PROLOGUE

8 0 0
                                        

"Bakit kasi hindi nalang ako ulit?" umiiyak na saad nya sa akin habang nakaluhod sa aking harap at yakap yakap ako.

Sya nalang ulit? Sya pa rin naman hanggang ngayon. Sya pa rin hanggang dulo.

Gustong gusto kong sabihin yan sa kanya ngunit hindi na maaari. Nangako na ako. Nangako na ako sa aking sarili na hinding hindi na ako magiging marupok pag dating sa kanya. Hindi na. Mahal ko sya, kaso hindi na talaga pwede, tama na.

"Pangako. Magbabago na ako. Hindi ko na iyon uulitin. Hindi na kita sasaktan. Please, last chance naman, babe." patuloy nya pa, ngunit kahit anong sabihin nya ay wala na talagang makakapag pabago ng desisyon ko.

"Mahal ka ni Gine. Huwag mong sayangin ang pagmamahal nya. At alam kong mahal mo din sya. Sinimulan mo kaya panindigan mo yan. So, be with her." untag ko at pilit inaalis ang pagkakayakap nya sa akin ngunit sadyang malakas sya.

"Mahal nya ako. Pero mas mahal kita. At alam kong mahal mo pa rin ako." tumayo na sya at pilit akong hinahalikan ngunit sinampal ko ang kanyang pisngi.

"Ayan ng matauhan ka! Mas mahal mo ako?" sarkastiko kong tanong saka ngumisi ng mapakla.
"Hindi mo ako mahal. Dahil kung mahal mo ako, hindi mangyayari sa atin ito!" sigaw ko sa kanya ngunit lumpit lang sya ulit sa akin kaya naman tinulak sya ng sobrang lakas dahilan para mapa upo sya sa kalsada.

"Pero mahal mo ako, alam ko 'yon. Nararamdaman ko." mahinahon nyang sabi pero umiling iling lang ako. Ang tigas talaga ng ulo nya. Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi na talaga kami pwede?

"Puntahan mo na si Gine at baka naghihysterical nanaman 'yon sa kaalamang nandito ka at kinakausap ako. Baka isipin nanaman nyang nilalandi kita." sabi ko sa kanya at papasok na sana sa gate ng aming bahay ng magsalita muli sya.

"Fai." tawag nya sa pangalan ko kaya napatigil ako sa paglalakad ngunit hindi ko sya hinarap.
"Just tell me you don't love me anymore. I won't bother you, again." kusang nagbagsakan ang mga luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Ganyan ba talaga sya kakulit at kamanhid?

Ayaw kong sabihin. Please, Fai don't say it. But other of me saying na sabihin ko na para matapos na ang kahibangan na ito.

Ayaw kong sabihin na hindi ko na sya mahal dahil gusto ko kulitin nya pa rin ako at suyuin hanggang sa maging traydor ako sa aking sarili at balikan sya.

Gusto ko nang sabihin na hindi ko na sya mahal para matapos na ito. Para hindi na ako masaktan. Hindi na sya masaktan. Hindi na kaming dalawa masaktan.

Ngunit sa pagdadalawang isip ay nasabi ko pa rin, "Hindi na kita mahal. So pleaae, don't show your face to me forever. If coincidence na magkikita tayo, unang kita mo palang sa mukha ko sana umiwas kana at ganon din ang gagawin ko. Let's move forward."

Matapos kong sabihin ang aking mahabang lintaya ay pumasok na ako sa aming bahay at doon bumuhos ang aking bahang baha na luha.

Sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit nangyari sa amin 'to. Bigla ko nalang narealize na hindi na kami. Wala na. Tapos na.

Alam ko one day, destiny will be with us. We will be happy, with our arms. We will be happy together. There's always a happy ending. So I believe it is not our ending, yet.

CHEATERWhere stories live. Discover now