Chapter 13

8.9K 292 61
                                    

Chapter 13

Kash's POV

"Kash, sigurado ka ba?" tanong ni Kylan ng paulit-ulit at nagsisimula nang marindi ang mga tenga ko.

"Kelangan ko pa ba mag unli?" inis na tanong ko sakanya.

"Pero Kash.. bakit bigla ka atang bumait?" tanong niya sakin. 

"So kelangan bang magkaroon ng dahilan ang lahat?" balik na tanong ko.

"Ka naman eh! Hindi mo naman sinasagot yung mga tanong ko, sumasagot ka nga pero tanong rin yung sinasagot mo!" Sabi niya na tila naguguluhan.

"Bahala ka, kung ayaw mo edi wag." Sabi ko sakanya't tumalikod na tsaka nagkumot.

Narinig ko ang pagsampa niya sa kama, "sabi ko na nga ba't mabait ka talaga Ka, alam kong hindi mo matitiis ang kaibigan mo." Humiga na rin siya tsaka nagkumot din ng kinukumot ko ngayon.

"Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla ka nalang bumait, simula nung umuwi tayo galing sa trip." Narinig kong sabi niya.

"So gusto mo palang masungit ako, ganon?" 

"Ah! Hindi, parang nakakapanibago lang." 

"Hindi kita maintindihan Ky, dati hinahanap mo yung dating ako tapos ngayon naman sasabihin mong nakakapanibago. Ano ba talaga?"

"Eh naguguluhan lang ako, alam mo yung tanong kung anong mas nauna? Kung yung itlog ba o manok? Ganun ako naguguluhan." Napabuntong-hininga nalang ako sa sinabi ni Kylan.

Naramdaman ko yung pagyakap niya mula sa likod ngunit wala akong naramdaman. Hindi ko rin alam pero parang bumalik kami sa panahon na estudyante palang kami.

"Ka.. Sana ganito nalang tayo lagi." Narinig kong bulong niya.

"Walang problema.. kung iyon ang gusto mo." Mahinang sabi ko. Naramdaman ko naman yung paghigpit ng yakap nya.. "Kassshhh!!! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo pero panatilihin mo lang ang kabaitan mo ngayon." Sabi niya na para bang maiiyak.

Siguro nga ay masyado akong naging hard sa lalaking 'to. Pero good thing nga siguro ang nangyari nung trip, lagi kong naaalala yung mga sinabi niya sakin nung kaming dalawa lang sa tagpi-tagping kubo. 

Okay lang kung ano kami ngayon..

Okay lang dahil nasa tabi ko siya..

Alam kong mahirap umasa pero sa mga kinikilos niya ay hindi ko maiwasang makaramdam na perhaps may feelings din ang lalaking ito sakin.

Kaya ngayon, gusto kong pakitunguhan na siya ng maayos. Hindi pwedeng siya nalang lagi ang nag-aalaga sakin, kailangan ko rin siyang subaybayan. Para masigurong hindi na siya aalis pa muli sa tabi ko.

What exactly am I thinking? Hindi ko rin alam. Pero gusto kong i-cherish ang lalaking 'to kahit napakasama niyang tao.

Humarap ako sakanya at nagtitigan kami.

Pumikit ako, "matulog na tayo." Tumango siya.

"Goodnight Kash." Pinatay niya na yung lampshade tsaka niyakap muli ako.

"Goodnight Kylan."

***

"Ready na yung breakfast Kash," narinig kong sabi ni Kylan, "sabay na tayong pumasok." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti ako pabalik sakanya, "sige." 

"Mas cute ka talaga pag nakangiti, effective pala yung trip natin." Sabi nito pero hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya't umupo na sa upuan para kumain.

Pounding Heart [VOL. 2]Where stories live. Discover now