ate. Makakalimutin na po talaga si Lola. Paulit-ulit lang ang tanong niya!"sabat ng batang babae. "Ako nga po pala si Lucille.. at ito naman si July ang kapatid ko." pakilala nito sa akin pati na din ang lalakeng kapatid niya.

Ngumiti lang ako sa kanila at napaharap ulit sa matanda.

"Yaya, hindi niyo na po ba ako naalala? Ako po ito si First.." ulit kong pakilala sa kanya at umaasa pa rin akong may maalala siya tungkol sa nakaraan.

"First?" biglang sambit niya at bahagyang nanlaki ang mga mata niya na parang may biglang naalala. "Umalis ka na First.. Wala kang kasalanan kaya umalis ka na!" nahintakutan nitong saad kaya napalayo ako sa kanya.

"Ate.. —Ganyan po ang sinasabi niya simula noong nagkasakit na si Lola. Paulit-ulit at parang takot siya." paliwanag ni Lucille habang pinapatahan ang matanda.

Nalilito ako sa nalalaman ko ngayon.

"Bakit Yaya Nati? What happen before? Bakit ganyan na lang ang takot mo?" taka kong tanong kahit batid ko namang wala ding siyang masasagot.

Nawawalan na ako ng pag-asa at hindi na pinilit pa ang matanda kaya umalis na ako sa bahay nila dala-dala ang librong binigay sa akin ni Lucille kanina.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Donde viven las historias. Descúbrelo ahora