WOD #2. PROMISE ARE MEANT TO BE BROKEN

13 3 0
                                    

'WOD #2. PROMISE ARE MEANT TO          BE BROKEN'

"ash-ash promise when we are old enough I'm going to marry you para hindi kana malungkot" sabi sa akin ni melvin

"t-talaga melvin?" tanong ko dito habang nasinghot pa. Sigurado akong natulo na ang sipon ko ngayon.

"oo ash-ash kaya wag kanang umiyak" sabi nya sabay hagod sa likod ko

Umiiyak ako dahil hindi ko parin tanggap na namatay na ang mga magulang ko. Namatay sila sa car accident noong nakaraang buwan kaya sariwa pa ang sugat sa puso ko.

Ako nga pala si ashley visco seven years old at ang best friend ko naman ay si melvin devera same old with me.

Huminto na ako sa pag iyak ay inaya na ako ni melvin sa bahay namin. Nadatnan namin si lola sa loob ng bahay na naghahanap parin sa akin. Nang makita nila ako ay lumapit agad sya sa akin at yinakap ako ng mahigpit.

"ashley jusko saan ka ba nagpupunta ha! pinag alala mo ako" nag aalalang sabi ni lola

"sorry na po lola" sabi ko nalang sa kanya

"hays mabuti nalang at nandito si melvin" sabi nya "hali kayo at mag meryenda nalang kayo dito" pag aaya nya sa amin ni melvin

Pumunta kaming sala at nakita namin ang mga pagkain na binake ni lola. Cake, cookies, etch. Natapos kaming kumain ni melvin na busog na busog.

Hanggang gabi ay naglaro lang kami ni melvin ng naglaro hanggang sa tinawag na sya ng mama nya kaya umuwi na sya.

Sa loob ng isang buwan ay laro lang kami ng laro. Hanggang sa isang araw ay nag paalam sya.

"ash-ash aalis na kami nila mama at papa" sabi nya sa akin

"saan kayo pupunta?" nagtataka kong tanong

Umiiyak na sya "sa malayo, lilipat na kami ng bahay" napahagulgol na sya kaya napaiyak na rin ako

"i-iwan mo narin ako?" nabubulol man at nakaya ko parin matapos ang tanong ko

"sorry na ash-ash ayaw na kasi dito nila mama ehh, pero promise ko paglaki natin ay hahanapin kita" sabi nito sa akin

"p-pero meron ka pang promised sa akin ehh" pagsasabi ko dito

"wag ka mag alala dahil tutuparin ko ang mga pangako ko sayo"

"kailan alis nyo?" tanong ko rito

"b-bukas na" nagsimula nanaman syang umiyak at yumakap sya sa akin na mahigpit na para bang ayaw nya na ako bitawan pa. Buong magdamag kami naglaro at paminsan minsan ay bigla nalang kami mag iiyakan at magyayakapan.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga para puntahan sila melvin bago sila umalis pero pagpunta ko palang doon ay nakasarado na ang pinto nila at may nakalagay na 'for sale' Kaya tumakbo nalang ako pabalik sa bahay namin ng naiyak at sinabi kay lola na umalis na sila melvin.

"apo may mga tao talagang aalis sayo pero meron namang papalit na iba" sabi nya sa akin

"pero walang makakapalit Kay melvin" sabi ko rito "atsaka may promise pa sya, ang sabi nya ay tutuparin nya iyon" napapaiyak na ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

world of dreams Where stories live. Discover now