"Kahapon kasi.. mukhang wala sa konsentrasyon na mag aral itong si Macoy. Bagay na ipinagtataka ko kasi isa siya sa mga top student sa eskwelahang ito. Kaya.. im afraid, na baka maka-apekto ito sa mga grades niya." Mula sa akin ay kumipat naman ang tingin niya sa estudyabteng tinutuloy na mapagkumbabang nakatungo lang. "Bilang ikaw ang nakakasama niya sa bahay.. kamusta si Macoy sa inyo?" tanong naman nito sa akin.

Dahan-dahan namang nag angat ng ulo si Macoy kaya nagtama ang aminhmg mga mata. "Mabait na bata po si Macoy sa bahay. Masipag at desiplinado.." papuri ko. Dahil iyon amg pinaniniwalaan kong totoo base sa pagpapakilala ni Jessica sa anak niya.

"Well.. natutuwa akong marinig 'yan. But Macoy, what happened to you yesterday? Bakit, wala ka sa konsetrasyon sa klase ko?" Ibinaling naman ni Macoy ang ulo niya saka siya tumingin sa guro habang napapakamot sa ulo.

"Pasensya na po.. may peste lang kasi sa bahay namin, kaya nadi-distract ako sa pag aaral.." pag amin nito at makahulugan pa siyang tumingin sa akin.

"Sino o ano naman ang pesteng ito?"

"I-i mean.." naikagat muna ni Macoy ang labi niya saka niya ipinagpatuloy ang pagsasalita. "My oarents just got broke up. Kaya naapektohan po ako."

"I'm sorry to hear that.." agad na hinging paumanhin ng guro.

"Okay lang po.."

"Pero kamusta kana ngayon?" ilang saglit na napatitig naman si Macoy sa guro, saka umiling-iling.

"H-hindi ko po alam."

"Well.. with that matter. You have no other choice but to be strong. Pero huwag mong hahayaan na ang pinagdadaanan mo sa ngayon ay makaapekto sa iyong magandang future."

Mabilis na ngumiti si Macoy sa sinabi ng teacher. "Opo."

"So.. magkaano-ano kayong dalawa? Si Mr..Samonte kasi ang nakasulat na guardian mo dito sa record mo.."

Ako na ang sumagot sa tanong ng guro. "I'm his step father.." nahalata ko naman na nagulat si Macoy dahil sa sinabi ko. Pero kaagad niya din akong binigyan ng humanda-ka-sa-'kin-pag-uwi-ko-ng-bahay-look.

"Oh.. okay I got it. Well.. I think, narinig ko na ang dapat kong marinig. Macoy that is life. Maraming mga bagay tayong hindi kayang kontrolin. Pero kung papaano naman natin iyon i-handle, ay siyang makakatulong sa atin upang mas maging mabuti tayong tao. Matalino ka, subok ko na 'yon. Kaya tiwala ako na malalampasan mo rin ang lahat na ito." Pagtatapos ni Mr. Rodriguez ng meeting naming iyon sa table niya.

At gaya ng mga nagbabantang tingin sa akin kanina ni Macoy, ay agad din nitong sinimulan ang pag ganti niya nang makauwi ito ng bahay.

Kasalukuyan akong nagma-mop sa tiles naming sahig nang biglang pumasok si Macoy at parang namamasyal lang ito sa mall nang lumakad siya sa sahig na nilalampaso ko. Kaya naman nag iwan ng mga footmarks sa basang tiles ang nilakaran niya galing sa maruming sapatos niya.

Tiningnan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya na hindi man lang naapektuhan ni katiting.

"Sorry.." siyempre hindi ako tanga para maniwala sa plastic niyang pagso-sorry. Kaya bilang ganti ay nag make face ako sa kanya na ginaya pa ang pagso-sorry niya. Dahil doon ay nagsalubong naman ang mga kilay niya.

"Kamusta na ang anak ko? Hindi ba kayo nag aaway?" ang tanong ni Jessica mula sa screen ng aking Ipad na nakapatong sa lamesa, dahil matapos kong maglampaso ay naghihiwa naman ako ngayon ng mga rekado para sa aking lulutuin na nilagang baboy.

"Actually tinawagan ako nang teacher ni Macoy kanina.." napatigil ako sa pagsasalita dahil dumaan si Macoy at kumuha ito ng maiinom sa loob ng ref. Nagbabanta na naman ang mga tingin niya sa akin kaya ginawa kong kabaliktaran sa totoo ang ibinalita ko. "Sabi ng teacher niya, sobrang natutuwa daw siya kay Macoy. Dahil napakabait nito at napaka-active pa sa klase. Siya daw ang palaging nakakakuha ng matataas na score sa mga quiz nila at test."

"Hay.. akala ko naman na may hindi magandang ibabalita ang teacher niya kaya ka tinawagan."

"Love, imposible naman 'yon. Parang hindi mo kilala ang anak mo. Top student yata si Macoy!" ako naman ang mapang-asar na tumingin kay Macoy na binabalik na ang lagayan ng gatas na ininom niya.

"Love, I'm always proud of him. Never niya pa akong binigo sa pag aaral niya. Kaya nga nandidito ako ngayon sa Singapore nagtatrabaho para mapaaral ko pa siya sa eskwelahang deserve niya. By the way, nasan ba si Macoy? Nandiyan ba siya?"

"Oo, love. His here.. gusto mo ba siyang kausapin?" pero bigla namang may umeksenang sigaw mula sa bahay na kinaroroonan ni Jessica. "Jessica? Where are you leh?! Come here! And get my things in the car!"

"A-ah.. nandiyan na pala ang amo. Sige tatawag na lang ulit ako, ha.."

"Okay love.. I love you--" pero sa lpagmamadali niya ay nag flying kiss na lang siya kasabay nang pagkaputol ng video call namin.

"What? Ano na namang problema mo?" ang naging tanong ko kay Macoy na kanina pa masama ang tingin sa akin.

"Kung hindi mo pa ako makikita ay talagang sasabihin mo sa Mama mo na tinawagan ka ng teacher ko dahil sa issue ko sa issue ko sa school." Tinigil ko muna ang paghihiwa para kumprontahin siya.

"Hindi kita kailanman sisiraaan sa Mama mo, okay? Nakita man kita o hindi, kung ano man ang narinig mo kanina ay ganoon pa rin ang sasabihin ko sa Mama mo. Alam mo kung bakit?" tumayo ako at lumapit sa kanya, ngumiti ako at hinawakan ko siya sa balikat niya. "Dahil hindi mo ako kaaway. Kakampi mo ako. At naniniwala ako sa mga kakayahan mo."

"Binobola mo ba ako?"

"Hindi!" ang ilang segundo naming katahikan ay napalitan nang pagmumura ni Macoy matapos ko siyang kilitiin sa kanyang tagiliran. "Bati na kasi tayo. Magluluto ako ng pinakamasarap na nilagang baboy. Sabay na tayong dalawa kumain mamaya.."

"Whatever.." napairap na lang ito at mabilis na niya akong tinalikuran. Pero bago siya makapasok sa kwarto niya ay may sinabi akong nakapagpatigil sa kanya.

"Hey! Can you paint me, without any clothes?"

To be continued
JP CAVALLER WRIGHT


ABANGAN SA SCENE 12

Ilang beses na napalunok si Macoy at nanginginig pa ang kanyang kamay na hawak ang paint brush, habang nakatitig siya sa hubad na katawan ni Hans, na nakahiga sa sofa na nasa harapan niya bilang kanyang modelo. Iyon ang unang pagkakataon na may aktuwal na modelo siya sa kanyang pagpipinta.


MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)Where stories live. Discover now