Nang mga oras na iyon ay gusto kong isumbat sa kanila ang lahat ngunit walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Siguro ay sa mga oras na iyon ay gusto ko silang bigyan ulit ng isa pang pagkakataon. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit nila ako iniwan at gusto kong makita nila na kinaya ko kahit wala sila.

Bata pa lang ako nang ma-diagnose na may komplikasyon sa puso, a heart failure. Dahil doon ay hindi naging normal ang buhay ko. Hindi ko magawang makipaglaro sa ibang bata gaya ng iba. Hindi ko kayang gawin ang lahat ng gusto ko. Hindi ko kayang pumasok sa isang paaralan, ang makipagkaibigan, makipaglaro. Mga bagay na gustong-gusto ko ay ipinagkait sa akin ng mundo.

I was not complaining back then, dahil alam kong nandiyan sina mama at papa para palakasin ang loob ko. Nandiyan sila para hindi ko maramdaman ang lungkot. Kahit kapos kami sa pera ay hindi nila ipinaramdam na may kulang sa amin. Binigyan pa rin nila ako ng isang bagay na hindi lahat ay meron nito, ang masayang pamilya. Iyon lang, kuntento na ako. They were always there for me, kahit anong mangyari. Iyon ang paniniwala ko noon. I was just six years old at that time. Napaka-inosente ko pa para isipin ang problema sa mundo.

Until one day, binisita ako ni Mama na wala si Papa. Sa mukha pa lang niya ay halatang galing siya sa pag-iyak. Itinanong ko sa kaniya kung nasaan si Papa pero hindi siya sumagot. Ibinigay lang sa akin ang hawak na manika at inayos ang buhok ko.

“’Nak, aalis muna sina mama't papa. Pero pagbalik namin, may dala kaming maraming laruan. M-Madaming madami. Hindi ka malulungkot doon. Kasi napakadami nu'n.”

Gusto kong sabihin na hindi ko kailangan ng maraming laruan. Hindi ako magiging masaya sa mga iyon. Ang kailangan ko ay presensya nila. Iyon lang. Wala na akong mahihiling pa.

Niyakap niya ako ng mahigpit at nilabas ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Pilit pa akong napangiti nu'n dahil sa ibang ikinikilos nila.

“M-Ma, hindi ako makahinga,” biro ko pa. Kumalas siya sa pagkakayakap at pinunasan ang mga mata niya. Muli niyang inayos ang buhok ko at ngumiti.

“Ang ganda-ganda ng anak ko,” saad pa niya habang humihikbi. Gustong-gusto ko ring umiyak pero pinigilan ko. Sabi ko kasi sa kanila ay magiging strong ako hanggang tuluyan na akong gumaling.
Pinunasan ko ang mata niya. “Huwag ka na pong umiiyak.”

Isang babae ang lumapit sa kaniya. “Kailangan na nating umalis.”

Tumingin muli sa akin si Mama. “Magpapakabait ka, ha?”

I didn't respond. They were about to leave when I held her hand. For some reason, I don't want to let go.

“Babalik ka naman po kasama si Papa, hindi po ba?” agad na tanong ko sa kaniya.

Kita ko ang pagtakip niya sa bibig niya para pigilan ang mga paghikbi niya bago tumango.

“Oo, kasama si Papa.

That was the last word I've heard from her. I know she was lying. I knew she wouldn't come back with him, yet I kept waiting. I still believed her lies. 

Napatingin ako sa oras nang mapagtantong hindi na darating si Ian. Malapit na ring matapos ang lunchbreak. Napakagat ako ng labi. Dapat ay masanay na ako ngunit kahit paulit-ulit nang ginagawa sa akin ni Ian ang mga ito ay tila hindi pa rin ako natututo.

Umangat ang paningin ko nang maramdaman ang isang taong tumayo sa harap at nag-abot ng tubig. My lips parted when I saw Aaron, Ian's friend. Naaawa siyang tumingin sa mga lunchbox na nakalagay na sa mesa.

“Sorry, sabi niya hindi siya makakapunta.”

I know. I know he won't come.

“Okay lang, kaya ko namang ubusin lahat ito.” Pilit akong ngumiti. Tinapik niya ang balikat ko bago magpaalam at magtungo sa mga kaibigan nila.

Naiwan naman akong nakayuko sa kinauupuan ko para itago ang paninikip ng dibdib ko.

Tatlong buwan na rin simula nang naging malamig ang pakikitungo ni Ian sa akin. Okay naman kami. He was there when I needed someone to lean on. Hindi niya ako iniwan noong mga unang araw ng pagkamatay ng mga itinuring kong magulang. Nagsimulang naging malamig ang pakikitugo niya matapos ang burol nila. Unti-unti siyang nagbago at bigla na lang nanlamig.

Gusto ko siyang intindihin kaya ngayon ay hindi ko pa rin siya binibitawan. After all, he is my only reason to live. I want to keep living because of him. I want to be with him until my last breath. Iyon lang kasi ang kaya kong gawin para sa kaniya.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagsikip nito. Bigla ring nanlabo ang paningin ko.

Ilang saglit pa ay unti-unti ring bumalik sa normal ang pagtibok nito kasabay nang pag-upo ng isang tao sa tapat ko. I was about to say that I was not alone when he started to eat my food. Napaawang ang labi ko. A strange guy is eating my food. I should be mad but instead, I let him.

Tinignan ko ang kabuuan niya. He's wearing my former junior high school uniform. Hindi naka-botones iyon kaya nakikita ang suot niyang itim na t-shirt. May hitsura siya, I mean he's handsome and familiar. Mas matangkad siya sa akin pero ang bata ng mukha niya. Hindi ko masabi kung baby face lang siya o talagang high school student lang siya. At kung high school nga siya ay hindi dapat siya nandito.

“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya. Inosente siyang tumingin sa akin, puno ang bunganga niya ng pagkain. Mabilis niyang kinuha ang tubig na bigay sa akin ni Aaron at ininom ito.

“O-Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

“T-Thanks,” aniya habang umuubo-ubo pa.

“Hinay-hinay lang,” natatawang saad ko. “Bakit ka ba nandito? May kasama ka ba?” 

Muli ay inosente siyang tumingin sa akin. Ilang saglit pa ay umiling siya.  

“You,” inosenteng sabi niya. Nagtaka ako nang ituro niya ang puso ko.

“I am waiting for you.”

Seven Days Of Heartbeats Where stories live. Discover now